Chapter 4

19 3 4
                                    

May pasok kami ngayon, pero wala kaming teacher kami kami lang talaga, kan'ya kan'yang gawa ng ingay ang nasa paligid. May mga nagchichismisan, may mga gumagawa ng quiz na naiwan di gaya kong tulala, may mga babae ring kilig na kilig sa lalaking di kalayuan sa kinauupuan ko. Distracting, huh. Ano bang meron sa lalaking 'to, First day ni Calix rito and yes classmate ko s'ya, kahit ayoko wala akong magagawa. Kakainis ang paligid di ako nakaka-focus

"Hey, Elle" napabalik na lamang ako sa sarili kong nad-distract sa presensya ng lalaki na kinahuhumalingan ng lahat

"Yes?" Agad akong bumaling ng tingin sa kanya, Kaklase ko lang

May naiwan kasing quiz samin, pero nasa libro lang naman. Lumabas kasi teacher namin, may emergency daw. Ewan ko ba naman sa mga kaklase ko, masyadong nagtitiwala sakin. Math pa naman 'to sis, math. One plus one nga, Magellan pa rin sagot ko

Matapos kong ipaliwanag sa kaklase kong nagtatanong sa naiwang quiz sa'min, tinapos ko na rin gawin ang sinasagutan sa sariling papel. Maya maya pa tumunog na pala ang Bell, pahiwatig na Break Time na.

Habang inaayos ko ang gamit ko, bigla ko na lamang nahulog ang libro na hawak-hawak sa sobrang gulat

"Elle?" His warm and husky voice, panics me.

Ang gwapong boses na yun ang nakapag-pagulat lang naman sakin, bakit ako kinikilig huhu. Baka isipin niya may gusto ako sakanya, kahit wala naman, tahimik lamang ako at hindi tumitingin sa direksyon n'ya not even a second.

Akma ko nang pupulutin ang libro ko, ngunit naunahan n'ya 'ko

"Here oh," kinuha ko ang libro nang hindi s'ya tinitignan, pero dama ko ang pagngiti n'ya base sa kung anong sigla ang binitawan n'ya sa mga salita

"Thanks, Calix" Tipid kong sagot matapos kunin ang librong pinulot n'ya, Lalabas na sana ako nang maramdaman kong sumusunod na rin s'ya sakin

Hanggang sa makalabas kami ng classroom at makababa ng building, nandun pa rin s'ya sa likod ko, base sa kung paano ako ngayon tignan ng mga babae na nakakasalubong ko. Pero, hindi sila sakin nakatingin, sa direksyon kong na kasunod lamang si Calix

Matapos kasi ang ilang linggo, nabanggit sakin ni Cassie na dito na rin s'ya papasok, i don't know basta hindi ako nakikinig sakanya habang nagkekwento, Hindi naman kasi ako interesado. Dahil wala si Cassie, wala akong kasama ngayon 'tsaka 'di ko rin kasi schoolmate si Mica, kaya 'di ko siya masiyadong nakakasama

"So, Miss Elle" Imik n'ya habang ang paningin ay diretso lamang,  nagulat ako sa presensya n'ya, dahil kanina lang nasa likod ko s'ya, ngayon katabi na "Let's eat," Pagpapatuloy n'ya sa kan'yang sinabi

Tumingin-tingin muna ako sa mga babaeng nakatingin pa rin sa kasama ko saka nagsalita "Excuse me, Mister Cal" huminga muna ako ng malalim saka muling nagpatuloy "Kaya kong kumain ng mag-isa, ayain mo man ako o hindi, kakain pa rin ako" Binilisan ko ang lakad ko para maunahan ko s'ya, para maka-iwas na rin

Feeling gwapo, akala siguro lahat ng babae gaganahang makasama s'ya sa pagkain, Nakakainis. Patuloy pa rin s'ya sa pagsunod sakin, nakarating na ako sa canteen, nagulat na lamang ako sa haba ng pila.

Nakakainis naman, bakit ngayon pa, Bad timing po Lord, I'm gutom na. Nawawala ako sa mood sa sobrang gutom, mabilis talaga akong nababadtrip arghhhh

"What do you want?" It's Him, again. Nakatingin rin s'ya sa pila ng mga estudyanteng, inip na inip na rin

"What, Anong akala mo sa'kin? Walang pera," napairap ako matapos sabihin 'yon

Kapal naman ng Mukha, anong akala niya sakin, mahirap. Pag-aralin ko pa s'ya e, judgemental ampotek

"What, I'm just asking," may tono na nang pagtataka sa kan'ya "bumili ka ng iyo, wag kang aasa na libre ko" Matapos nun ay tumawa s'ya ng tumawa

Dama ko ang pagkapahiya sa naging sagot ko, pero tama ba namang tawanan ako ng lokong 'to, sapakin ko kaya 'to, dali na mga bente lang. Ganito talaga epekto ng gutom sakin, 'di ko maiwasan mamis-interpret ang mga bagay-bagay hays.

"Naninigurado lang, kalma ka, baka mapag-aral pa kita," nagpakawala na lamang ako ng pekeng tawa, para maitago ang pagkapahiya. Hilaw na Manok.

At agad naman s'yang umalis sa tabi ko at nakitang pumila para makabili ng pagkain, Habang ako eto tinatanaw ang mga estudyante, ano bang meron kasi ngayon, bat ba siksikan, may feeding program, baka mga pulubi 'tong mga 'to, joke. Gutom na talaga ako

Ilang minuto na rin ang lumipas, parang hindi nauubos ang mga tao, ang shunga ko rin hindi ako mabubusog kung papanoorin ko sila, Let's move! Araaaaaaat!

Akma na akong hahakbang nang may tumawag sa'kin

"Miss Elle!" I knew it, it's him again shouting my name

Nakakahiya namang mapahiya s'ya kaya lumingon ako, nagulat na lamang ako ng may dala s'yang dalawang Plate na kapareho lang rin ng kung anong  kakainin n'ya. Kahit gutom Kailangan kong tumanggi, Assuming gutom na gutom lang, baka di naman para sakin yun.

"Yes, Mister Cal," i sarcastically answered with my ear to ear smile

"Here, Let's eat" pang-aalok n'ya habang inaabot saakin ang isa pang hawak na plate

"What's, that?" Pagtatanong ko, habang ang paningin ay nasa mga Pagkain

"Hotdog, and egg with rice," He smiled habang ang paningin ay na sa mga hawak n'ya at sinasabi ang laman nun

"Okay" i answered, at akma na sanang tatalikod nang, tumunog ang t'yan kong mukhang napalakas pa

"Tara na kasi, Kain na tayo" Pag-aaya n'ya habang rinig na rinig ko ang pagtawa n'ya

Lumingon ako sa direksyon bago magsalita "Okay, akin na" pagkuha ko sa isang plato, pero 'di n'ya inabot

Naglakad lamang ito at naghanap ng mauupuan naming dalawa, Magkaharap kami ngayon kitang kita ko kung pano s'ya kumain. Ang panget. Hahahahahahahahaha

"Kumain kana" pang-aalok n'ya ng makitang nakatingin ako sakanya

Nagsimula na akong kumain, grabe sarap sa pakiramdam parang ngayon lang ako nagutom ng ganito, parang ngayon ko lang nalasahan ng maayos ang Itlog at hotdog. Nakakabusog. Pero ba't kaya ito, inorder n'ya.

"Cal," I called him, habang ang paningin ko ay focus pa rin sa pagkain. Gutom ng kasi.

"hm" Narinig kong sagot n'ya habang ngumunguya

"Why hotdog and egg?" I seriously asked him, out of nowhere

"Nothing, It's cute" Napatingin ako sakan'ya at nakitang seryoso s'ya habang sinasabi yun

Egg and Hotdog, Cute Huh? Really? Cal, ang shunga shunga mo rin pala no. Pailing iling at matawa-tawa akong nagpapatuloy sa pagkain, hanggang sa hindi ko na naririnig ang tunog ng Spoon and fork n'ya, tapos na s'ya.

"You're so pretty" He said that.

Napatingin agad ako sakan'ya, nagulat pa ako nang makitang nakatitig na pala s'ya sakin, hindi ko alam kung anong kuryente ang naramdaman ko sa sarili ko

Anong trip 'to, Calix

Kung trip man 'to, Please
Not me

KaleidoscopeWhere stories live. Discover now