Zach,ha-hanapin mo si gray baka kung anong gawin niyang masama sa sarili niya...."-sabi ko na humarap sa kanya,kinakabahan ako ng sobra sa sinabi ni gray,ganyan niya ba ako kamahal ng sobra para saktan ang sarili niya?ayokong mangyari ang iniisip ko..
"Sssh,don't cry mahal ko.Hahanapin ko siya..hindi magandang umiiyak,baka maging iyakin ang baby natin.."-zach na pinupunasan gamit ang kamay ang mukha ko,hindi ko na pala namalayang umiiyak na naman ako..
May tinawagan siya.Ginamit niya ang GPS at na-locate niya ang GPS sa phone ni gray...
"Dito ka lang,titignan ko kung okay lang siya..."-zach na naka-sweat shirt na...
"Sasama ako zach,gusto kong ako mismo ang kumausap sa kanya...please.."-sabi ko,mangiyak-ngiyak na naman ako,masyado na akong nag-aalala para kay gray..
"No aurora,hindi ka sasama.You'll stay here..."-mabilis na sabi ni zach..
"Zachary please,kahit ngayon lang..."-sabi ko sa kanya..
Umiyak ako sa harap niya kaya napilit ko rin siya na sasama ako.Bakas sa kanya ang pagod dala ng biyahe niya galing hongkong pero hindi niya inalintana iyon h'wag lang akong mag-alala.Naabutan namin si gardo,ang kanyang driver na naghihintay sa amin sa baba..
"Asan siya zach?"
"Nasa bridge siya,doon na-locate ang phone niya...stop worrying,it's not good for our baby...calm.."-zach na nakayakap sa akin sa loob ng kotse...
"Kinakabahan ako ng sobra zach,ayokong may gawing masama si gray sa sarili niya..."
Nakarating kami sa isang bridge,isang tahimik na lugar,walang gaanong dumadaang sasakyan.Kita ang karagatan at ang siyudad na nagniningning sa mga ilaw.Nakita ko si gray,nakasuot lang siya ng puting shirt,at jeans.Nakadungaw siya sa karagatan,nakaparada sa tabi ang kotse niya,tila balisa siya sa kanyang itsura..
"Zach,ako na ang lalabas...ako na ang kakausap sa kanya..."-sabi ko kay zach habang nasa loob pa kami ng kotse sa hindi kalayuan..
"No aurora,sasama ako sayo.Mamaya kung ano pang gawin niya sayo.."
"Wala siyang masamang gagawin zach..alam ko 'yon dahil alam kong mahal niya ako...tulad mo napigilan mong saktan ako kasi mahal mo ako...."-sabi ko sa kanya,nasa balikat ko ang malong para hindi ako malamigan..
"Still,I don't trust him even he's my cousin.."-zach
"Please zach,hayaan mo akong gawin 'to.."
"Papayag ako pero sa kalayuan lang ako mahal ko..."-sabi niya sa akin saka hinalikan niya ang labi ko,medyo nawala ang kaba ko sa halik niya..
Lumabas na kaming dalawa sa kotse niya,hindi kami napansin ni gray,balisa siya.Nang malapit na kami ay pinatigil ko na si zachary.Sumandal lang sa poste si zach saka nakapamulsa,ang tingin niya'y nasa akin lang.Malamig ang gabing ito,walang gaanong bituin sa kaulapan ngayon.Malapit na ako sa likod ni gray pero tila hindi niya ramdam na may tao sa likuran niya.Humakbang siya paitaas,magpapakamatay ba siya?Heto na naman ang mababaw kung luha,bakit ba pilit na nagiging komplikado?Minsan hinihiling ko na lang na sana hindi na lang ako nakilala ni gray,sana wala sa akin ang karakter ng babaeng minahal niya sa akin.Ayokong saktan siya pero sinasaktan ko pa rin siya..
"Ano gray?!Magpapakamatay ka ba?!"-sigaw ko kay gray na nagbabadyang tumalon sa tulay na'to,lumingon siya at bakas sa mga mata niya ang gulat pero agad niya ring iniwas iyon..
"Diba sa-sabi mo mahal mo ako?....pe-pero bakit sinasaktan mo ang damdamin ko....."-sabi sabay ihip ang malamig na hangin halos dalhin ang malong ko..
"Mahal na mahal kita aurora....huli na pala ako ng magtapat sayo...I thought it's just an attraction...but suddenly it turns to love...I love you so much aurora kaya...nasasaktan ako ng ganito..hindi ko na kaya..."-sabi niya sabay tingin sa karagatan,nakita kong kuminang ang mga luha sa kanyang mata.Bakas sa kanyang mga ang puyat at tila wala na siyang ginawa kundi maglasing.Sa bawat paghangin ay naamoy ko ang pinaghalong pabango at amoy ng alak,humakbang muli siya paitaas at agad ko siyang hinila..
BINABASA MO ANG
Wala Kang Kawala ( SPG)
RomansaKatangahan na ba kung patuloy mo pa ring mamahalin ang taong nagdudulot sa iyo ng sakit? Kabaliwan na ba ang patuloy na umasa kabila ng lahat? Sapat na ba ang pagmamahal upang pawiin ang sakit na dulot ng kahapon? May pag-ibig pa ba? Nababawasan...