Speed Love #29

407 20 15
                                    

Micah..

Bakit ba ako kinakabahan?masama bang magsaya?

Nagulat pa ako ng kinalabit niya ang lalakeng nakaupo dun sa harapan ko.

Agad naman tumayo yung lalake at pinaupo siya.

Nagkatitigan kami habang sumisimsim ito ng medyo yupi ng lata ng alak na nasa kamay niya saka biglang inilapag sa mesa.

kumabog na naman ang dibdib ko.
parang nangangarera ang puso ko sa bilis ng tibok.

"Mahina kang mag-inom diba?pero nakikipag sabayan ka dito micah? let's go home!"Saad nito na may galit na tono magkasalubong ang makapal na kilay at titig na titig sa akin na halos walang ka kurap kurap at naniningkit ang mga mata.

Medyo malakas ang boses niya,kaya ang malalapit sa amin ay napatingin sakaniya lahat.

Buti nalang maingay parin yung bumibirit sa videoke.

Ang ibang bisita ay hindi siya narinig.

"Ahm pre,nagkakasiyahan lang naman!"singit naman ni ismael.

Nilingon ko ito sa tabi ko,at medyo napandilatan ko ng mata, gusto ko siyang awatin sa pagsasalita.

"I don't talk to you!bakit nakikisali ka,sino kaba?"may diin at galit na binitiwang salita naman ni josh,siya naman ang tinignan ko.

Seryoso,talaga siya at galit talaga ang itsura.

Kaya naman medyo naaligaga na talaga ako sa kinauupuan ko napalingon ako kay ismael ginantihan nito ng matalim na pagtingin si josh.

"Bakit ikaw pre sino kaba? boyfriend kaba niya?"balik na tanong nito kay josh.

Agad akong napatingin ulit kay josh nagtagis ang bagang nito at halos maglabas ng apoy ang mga mata sa titig na binibigay kay ismael.

bigla naman akong napalunok,at sinabayan ng tingin ang pagtayo ni josh umikot at naglakad patungo sa amin ni ismael na magkatabi parin ng upuan.

Hinila niya ako patayo agad din naman akong tumingin kay ismael para pagitnaan narin sila.

"ahm,okay lang ismael magkasama kami paalis narin talaga ako eh"dudugtungan kopa sana ang sasabihin ko ng hilain nako ni josh na iniwanan parin ng masamang tingin si ismael.

"Tsk!!"Habol pa nito na parang nang aasar.

Nakita ko nalang si ismael na umupo sa upuan at tinungga ang alak na nasa kamay niya.

Napailing nalang ako at ngiwi sa higpit ng pagkakahawak ng kamay ni josh sa aking palapulsuhan.

alam kong nanlalamig ang mga kamay ko sa kahihiyan at pagka dismaya.

palabas na kami ng bakod ng may inabot pa itong isang can ng alak sa may lamesa.

"Oh hijo aalis naba kayo?" nang galing sa aming likuran ang tinig.

SpeEd LoVeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon