Speed Love #20

810 51 43
                                    

                                                                

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                

Micah Pov:

Hampas ng mga puno dahil sa malakas na hangin dulo't ng masungit na panahon, mga huni ng mga insekto,malakas na ulan at kulog kidlat ang naririnig ko sa oras na ito.

Pero maski siguro pag lunok ay diko magawa dahil nangangamba akong marinig ng katabi ko, hindi mapalagay ang sistema ko dahil alam kong katabi ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko,ang lalaking noon at hanggang ngayon ay minamahal ko.

Pigil na pigil ang aking paghinga nakatalikod parin ako sakaniya na nakatagilid ilang oras na akong ganito,mukhang nangangalay nako dahil matigas ang papag hindi pako makakilos ng maayos dahil onting galaw kolang ay masasanggi ko ang balat ng katabi ko. ohhh Pls God!!!

Di ako makapag isip kung paano ko kukunin ang kumot na inuunan ko, nilalamig nako,papatay patay sindi pa ang ilaw kaya't hindi ako makapag desisyon kung tatayo ba oh mauupo baka iba ang makuha at mahawakan ko.

"Micah,i know you still awake!gusto mo bang magkumot oh isapin ang kumot? it's too cold" Malumanay nitong sambit, na ikinabigla ko akala ko panaman natutulog na siya.. .bakit nahulaan niya ang naiisip ko? dahil ba nilalamig din siya.  . .

Hindi ko alam kung sasagot bako abala pa ang isipan ko kung anong maaaring sabihin ng lumangitngit muli ang papag.

"Micah... .babe.. .. Hey! " Ramdam ko nanaman ang malapad niyang kamay sa aking braso ang mga palad niyang nanunuot sa aking balat.

Lalo tuloy akong nanigas hindi dahil sa lamig kundi sa tensiyon ng pagkakahawak niyang muli saken, "Oh, please!"bulong ko sa isipan.

inangat nito dahan dahan ang aking ulo dahil nakaunan sa akin ang kumot nasa ibabaw ng aking unan,pinikit kong madiin ang aking mga mata at pinipigilan mapasinghap sa presensiya nito sa likod ko.

Ramdam na ramdam ko ang malalapad niyang dibdib sa aking likuran, saka ko naginhawaan at medyo nawala ang lamig na nararamdaman dahil sa pagkumot niya sa akin.

Nang wala nakong marinig at hindi na nakalapat ang dibdib nito sa aking likuran ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Ganon nalang ang gulat ko at panlalaki ng mga mata ng makita ang mukha ni josh sa harapan ko na nakatitig saken

"I know, Gising kapa! Come here beside me nakakangalay ang pwesto mo at matigas ang papag I'll give you more comfort...! " Seryoso ang mukha nito na may mapupungay na mga mata na mukhang asawang naglalambing sa misis. haisss....

Hindi ko mapigilan huwag siyang titigan ang tagal korin hinintay muli ang pagkakataon na ito Josh....

Nabigla pako ng mamatay muli ang bumbilyang nakasabit at kabigin ako ni josh pahiga sa dibdib niya nanlalaki man ang mga mata ay wala kong magawa kundi ilapat nalang ang aking kalahating mukha roon, ang bilis ng tibok ng puso nito na animo'y isang magandang musika sa aking pandinig.

SpeEd LoVeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon