🅕🅘🅕🅣🅨

155 12 0
                                    

★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★

Nagsisimula na ang play, hindi ko alam kung seseryosohin ko ito o makikisama na lang makitawa sa mga kaklase ko.

Kasalukuyan kasing umaarte ang dalawa samantalang ako ay nakatago sa likod ng kortina. Kaya walang nakakakita sa akin na tumatawa ang masama pa nga ay lalabas ako sa malungkot ng scene pero hindi ko kayang maging malungkot.

Tumalikod na lang ako at pilit kong maging lungkot. Sinubukan ko pang maghiwa ng sibuyas hanggang sa naramdaman ko na lang ang panlalabo ng aking mga mata.

Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at unti-unting nagsibagsakan ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko sila na masayang magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Siya ba?" Tanong ko sa kanya na batid sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Nanginginig ako sa galit, gusto ko silang saktan pero hindi ko kaya.

"A--anong ginagawa mo rito, Sinty?" Tanong nito na tila kinakabahan.

"Siya ba ang dahilan kaya hindi ka na nagparamdam? Kasi may bago ka na namang mauuto?" Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Alam mo bang halos mabaliw ako na katatanong sa sarili ko na bakit mo ako iniwan? May pagkakamali ba ako? Nagkulang ba ako? O napagod ka na?" Sabi ko rito at pilit na na hindi mabasag ang boses ko da harapan niya.

"Wala kang matinong paalam sa akin at alam mo kung ano yung masakit? Sabi mo magpapahinga ka lang saglit kaya naghintay ako! Pero hindi mo naman sinabi sa akin na nagpapahinga ka na pala sa iba. Tangna! Ang sakit" at tuluyan nang nagsarado ang kortina para sa panibagong setting.

"Wow! Ang galing nga ng sibuyas mo Taehyun, effective" natatawang sabi ni Taehyun at pinunasan na ang mga luha ko.

"Ang sakit nga lang sa mata" reklamo ko naman at walang tigil parin sa pagluha ang mga mata ko.

"Malapit ng matapos, onting tiis na lang" nakangiting sabi niya at pumunta na sa gitna ulit dahil scene niya ulit iyon na kung saan anim na buwan na ang nakalipas ayon sa script.

Ito na yung panahon na nagsisisi na siya sa pangoghost nito kay Sinty ngunit huli na ang lahat dahil wala nang pakialam si Sinty kay Junie.

She finally move on pero nangugulo na ngayon si Junie at hindi niya alam kung papatawarin niyo o hindi.

Actually ang ending nito ay mema na lang, kami na lang daw mag isip kung ano ang magiging ending. Kung papatawarin ni Sinty si Junie o hindi.

In my own perspectives, if they still love each other and willing to take a risk again, why not diba? Hindi naman na magiging kasalanan ni Sinty kung lolokohin pa siya ulit ni Junie dahil kapag nagkataon si Junir na talaga may kasalanan.

Sa case ko naman, pinatawad ko na si Yeonjun pero I still need the reason kung bakit bigla siyang nang iwan sa ere but I don't still have any guts para tanungin siya.

Sa totoo lang natatakot ako sa nararamdaman ko sa kanya ngayon dahil mas lalim na ito at nahihirapan na akong sumugal ulit sa kanya baka mamaya bored lang siya kaya na sa tabi ko siya ngayon at sinasabing gusto niya ako.

Natapos na rin kami sa wakas na puro tawa lang ang ginawa. Hindi naman daw kami babagsak sabi ni ma'am at sapat na sa akin iyon.

Hindi man naging ganoon kaganda ang role play namin ay natapos parin namin ito ng matiwasay at iyon ang importante sa akin ngayon.

Ghosto Kita | Choi Yeonjun Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon