Nangayari na,hindi ko na maibabalik pa ang kahapon.Kinuha na niya ang pagkababae ko,wala na ang pagkababae ko.Nagising akong wala na ang kadenang nakaposas sa mga kamay ko,imunulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ko ang kisame,pilit na inaalala ang nangyari,ang pangyayari kung saan naging isa ang aming katawan.
Wala siya sa tabi ko,nakabalot ang katawan ko sa isang puting kumot.Umupo ako mula sa pagkakahiga.
"Ah'shit ang sakit."-inda ko
Ang sakit sakit sa parte ng pagkababae ko.Ibinalot ko sa kumot ang katawan ko.Napahawak ako sa labi ko habang iniisip ang paraan ng paghalik niya sa akin.Nahirapan pa akong tumayo.Talagang masakit sa parteng ibaba ko,parang may napunit talaga.
Kinuha na ni ezekiel zachary monteverde ang pagkababae ko.Handa ako kung layuan na niya ako dahil nakuha niya na ang virginity ko.Sumugal ako sa desisyon kaya nararapat lang na handa ako sa kahahantungan.Tumayo ako at inililis ang kurtina upang makita ang labas,ang siyudad.Medyo tanghali na rin at sumikat na ang araw.Nagliwanag pa lalo sa loob ng kanyang kwarto.Nakita ko ang mga napunit kong saplot sa katawan kagabi.
Nakapulupot sa katawan ko ang kumot at nagmistulang gown ito sa akin.Nahihirapan akong maglakad.Nakita ko sa harap ng kama ang isang malaking bilog na salamin.Pumunta ako roon upang tignan ang sarili ko.
"Gising ka na pala."
Nasa bandang likuran ko na siya at napansin kong kapapasok niya lang mula sa pinto.Medyo masakit ang katawan ko.
"Ah'Oo,kani-kanina lang."-sabi ko at umiwas ng tingin.
Humarap ako sa salamin at kita ko siya sa salamin,wala siyang damit pangitaas at kita ko ang tato niyang dragon sa kanyang braso.Nakapajama na lang siya.Kita kong nakatingin sa akin ang asul niyang mga mata.Nakatingin lang rin ako sa kanya habang lumalapit pa siya lalo sa kinalalagyan ko.
Ipinadausdos niya ang kanyang kamay sa magkabilang bewang ko at hinalikan niya ang balikat ko na nagdulot ng kakaibang elektrisidad na gumapang sa kalamnan ko.
Hinawakan ko ang kamay niya,ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang tinitignan namin ang isa't-isa.Inalis niya ang kanyang kamay at nagulat ako ng ibaba niya ang nakabalot sa aking kumot,ang kumot na tinatabunan ang katawan ko.Nailang ako ng makita niyang muli ang katawan ko,kaya't tinakpan ko ng anking braso't kamay ang dibdib ko.
"Humarap ka sakin aurora."-utos niya sa akin.
Humarap ako sa kanya at nakita ko tinitignan niya ang salamin kaya't nilingon ko ito,nagulat ako sa nakita ko.May mga pasa ako dulot ng pagtatalik namin kagabi.
"Ako ang may gawa sayo niyan aurora,ako ang may gawa ng bagay na yan sayo."-aniya habang pumikit siya ng mariin at isiniksik ang ulo sa leeg ko.
Natakot ako sa nakita ko sa likod,kaya pala masakit ang katawan ko.He's a monster in bed.Halimaw siya pero ang halimaw na'to ang kinahuhumalingan ko na.
Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na tubig sa leeg ko na bumaba sa dibdib ko,ang luha ni zach.Napansin ko rin ang bakas ng kadena sa kamay ko.
"Hindi lang yan ang pwede kong magawa sayo aurora,natatakot ako."-sabi niya,nakaramdam ako ng awa sa kanya,nakaramdam rin ako ng kaunting takot sa sarili ko na hindi pa pala ito ang kaya niyang gawin.
"Im sorry,Im sorry aurora.Kung sa ibang babae lang 'to kaya kong gawin at wala akong pakialam sa magagawa ko sa kanila,pero sayo hindi ko kayang makita kang masasaktan ko."-sabi niya pa,naramdaman kong muli ang kanyang luha sa dibdib ko.
Inangat ko ang kanyang ulo,at tumingin ako sa mga mata niya,basa-basa pa ito ng luha at bakas sa mata niya ang takot,ang takot sa maari niyang magawa sa akin.
BINABASA MO ANG
Wala Kang Kawala ( SPG)
RomansaKatangahan na ba kung patuloy mo pa ring mamahalin ang taong nagdudulot sa iyo ng sakit? Kabaliwan na ba ang patuloy na umasa kabila ng lahat? Sapat na ba ang pagmamahal upang pawiin ang sakit na dulot ng kahapon? May pag-ibig pa ba? Nababawasan...