CHAPTER 03
•CHRONIEL•
“Hello, Chel. Napatawag ka?” Bihira kasi itong makaalala dahil sa sobrang pagkaabala sa buhay.
“Magbabakasyon ako diyan, nakaleave ako. Tutulungan kitang mangampanya,” masiglang sagot nito.
“Talaga? Kaylan ka naman ang dating mo dito?” Mahilig kasi ito sa prank at may pagka-isip bata minsan. Malay ko ba kung ginu-good time na niya naman ako.
“I think… next week.”
“Okay, see you then.”
“I really missed you… so much.” Mabilis nitong pinatay ang tawag. Si Chelia ay kababata ko—na dati kong niligawan pero binasted ako, pero high school days pa 'yon. Atleast we're still close and nothing was change.
“Chrone, bukas na ang unang araw nang pangangampanya. Ihanda mo ang sarili mo.”
“Handang-handa na 'ko Dad.” Ang totoo ay may kaunting kaba sa dibdib ko, alam ko kasi kung anong klaseng larangan ang politika. Maraming marurumi lumaban.
Tinapik niya ako sa balikat saka ginawaran ng positibong ngiti. Ito ang gusto ko kay Daddy, napaka-supportive sa aming magkapatid, hindi niya rin ako pinilit na pumasok sa politika dahil ginusto ko rin. Siya kasi ang iniidolo ko.
Kung papalaring manalo, ako ang pinakabatang gobernador ng rehiyon. Si dad naman ay magiging congressman, kung tutuusin ay maaari pa itong lumaban muli bilang gobernador pero ipanaubaya na niya sa akin. Para daw mahasa ako ng maaga.
PAGKATAPOS kong maligo ay pinatugtog ko ang paboritong playlist—mga kanta ng cueshe. Sobrang mahilig ako sa musika pero wala man lang itong hilig sa akin, kaya kung kumakanta man ako ay sa isip lang. Sinubukan ko naman minsang kantahin talaga pero nabadtrip lang ako.
Kaya ang lakas ng dating sa akin ng mga taong magaganda ang boses, nakakahumaling.
Si Rhythm at Breeze ang pinakapaborito kong umawit dahil mga paborito kong genre ang kinakanta nila, pero lahat sila magagaling. Mas pinili lang talaga nilang maging local singers dahil may kanya-kanya itong pinagkakaabalahan.
Naisipan kong magbukas ng social media account para makibalita. Napangiti ako ng makitang bumubuhos ang suporta ng mga kababayan ko, nakakataba ng puso. Mukhang mas gaganahan akong magserbisyo sa kanila. Ewan ko ba, noon pa man ay gustung-gusto ko na talagang tumulong sa mga nangangailangan. Gusto kong ibahagi kung anong meron ako.
Nakatanggap din ako ng mga personal na mensahe mula sa malalapit na kaibigan pati na ang mga kaklase ko sa Maynila. Sa siyudad kasi kami ng kapatid ko pinag-aral nila daddy. Hindi man kami ang pinakamayaman dito sa lugar namin, masasabi kong sobra-sobra naman ang meron kami kaya kailangang ipamahagi.
Nang makaramdam ng antok ay ipinatong ko ang cellphone sa maliit na mesa. Kakailanganin ko ng mas mataas na enerhiya para bukas.
“Good morning!”
“Mom.” Sinalubong ko kaagad ito ng yakap, hindi ko inaasahang darating siya ngayon. “Si Kuya?” Magkasama kasi sila sa bussiness trip sa Baguio.
“Nagpaiwan sa Taguig, he wants to spend time with his girlfriend. Alam mo naman ako kuya mo, deads na deads kay Shania.”
“Hindi daw uuwi?” Loko talaga 'yon, mas pinili pa ang girlfriend.
“Huwag ka nang magtampo,anak. Uuwi 'yon bago pa mag-eleksyon. Hindi ka matitiis 'non.” Kinurot pa nito ang pisngi ko bago sinalubong si dad na katatapos lang maligo.
Sobrang close kami ng pamilya ko, ni hindi ko pa nga naririnig sila mommy na nag-away. Ganon din kami ng kuya ko, siguro mga natural na debate lang. Pinalaki kaming disiplinado at responsable sa lahat ng bagay kaya susuklian ko iyon.
BINABASA MO ANG
My Governor
RomanceKaga-graduate lamang ni Hanea kaya naisipan niya munang rumaket bago lumuwas ng Maynila, doon niya kasi napiling magtrabaho. Pumasok siya bilang singer ni Chroniel-ang kumakandidatong gobernador ng kanilang rehiyon. Sa pagdaan ng mga araw ay hindi n...