CHAPTER THIRTEEN

5.2K 116 7
                                    

CHAPTER THIRTEEN



"YES, Calixtah?" habang nasa department store siya ay tumawag si Calixtah. Kaya naman agad niya itong sinagot. "Calixtah?"

"Sir, ako ho ito, si Manang."

"Manang Sita?"

"H-hello, sir Maxus! Manganganak na ho si Ma'am Calixtah!" nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Manganganak na ang asawa ng kambal niya? Wala ba si Marcus doon? Bakit siya ang tinatawagan?

"Wala si Marcus?" natataranta siyang naglakad ng mabilis palabas ng mall. "Pupunta na ho ako diyan manang. Paki sabi kay Calixtah, kumalma siya. Okay?"

"Opo sir."

"Give me five minutes, I'm on my way." Aniya at pinatay ang tawag. Nang makalabas sa mall ay tumakbo na siya papunta sa parking lot at agad binuksan ang pinto ng kotse.

Sa totoo lang, hindi naman talaga siya pumunta sa Batangas. Oo nagpaalam talaga siya sa kanyang uncle Zichael upang mahiram ang bahay ng mga ito. Ngunit hindi siya tumuloy. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Tila ayaw niyang lumyo talaga kay Calixtah. Nandito lang rin siya sa isang condo sa manila, malapit sa bahay nila. Wala kasi siyang tiwala sa kanyang kambal na naroon ito sa tabi ng asawa kapag oras na nga ng panganganak.

At tama siya. Mabuti nalang pala at hindi siya tumuloy sa Batangas.

Pinaharurot niya ang sasakyan pauwi ng bahay nila. Kinakabahan siya at natataranta. Para ngang siya ang tatay ng baby at hindi si Marcus. Nang makarating sa bahay ay agad siyang pumasok at nakita nga niyang nasa balkonahe si Calixtah kasama si manang Sita.

"Yung mga gamit ni Calixtah, pakilagay sa sasakyan Manang." Aniya at binuhat na ang halos nawawalan nang malay na si Calixtah. "Hold on, Calixtah."

Puro daing lang ang maririnig niya rito hanggang sa maipasok niya ito sa loob ng kotse. Pinagpapawisan na rin siya sa sobrang taranta at kaba.


"Breath, Calixtah. Malapit na tayo sa hospital." Aniya habang nagmamaneho.

"Thank you, Maxus ha?" nagawa pa talaga nitong magpasalamat. Gago talaga ang kapatid niya, napaka-iresponsable nito.

"Thank me later," aniya. Humaharurot man ang sasakyan, inisip parin niya ang safety nila kaya naman maingat pa rin ang pagmamaneho niya. Nang makarating sa hospital, sa may emergency area na sila dumeretso. Agad namang may nakaabang na mga nurse doon at binuhat nga si Calixtah.

"Manang Sita, mauna kana doon. Samahan mo muna si Calixtah." Aniya.

"Y-yes, sir."Agaran namang tumango ang katulong at sumunod kay Calixtah.

Nang maipark ang sasakyan agad siyang tumakbo papunta sa emergency room. Huli na ng mapansin niya na wala siyang soot na hodie at sunglass. Nakatingin na rin kasi sakanya ang ilang tao sa loob ng hospital.

"Shit!" mahinang mura niya.

"MARCUS!" nagsimula ng magkagulo ang ilang tao na naroon. Tumakbo siya pero agad din siyang na corner ng mga tao. Napagkamalan nanaman siyang si Marcus. May ilan na kinukuhanan siya ng letrato, may ilan naman na pilit siyang niyayakap.

"OMG! SI MARCUS NGA!"

"MARCUUSSSSSS! WAAAAHHHHH!"

"PA-PICTURE NAMAN POOOOO!"

"SINO YUNG BUNTIS, MARCUS? GIRLFRIEND MO BA?" paano nila nakitang may hinatid siyang buntis? Grabe naman makasagap ng balita ang mga ito.

"PAANO NA SI CASSANDRA?"

STANFORD SERIES #2:CALIXTAH|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon