Mukha na akong tanga dito sa hagdan sa may fire exit na nagiiiyak,bumalik na yung babaeng unang nagustuhan ni zach,hindi ko alam pero natatakot ako,tingin ko sa sarili ko ay isang rebound na.Nakakaselos ang nakita ko.Tumayo na ako sa pagkakaupo sa hagdang ito..Nakakairita na nakakainis na nakakapiga ng dugo.Sumabay pa ang red alert ko ngayon.Maglilinis ako pero hindi ko siya papansinin,manigas siya.Kung mahal naman niya ako pipigilan niya yung babaeng yun eh'ganoon ba sila talaga ka-close?Para sa unang kita eh'kakandung agad o baka naman matagal ng nandito ang babaeng yun!
Bumalik ulit ako sa floor ni zach pero pinahupa ko muna ang pagpula ng aking mata dahil sa pag-iyak.Hindi ko talaga muna siya papansinin na ganito ang nararamdaman ko baka kung saan lang 'to mauwi.
Nakita ko siya pero wala na yung babaeng akala ko mabait pero hindi naman pala.Bumababa ang tingin ko lalo sa sarili ko kapag naikukumpara ko ang sarili ko sa babaeng iyon.Tulad ng dating gawi naglinis ako ng normal..
"Aurora,mag-usap tayo."-zach,nakahawak na siya sa braso ko,nagmo-mop ako ng sahig.Hindi ko siya pinansin at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Sorry.."-sabi niya,tumulo na ang luha ko sa pisngi ko,nagso-sorry ba siya kasi ginamit niya lang ako at naging isa sa mga babaeng parausan niya.Humarap na ako at pilit ko pa ring pinipigilan ang luha ko..
"Sorry dahil na-realize mo ng hindi ako yung mahal mo kundi siya?"-malumanay kong sabi sa kanya saka tumungo,hinawakan niya ang baba ko saka inangat,hinapit niya ako palapit sa kanya.
"Sorry dahil nakita mo 'yon,mahal kita,trust me mahal ko..I don't love cristina at alam niya 'yon,sorry hindi na mauulit ang ginawa niya...tahan na mahal ko..."-sabi niya saka inilapit ang mukha sa mukha ko,still inis pa rin ako..
Humiwalay ako sa kanya at nagpatuloy sa paglilinis,sa tuwing lalapit siya'y lumalayo ako,ayokong pansinin siya,naiinis talaga ako sa kanilang dalawa.
"Come here aurora.."-galit na sabi niya like a boss,nasagad ko na ata ang pisi niya sa pang-aamo sakin,pero hindi ko pinansin iyon,nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko sa mga magazines sa glass table.Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya ng mahigpit sa likuran ko.
"What do you want me to do?Kanina pa ako nagso-sorry,fuck!..hindi ako nagso-sorry sa kahit kanino but damn!..sayo lang ako nagkakaganito....Im begging mahal ko..."-sabi niya mula sa likuran ko,hinarap ko na siya saka tinignan ng maigi,naka black tux siya,malungkot ang mukha niya,ang asul niyang mga mata,inis pa rin talaga ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit.Kanina pa naman ako dito,tsaka hindi marumi 'tong opisina niya..
"Tapos na po ako sir.Aalis na ako.."-sabi ko sabay tanggal sa kamay niya,hindi na siya nagpumilit.Pumunta na ako sa lounge ng mga janitress,maaga-aga pa naman tsaka hihintayin ko si flora dito,magtatanong ako kung pwede kaming maghanap ng marerentahan eh'maaga naman ang out namin sa trabaho.
Mga ilang minuto lang ay narito na si flora at masayang yumakap sakin,ganoon rin ako,na-miss ko ang kadaldalan niya,hehe!Iba ang schedule ni aling conchita kaya hindi namin siya makikita.
"O'Ano na aurora?!Dali magkwento ka!"-flora
"Masaya naman sa kanila,nakilala ko na yung parents ni zach saka yung dalawang kapatid niya.."
"Ah'akalain mo,may pamilya pala si sir.zachary,masyado kasing tago ang mga detalye sa buhay niyan ni sir.zachary eh'haha!Mabait naman ba?o...baka naman,matapobre!"
"Mababait silang lahat,okay naman ako sa kanila..."-sabi ko
Hindi na ako gaanong nagkwento lalo na yung mga pribado,at hanggat maaari ay inilalayo ko siya sa tungkol samin ni zach,ayoko kasing may umuusisa sa amin.Sinabi ko ring may problema kami ni zach.
BINABASA MO ANG
Wala Kang Kawala ( SPG)
RomantikKatangahan na ba kung patuloy mo pa ring mamahalin ang taong nagdudulot sa iyo ng sakit? Kabaliwan na ba ang patuloy na umasa kabila ng lahat? Sapat na ba ang pagmamahal upang pawiin ang sakit na dulot ng kahapon? May pag-ibig pa ba? Nababawasan...