CHAPTER FOUR
CALIXTAH was stunned to hear what Marcus said. Does he really want Maxus to pretend that she and Max are the ones who are married? She looked at Maxus who was also stunned. Hindi naman kasi biro ang narinig mula sa asawa, hindi ba mas mabuting sinabi nitong ito ang asawa? Bakit kailangan pa nitong magsinungaling kung kaibigan naman pala nito ang mga kasama?
"Right, Maxus?" napapitlag sila ng magsalita muli si Marcus.
"Y-yeah. Calixtah is my wife." napilitan namang tumango si Maxus. Nagulat siya ng inakbayan siya ng binata at ngumiti, na tila sinasabing sumakay nalang din siya. Kaya ngumiti siya ng pilit. "Babe, say hello to Marcus' friends."
"H-hello." bati niya kahit deep inside her heart, nasasaktan siya. It hurts to be denied, yes. She accepts that their marriage is just a secret but she still can't help but be hurt.
"Congrats pare, you found a perfect wife!" isang lalaking maputi at chinito. Inabot pa nito ang kamay niya at para hindi mapahiya, nakipagkamay nalang din siya. "I'm Xiesan,"
"I'm Brandon." pakilala naman ng isa na maskulado at kayumanggi at gwapo rin. Lahat sila ay may itsura, dahil nga mga artista ang mga ito.
"Dylan. You're pretty." saad pa ng isa. Katamtaman lang ang katawan nito at mukha itong foreigner.
"I'm Yassi, Cassandra's friend." dalagang kaibigan ni Cassandra. Maiksi naman ang buhok ng isang ito. Bineso beso pa siya.
"Carly, I'm her friend too." sumunod naman ang isang dalaga. Black beauty ito at mahaba ang buhok.
"Marie," nakangiti namang pakilala ng isa pang dalaga. Hindi katangkaran pero maganda ang katawan.
"Tj." humabol na nakipagkamay ang isang binata na kulay blond ang buhok, bagay sa maputi nitong balat.
"N-nice to meet you all. Ako naman si Calixtah." nakangiting pakilala niya. Hindi nawala ang focus niya sa pwesto ni Marcus. Doon lamang siya nakatingin. At si Marcus, hindi makatingin pabalik sakanya.
"Teka, kailan kayo nagpakasal? Bakit walang balita?" Si Damian, na unang nagpakilala kanina. Mukhang ito ang pinaka close ni Marcus dahil madalas niyang naririnig ang pangalan ni Damian kapag nag ku-kwento ang asawa.
"Hindi na talaga namin pinaalam dahil sa US ginanap ang kasal." si Maxus ang sumagot. Nakangiti si Maxus na para bang totoo ang sinasabi nito habang nakaakbay sakanya.
"Really?" si Cassandra.
"Yeah." sagot ni Maxus.
"Congrats, Max. Your wife is too pretty. Really. She can be a model or actress." puri ni Damian.
"Thanks, Damian. She's really are. Pero hindi lang maganda ang asawa ko. Mabait pa at maalaga." Dagdag ni Maxus na tila ipinagmamayabang siya sa mga kaibigan. Kung sana si Marcus ang nagsabi niyan ay siguradong mahihimatay siya sa tuwa at kilig.
"Ikaw Marcus, kailan ka magpapakasal?" tanong bigla ni Brandon kaya tila nanlamig si Marcus sa kinauupuan. Uminom pa ito ng wine.
"H-huh?" nauutal pa si Marcus.
"Nako! Yang kambal ko, he don't really want to get married yet. Hindi nga yan naiingit saamin ni Calixtah eh. And nasa contract niya na bawal pa. Kaya matagal tagal pa siguro mag aasawa ang kambal ko. Don't pressure him." seryosong saad ni Maxus, halatang sinasalo nito ang kakambal. Lumingon pa si Maxus sa kanya sabay tanong na, "Am I right, babe?"
Babe? Tawagan nila ni Marcus iyon, kaya na awkward tuloy siya bigla. Hindi niya na lamang pinahalata.
"O-oo, babe." sagot na lamang niya at pasimpleng inalis ang pagkaka akbay sakanya ni Maxus. "Punta lang ako sa kusina, anong gusto niyong meryenda."
![](https://img.wattpad.com/cover/226307192-288-k672565.jpg)
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #2:CALIXTAH|R-18|COMPLETED
RomanceSTANFORD SERIES #2 Marcus Cale Stanford and Calixtah Bonifacio DATE STARTED: JULY 19, 2020 DATE FINISHED: OCTOBER 19, 2020