★*゚*☆*゚*𝐍𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧 *゚*☆*゚*★
Natatakot man sa aking malalaman ay naglakas loob ako na pumunta sa park. Alam kong pinag alala ko ang apat pero mas buti na hindi muna nila malaman ang gumugulo sa isip ko ngayon.
Nakarating na ako sa park at agad hinanap ng mata ko si Mairy pero sa di inaasahang pangyayari nakita ko sa isang gilid si Yeonjun at tila may kausap ito kanyang cellphone.
Lalapitan ko na sana ito at tatawagin siya pero biglang may humitlak sa akin sa isang tabe. Nilingon ko kung sino ito at laking gulat ko na si Mairy ito at sumenyas na tumahimik ako.
"Gusto mong malaman ang katotohan hindi ba? Pwes ihanda mo na ang sarili at ikaw mismo ang makakakita" sabi pa niya at nginuso ang na sa harapan namin, doon nga'y nakita kong may kausap siyang lalaki.
"Ba-bakla siya?" Tanong ko rito pero umirap lang sa akin si Mairy.
"Hindi mo ba nakikilala ang lalaking kausap niya?" Sabi niya kaya agad kong tinitigan kung sino ito.
"Si----"
"Kyle Villaroel right? Ang dating masugid na manliligaw mo"
"Anong connection nila?" Nanginginig na tanong ko. May namumuong konklusyon sa utak ko pero pilit ko paring isinawalang bahala.
"Hindi ba't hindi mo siya sinagot kahit ilang taon na siyang nanliligaw sa iyo? Nasaktan siya ng sobra dahil inisip niya na pinaasa mo lang siya, kaya naman ginamit niya ang pinsan niya, which is si Yeonjun para makabawi sayo and sad to say na alam ni Taehyun ang lahat ng ito" sabi nito.
Hindi pa rin ako naniniwala pero nang makita ko na nagkamay sila at tumatawa parang piniga ang puso ko.
Nanlalabo na ang aking mga mata at hindi makatayo ng maayos buti na lang talaga ay nahawakan ako ni Mairy at pilit pinapatahan.
"Shh...You deserve better Nissin" sabi nito at inalo ako. Pinabayaan ko na lang ang aking sarili na ibuhos ang lahat ng sakit na tila hinihiling na sana ay mawala na ito pero alam kong mahirap ito maghilom.
Tang ina lang! Dapat talaga hindi ko hinayaan ang aking sarili na mahulog sa patibong niya. Ang tanga ko kasi!
BINABASA MO ANG
Ghosto Kita | Choi Yeonjun
Fanfic(ᴄʜᴏɪ ʏᴇᴏɴᴊᴜɴ) ❝Ginost mo ako tapos babalik ka? Anong akala mo sa akin? Tanga? Wag kang mag alala, ghosto parin kita❞ 061120 080220