Chapter 6

8 1 0
                                    


Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom nang maalala kong may libro nga pala ako sa locker, Late na ako kaya naman patakbo ko nang tinutungo ang locker ko. May minsan pang hindi ko sinasadyang mabangga ang mga braso ng mga nakakasalubong ko, yung iba nagalit, may iba rin namang kalmado lang, may nags-smile pa nga nakakakiliti siguro pagkakabangga ko sakaniya.

Hawak-hawak ko na ang susi na nahirapan pa akong kunin sa bag, akma ko nang bubuksan ng may matanaw akong bagay sa loob na talagang ipinagtaka ko. Lumilitaw kasi sa butas na pahaba lang yung papel na natatanaw ko, dali-dali kong binuksan ito at nagulat ako sa mga nakita ko.

Tumambad saakin ang papel na sa tingin ko ay scented paper ito base sa kung anong bango ang tumambad saakin, tinignan ko ang oras at talagang late na ako kaya kinuha ko na lang ang libro at inipit doon ang papel na nasa loob ng locker ko.

Katulad kanina, mabilis akong nakarating sa room atsaka dali-daling humanap ng uupuan. May nakita ako sa bandang gitna na space kaya doon na ako pumwesto, dahan-dahan akong lumakad habang nakatalikod pa yung instructor namin.

Saktong pagka-upo ko, sabay naman ang lingon ni Ma'am kaya sa tingin ko naman di niya napansin na may na-late. MISSION SUCESS, UWU.

Hihingal-hingal ako nang hindi nagpapahalata sa instructor, sinusubukan na hindi makagawa ng ingay sa paghinga ng napakalalim

Habang nagfo-focus ako sa paghinga maya-maya may nagsalita sa aking tabi

"Why are you late," bulong nito na ang paningin ay nasa white board na, lumingon lamang ako dito at laking gulat ko nang manok na pala ang katabi ko. Inis.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lamang sa paghinga nang napakalalim, pakiramdam ko mauubusan na ako nang hininga

"Here," he handed me some water, hindi na ako nag-inarte pa at kinuha na lamang iyon. Tango na lamang ang naisagot ko na salamat ang ibig kong sabihin

Natapos na lang ang klase sa twenty minutes kong naroon, ngayon lang ako na-late ng ganun nakakahiya naman. Napasandal na lamang ako sa kinauupuan ko at nagpapakalma pa rin pakiramdam ko kasi naninikip ang dibdib ko 

"Hey Elle," Lumingon siya sakin bakas ang pag-aalala sa kaniyang mata inaabangan ang sagot ko

Humugot muna ako nang napakalalim na hininga bago sumagot, "Why ba," sinaringan ko na lamang siya at ibinaling na muli ang paningin sa unahan

"I'm just asking, baka lang may emergency," bakas na bakas sa tono ng pananalita niya ang naging lungkot, bakit ba ito ganito inaano ko ba 'to paawa ang shunga

"I forgot something lang sa locker, ang layo rin kasi kaya ako na-late" saka lumingon muli sakaniya "satisfied" i sarcastically asked then smile, ngunit mabilis ko rin itong binawi saka ibinaling na muli ang paningin sa unahan

"Malayo, talaga lang ah" bulong niya na mukhang sinasadyang iparinig sakin, kahit kailan talaga gustong pinapatulan siya

Bigla akong tumayo para mapagbigyan siya "Pakiala--" sasagot na sana ako nang biglang lumalabo ang paningin ko, napahawak ako sa ulo at tila unti-unti akong nabibingi and i passed out.

"Nurse, How's Elle," He asked, na may pag-aalalang tono.

Nagmulat ako ng mata na agad narinig ko ang pag-uusap ng lalaki na sa tingin ko ang kausap niya ngayon ang nurse ng clinic, right nasa clinic ako.

Hindi ko na maalala ang nangyari e, basta ang huli papatulan ko na ang mokong na yun e. Kakainis kasi, bigla ko nanamang naramdaman ang sakit ng ulo ko. Hindi ako makabangon, pakiramdam ko gusto ko pang matulog at magpalakas, nanghihina ako ngayon

KaleidoscopeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang