🅢🅘🅧🅣🅨 🅔🅘🅖🅗🅣

165 7 0
                                    

★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★Tagaktak ang pawis ko ng makarating ako sa pinakatutok ng bundok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★
Tagaktak ang pawis ko ng makarating ako sa pinakatutok ng bundok. Inayos kong muli ang buhok ko at inikot ang tingin sa paligid.

Hindi ko mapigilang mapasinghap sa nakikita kong kagandahan sa taas. Inilabas ko ang aking camera at kinuhan ang tanawin na iyon.

"Anong oras na ba?'' Tanong ko sa aking sarili. Mukhang alasais na ng gabi at buti na lang talaga ay nakaabot pa ako. Malapit lang pala kasi ang Airport sa pinuntahan nila kaya naisipan kong dito na dumiretso at buti na lang talaga ay may dala-dala akong damit.

"Nissin ikaw ba yan?" Tanong ng di sa kalayuan.

Tinitigan ko itong mabuti, si Sky pala ito. Nakasuot siya ng makapal na jacket at panjama. Agad niya akong nilapitan at tinulungan sa pagbuhat ng gamit ko.

"Buti naman nakarating ka na. Kanina pa nakatahimik sa isang dulo si Yeonjun habang nakatingin sa cellphone niya" natatawang kwento niya na ikinangiti ko.

"Ayieeee kinikilig" sabi pa nito at tinusoktusok pa ang bewang ko na ikinalayo ko, napasimangot na lang ako at hindi tumingin sa kanya dahil baka mahalata nito ang pag init ng aking pisngi na paniguradong pulang-pula na ito ngayon.

"Hindi kaya" pagtanggi ko pero tinawanan niya lang ako.

"Sino nga pala ang nakakaalam na pupunta ako"

"Hmmm, kaming lahat exept kay Yeonjun para masuprise siya mamaya" sabi niya na may malaking ngiti sa kanyang labi hanggang sa makarating na kami sa tinatayuan ng tatlong malaking tent.

Sa gitna ay doon mo makikita ang iba pa naming kasama na mukhang nagkakatuwaan.

"Andito na ang hinihintay natin" sabi ni Sky na ikinatingin nilang lahat pero sa isa lang nakapokus ang mata ko, kay Yeonjun na nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Akala ko hindi ka na talaga makakaabot" salubong sa akin ni Taehyun at kinuha na ang hawak namin. Gentleman naman pala si Taehyun yun nga lang pagkaharap si...

"Yung isa yata natuod na" natatawang sabi ni Beom-gyu kaya lumingon muli ako sa pwesto niya at ganun pa din yung itsura niya kanina na tila naestatwa sa kanyang kinalalagyan.

Kaya naman lumapit na ako sa kanya at umupo sa kanya tabi. Ang iba naming kasama ay nagsimula ng maghanda ng kakainin naming hapunan.

"Hindi ka ba talaga magsasalita?" Tanong ko rito pero nanatiling tikom ang labi niya kaya tumayo na ako at aakmang iiwan siya ng hawakan niya ang aking kamay.

"Dito ka lang" sabi niya na nakapagpangiti sa akin kaya bumalik muli ako kung ako sa pagkakaupo.

"Ang akala ko hindi ka makakasama kaya muntik na akong hindi sumama" sabi niya na ikinatawa ko.

"Guys! Halina kayo. Kain na tayo" tawag ni Fortune kaya nagsilapitan kaming lahat. Pritong tilapia at nilagang talong ang ulam namin. Halos lahat kami ay nakakamay kumain habang nakasalampak sa hindi gaanong kalakihan na nakausbong na bato.

"Yung isa diyan ngumingiti na dahil andito na si Nissin" pang aasar ni Taehyun kaya tiningnan ko ang katabi ko na nakayuko.

"Miss mo talaga ako no?" Pang aasar ko rin sa kanya ngunit ngumiti lang ito ng matamis sa akin at may nilagay siya sa pinagkakainan ko.

Hinihimayan niya pala ako isda kaya hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang sweet na pinapakita niya sa akin.

Makalipas ang mga ilang oras ay natapos na kaming kumain. Naisipan kong pumunta sa malapit na lawa para magmuni-muni ng may naramdaman akong tumabi sa akin.

"Ikaw pala Yeonjun"

"Bakit mag isa ang Nissin ko?" Tanong niya sa akin.

"Tigilan mo na nga ako sa Ko na yan. Hindi pa lang tayo inaangkin mo na ako" sabi ko rito na natatawa.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin na ikinagulat ko kaya natawa naman siya sa naging reaction ko.

Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko ma humaharang sa mukha ko at nilagay sa likod ng tenga ko.

"Iyon na nga, binabakuran na kita para wala ng iba pa ang makaagaw sayo at isa pa, mutual naman ah, pwede mo rin mo  naman ako angkinin dahil sayo lang naman ako" sabi pa nito sabay kindat niya.

"Umayos ka nga" natatawa kong sabi at muli kong ibinalik ang aking mata sa bilog na buwan na tangging nagbibigay ng liwanag sa kinalalagyan namin.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin kaya napabuntong hininga ako. Ngayon ko naisipan na tanungin siya sa ginawa niyang pang iiwan sa akin.

"Yeonjun?" Bulong ko, alam ko naman na narinig niya ako dahil tumingin siya sa akin na nagtatakang tumingin sa akin.

"Bakit mo ako iniwan? I mean, alam kong wala rin tayong label ng mga panahon na iyon pero bakit? Bakit ka nang iwan ng walang pasabi?" Tanong ko at napakagat na lang sa aking labi dahil sa kaba na aking naramdaman.

"Hindi kasi ako sigurado sa nararamdaman ko kaya bago pa kita masaktan, iniwan kita dahil gusto kong malaman talaga ang nararamdaman ko hanggang sa naging kami ni Mairy. Pasensya na" sabi nito na hindi makatingin sa akin.

"Hindi ko naman alam na masasaktan pa rin pala kita sa paglayo ko" sabi niya pa muli.

Dapat pa bang gumaan ang loob ko dahil nalaman ko na ang dahilan? Ito na yung hinihintay ko pero bakit mas nasaktan ako?

Ghosto Kita | Choi Yeonjun Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon