Speed Love #02

1.5K 68 56
                                    

Micah POV:

Sinusundan ko siya ng tingin
paika-ika parin ito,pag lagpas niya saken ay umupo naman ito sa semento sa gilid ng kalsada inilapag sa sahig ang helmet at hinihilot hilot pa ang binti nito,na nasaktan din siguro dahil napapa ngiwi pa ito ng mukha pero inferness gwapo parin siya ahh...

Naglakad ako sa harapan niya,tumayo naman siya agad kahit nasisira ang mukha dahil yata sa sakit ng katawan at likuran."Ahh,miss nasaktan kaba?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa lakas nito baka marinig niyapa OH Panginoon ...ano bang nangyayari saken? ang ganda lang kasi ng husky niyang boses pero lalaking lalaki talaga ang sarap lang pakinggan sa tenga ko.

Ako pa ang inalala niya nakakahiya "Hindi,naman pasensiya kana ahh,ng dahil saken nasemplang kapa!"
Hinigpitan ko ang hawak ko sa sling bag ko dahil nakatitig siya saken pinagpapawisan yata ako kahit mahangin naman.

Gusto kong umiwas ng tingin pero parang may magnet na naguugnay
Sa mga mata namin walang gustong  bumitaw non.

Ngumiti ito ng ubod ng tamis lumabas pa ang maliit niyang dimple sa kaliwang pisngi ang cute "Okay lang yun,atlis di kita nasagasaan!at okay lang naman ako,di naman ako napuruhan ehh!!"

Pangiti ngiti pa nitong sambit habang nakatitig parin saken."Joshua nga pala..!"nilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko.

Kinamayan korin naman siya,at nagsalita "Jemicah!"ngiti ko rito.

Lalo yata lumawak ang ngiti niya nagulat pako ng may mga motor narin na parating sa pwesto namin,nang tumigil ito sa harapan namin saka napakamot sa buhok si Josh at nagmura.

"Fuck!!Ang motor ko!"paika ika itong naglakad papunta sa motor niyang nakahiga sa gitna ng kalsada sa di kalayuan.

Nanlaki nanaman ang mga mata ko sa lalakeng naghubad ng helmet."Micah!anong nangyari anong ginagawa mo rito?"tanong ni Andrew
saken.

Nasa harapan ko na siya pero nakasakay parin siya sa motor niya.
Ang iba naman ay tinulungan si Josh sa motor nito nakita ko yung mga nakilala ko sa Anniversary kila yumi si Dañiel at Regie.

"Ahh,may bibilhen kasi ako sa bayan muntik niya nako masagasaan eh!dito ba kayo nagkakarera bawal dito diba?"Kahit nahihiya lumabas narin sa bibig koyun.

Naisip ko kasi baka maulit pa sa iba at hindi lang ganon ang mangyari  tulad kanina,baka may iba pa silang madisgrasya.

Napangiti naman si Andrew at napahawak sa batok niya "Tara hatid na kita!"hinawakan niya naman ang braso ko.

Maya maya nasa harapan narin namin sila Josh "Kilala mo dude?"tanong nito kay Andrew na nakataas ang kilay seryoso na ang mukha nito hindi katulad kanina na panay ngiti sa akin kahit may iniindang masakit sa katawan.

"Yup!tapat lang nang bahay namin kababata ng kapatid ko pano panalo ko akin na pusta niyo para may pang date ako dito kay Micah!"mahabang sambit nito at lumingon saken nama'y ngiti sa gilid ng labi.

"Huh?naku mamimile pako Andrew ehh sige ahh!una nako sainyo!"
nagpaalam nako at naglakad ng mabilis.

Namula talaga ang pisngi ko ramdam na ramdam ko yun,ang init ng mukha ko anong date sinasabi niya?
nagtataka talaga ko bakit niya nasabi yun sa harap ng mga lalakeng andun.

Sabi noon ni sugar may pagkamahangin ngaraw si Andrew pero diko naman yun nakikita kapag kaharap ko siya parang gentleman naman ito.

Bigla naman akong nagulat at napalingon ng may motor na sumusunod sa kalsada habang ako'y naglalakad sa gilid,malilim naman dahil sa malalaking mga puno sa tabi.

SpeEd LoVeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon