CHAPTER EIGHTEEN

5.9K 118 14
                                    

CHAPTER EIGHTEEN


THREE days later. Tatlong araw na ang lumilipas pero tila hindi pa rin nababawasan ang lungkot ni Calixtah. Si Maxus, araw araw siyang pinupuntahan at dinadalhan siya ng makakain. Nahihiya na nga siya kay Maxus pero anong magagawa niya, hindi niya naman pwedeng iwan si Thalissa mag-isa sa bahay at bibili siya sa labas.

Hindi na siya nanonood ng TV patungkol sa showbiz. Mga Hollywood movies nalang ang pinapanood niya upang makalimutan kahit papano si Marcus. Sa tatlong araw na lumipas, walang Marcus na nagpaparamdam sakanya.

Gusto niyang itanong kay Maxus, kung tinatanong ba siya ng asawa pero ayaw niyang lunukin ang pride niya. Gusto niyang panindigan ang naging desisiyon niya. Mahal niya si Marcus pero tila lalo pang nadadagdagan ang sama ng loob niya dahil tila parang hindi naman siya hinahanap nito.

Mabuti nalang, wala pang muwang ang kanyang baby, ayaw niya kasing madamay ito sa nararamdaman niya. Problema nila ito ni Marcus at hindi dapat madamay ang anak nila. Dahil siya ang nanay, natural lamang na siya ang may mas karapatan sa bata at siya ang kasama nito. Malungkot siyang tumingin sa anak niyang mahimbing ang tulog, wala pang isang buwan ang anak niya pero nawalay na ito sa ama.

"I'm sorry, anak." Bulong niya.

"Calixtah?" napalingon si Calixtah sa pintuan at nakita naman niya doon ang nakasungaw na si Maxus. Nakangiti ito at pinapakita sakanya ang mga pagkain na dala-dala.

Ngumiti siya ng tipid saka iniwan ang kanyang baby. Nilagyan niya ng harang ang gilid ng kama upang hindi ito mahulog. Malaki naman ang kama kaya malabong mahulog ito dahil sa gitna niya talaga pinwesto ang anak.

"Kumain ka muna, Calixtah." Nakangiting saad ni Maxus habang inihahanda sa mesa ang mga dala nitong pagkain. "Pagpasensyahan mo na at galing fastfood lang ang mga ito. Hindi na kasi ako nakapagluto sa bahay dahil may pinuntahan pa ako kanina."

"Max, you don't have to do this. Masyado ka ng naaabala nang dahil saamin ni Thalissa. Kaya ko naman ang s-sarili ko. Etong tinutuluyan naming bahay, thankful na ako." Saad niya. "You're not the one who's responsible for us, Max, you don't have to—"

"Ginagawa ko ito dahil gusto ko, Calixtah. Sa ayaw at sa gusto mo, aalagaan ko kayo ni Thalissa." Nakangiting putol nito kaya kumunot ang noo niya. Bago pa man siya makasagot nagsalita itong muli. "Kumain kana, sa tatlong araw na lumipas ay parang pumayat ka. Kailangan mo ng lakas para kay baby."

Tumango nalang siya at umupo sa harap ng mesa. Walang binabanggit si Maxus tungkol sa kambal nito at kung hinahanap ba siya. Basta sa tuwing dinadalaw siya ng binata, tungkol lang sa kanila ni baby ang concern nito. Dahil hindi na niya mapigilan pa ang sarili, huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Kumusta si Marcus?" lakas loob niyang tanong, dahilan upang mapatingin sakanya si Maxus na tila sumeryoso pa ang mukha. Nakita naman niyang bumuntong hininga ng malalim ang binata.

"He's fine. May tinatapos pa yata sila sa taping. Mukhang busy na naman sa trabaho ang asawa mo." Anito. Taping? Hindi ba at sinabi ni Marcus na tapos na ang taping ng mga ito? Na hindi na ito tatanggap ng bagong trabaho dahil mag fo-focus na siya sakanila? Pero naisip niya, oo nga naman, paano ba ito makakapagfocus sakanilang mag-ina kung wala naman sila sa poder nito.

"H-hindi niya ba k-kami h-hinahanap?" wala sa sariling tanong niya. Nangingilid na rin ang mga luha niya.

"I'm sorry, Calixtah, pero hindi ka hinahanap ng asawa mo. Bibihira na rin siyang umuwi sa bahay these past three days." Malungkot na tugon ni Maxus kaya mas lalo tuloy siyang nalungkot. Talaga bang, hindi sila hinahanap? Totoo kaya ang kumakalat sa tsismis na may relasyon ang asawa niya at ang Cassandra na iyon? "Here, I bought ice cream for you. Para naman gumaan ang pakiramdam mo. At bumili na rin ako siyempre ng mga gatas at diapers ni Thalissa."

STANFORD SERIES #2:CALIXTAH|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon