🅕🅘🅕🅣🅨 🅢🅔🅥🅔🅝

163 11 0
                                    

★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★

"Guys! Anong sagot niyo sa number 46?" Tanong ni Sky sa amin, kakatapos lang kasi naming kumuha ng exam sa Science at halos natuyot na ang utak namin saktong exam pa namin mamaya sa Math kaya kailangan namin magrefresh.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen at halos lahat ng estudyanteng nakakasalubong namin ay tulala dahil siguro sa nakasagupa naming halimaw.

"D" sabi ni Fortune na buong pagmamalaki niyang sabi sa amin na ikinakunot ko ng noo.

"Seryoso ka Fortune? A and B lang ang pagpipilian doon dahil bonus question yun" sabi ko rito na ikinatawa ng iba pa naming kasama samantalang siya at napahinto sa kanyang paglalakad.

"Seryoso?" Gulat na tanong niya kaya napatawa na lang ako sa itsura niya at tuluyan na namin siyang iniwan doon.

"Halatang nanghuhula ka lang Fortune" natatawang sabi pa ni Sky.

"Kaya naman pala ikaw ang naunang natapos kanina. Hindi ka naman pala nagbasa" segunda ni Light habang umuiiling pa.

Nakarating na kami sa canteen at halos nakatulala lang sa tabi namin si Fortune at pilit sinisink in ang ginawa niya.

"Oy... Tama na yan Fortune. Kumain ka na at may exam pa mamaya" sabi ni Cyrene dito at iniabot ang binilin naming sandwich sa kanya kaya tumango na lang ito.

"Nissin andyan ka lang pala!" Rinig kong tawag sa akin ng kung sino kaya agad kong nilingon kung sino ito at si Yeonjun ito kasama ang iba na mukhang papalapit sa amin.

"Kamusta exam niyo?" Agad na tanong ni Soo-bin at umupo sa tabi ni Light na kasalukuyang nakasimangot at hindi pinansin ang katabi.

May LQ na naman ang dalawa. Palagi na lang silang nag away sa kung ano-anong dahilan pero kahit ganun pa man ay nanatili silang na sa tabi ng isa't isa.

"Ayos lang namam pero si Fortune hindi" natatawang kwento ni Sky na ikinairap naman ni Fortune at humalukipkip.

"Bakit naman?" Agad na tanong ni Taehyun at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Sky.

Naramdaman ko namang may sumundot sa pisngi ko na ikinalingon ko at halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Yeonjun sa akin kaya agad akong lumayo ng kaunti.

"Bakit?" Takang tanong ko rito pero umiling lang siya ngunit nanatili parin siyang nakakatitig sa akin na may malaking ngiti sa kanyang labi.

"Itigil mo nga yan" sabay takip sa mata niya. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon baka napakahaggard ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ito sa pagkakatakip sa kanyang mata. Pinagsiklop niya ang aming kamay at tinitigan ito na may munting ngiti sa kanya labi kaya naman palihim akong ngumiti.

"Ahem! Ahem! Andito pa po kami" Sabay na pag ubo ng barkada kaya agad kong hinitlak ang kamay ko sa kanya at tumumingin sa barkada na may nakakalokong ngiti sa amin.

"Ang sweet ah, ano na nga ulit kayo?" Sabi ni Sky na ikinatawa ng grupo kaya yumuko na lang ako para hindi nila makita ang pagpula ng pisngi ko.

"Uy wag niyo na ngang asarin. Namumula na yung pisngi nila" natatawang sabi naman ni Soo-bin sa amin.

"Mamaya na muna iyang lambingan moments niyong dalawa kumain na muna kayo" sabi naman ni Light.

"Ikaw kasi" paninisi ko sa kanya pero ngumuso lang ito na parang bata na naagawan ng candy.

"Kasalanan ko bang gusto kong kunin ang atensyon mo" sabi niya na ikianaiwas ko ng tingin. Delikado na nga talaga ang puso ko.

Ghosto Kita | Choi Yeonjun Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon