Speed Love #28

648 21 20
                                    

Micah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Micah

Hindi ko alam kung bakit sinasadya yata akong iwasan ni josh,simula nung may nangyari sa amin,ang kirot sa puso masakit sa isipan na para bang malaking pagkakamali ang ginawa niyang muli sa akin.

Para saken,napaka memorable non kahit paulit ulit namin gawin laging espesyal para saken,tanging siya lang naman ang nakakagawa non at wala nakong pahihintulutan pang iba.

Pagkatapos kasi ng umagang yun hindi ko na siya muling nakita,umalis siya ng walang paalam bakit naman ako mag e-expect ng magandang pakikitungo niya saken?pagkatapos ng naganap?may magbabago ba?may pinangako ba siya na kung kami ba ulit?wala naman wala siyang pinangako saken...isa parin akong patira sa bahay niya,Ex niya na tinutulungan niya lang... ayun lang!

Sa totoo lang hindi niya nga ako obligasyon eh,kahit saan mo tignan walang kame,may naganap muli pero walang kame ng tulad noon.

Umaga nanaman naghihintay ako sa pagdating niya pero walang josh na dumating,maaga si manang felly sinaluhan niya pa ako kumain hanggang sa meryenda nagluto siya ng maruya at turon.

"Ang sarap naman po ng turon niyo manang may langka pa!"nasa mesa kami at magkasalong kumakain.

"Ay isa yan sa paborito ni Joshua may pinapagawa panga saken yung batang yun na kakanin para sa meryenda hindi naman ako marunong" sagot nito habang nagngunguya.

"Kakanin po?parang mga biko?at may latik sa ibabaw?"naalala ko nanaman ang nakaraan,bigla akong napangiti.

"Ay oo Mika!Sabi ko nga bilhan niya ako ng libro ng pagluluto para yung ibang mga Menu na gusto niya ay magawa ko!ano lang ba ang madalas kong niluluto,espesyal na ang tinola sa aming mahihirap hehehe!" Tumawa pa ito bago uminom ng tubig

Natatawa narin ako sakaniya dahil mukhang nabilaukan"Naalala ko lang din ho,Manang noon ay pinapakyaw pa ni josh ang paninda namin ni lola na kakanin!"maikli kong kwento.

"Ay baka iyon ang muli niya gustong matikman Mika?bakit hindi mo palutuin ang lola mo at dalhin mo rito!"excited pa nitong salita.

Nalungkot ang aking mga mata "matagal na hong wala si Lola manang felly...kaya nga gusto korin sana matutunan ang kakanin niya tinuruan niya naman po ako pero hindi ko alam kung tanda kopa!" Aking paliwanag.

"Ay sorry Mika,Wala na pala si Lola mo!Siya ba ang nakagisnan mo sa iyong paglaki?"tanong nitong muli.

"Oho manang,nagtatrabaho po kasi dito sa maynila ang Mama ko,ahm... Manang uuwi hoba si josh?"pagiiba ko narin ng paksa dahil nalungkot ako kapag naaalala ang aking abuela niligpit kona ang pinagkainan namin at inilagay sa lababo."Ako naho rito manang!"pahabol ko.

"Ay hindi ko alam tumawag siya kagabe eh,pumunta daw ako ngayon nung isang araw di niya ako pinapunta diko naman tinanong kung bakit!"Sabi nito habang pinupunasan ang lamesa.

"Sinabi niya po ba kung nasan siya?oh saan Siya natulog?"nahihiya man Ako sa tanong ko pero derederetso ng lumabas sa bibig ko.

Napangiti ito bago sumagot tapos narin sa pagpunas ng lamesa saka umupo muli sa bangko at tumitig saken na parang may kahulugan ang mga tingin at ngiti nito.

SpeEd LoVeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon