PART TWO:BARBIE

39 19 9
                                    

Reminder: If your age is below 15 years old. This story is not suitable for you as this story contains Graphic depictions of violance, sexuality, strong language and mature themes that is not suitable for young readers.

Warning: Mention of death, suicide, harrasment.

"Bakit ba hindi ka pa magpakamatay?!"

Ibinato niya sa akin ang isang mahabang lubid. Gamitin ko raw 'yon upang tapusin ang buhay ko. Sa lahat ng utos niya, ito ang pinakamahirap. Pakiramdam ko ay kating-kati na siyang makita ako na isang malamig na bangkay. Ganoon lamang ba kadali iyon? Hindi ako makapaniwala. Sinong matinong ina ang hihilinging mamatay ang anak niya?

"Masakit po mama!" Napadaing ako nang paghahampasin niya ako. Ikot ako ng ikot para makaiwas sa mga palo niya pero masyado siyang bihasa doon. Kahit anong iwas ko ay talagang tinatamaan ako. Napakasakit non.

Tumigil siya sandali, habol ang hininga. "Sawang sawa na 'ko sa ugali mo!"

"Tama na mama, tama na po..." Pakiusap ko habang humihikbi. Namumula na ang braso ko at lumalabas na ang mga pantal sa hita ko dahil sa malalakas niyang hampas.

Napahagulhol ako nang matamaan ako sa parteng ulo! "Mama, tama na mama..."

Ilang beses akong nakikiusap pero hindi niya ako magawang tigilan! Hampas doon, hampas dito. Wala siyang pakialam kahit nasasaktan ako. "Wala kang kwenta! Bakit ba nabuhay ka pa?!"

"Tama na po...." Paulit-ulit kong sabi hanggang sa kusa na siyang tumigil. Unti-unti akong gumapang papunta sa isang gilid at doon umiyak. Pinagpapalo ko ang dibdib ko. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko. Para 'kong pinapatay sa sakit.

Pinahid ko ang luha ko habang humihikbi. "Ayo---ayoko na nito..."
Sawang sawa na ako sa paulit ulit na senaryong nangyayari sa buhay ko. Awang awa na 'ko sa sarili ko!

Nang tumahan ay inayos ko ang sarili ko. Maayos kong ipinuyod ang mahaba kong buhok. Nagtungo ako sa kwarto upang palitan ang sout ko. Isang damit na may mahabang manggas at isang leggings ang napili kong soutin para matabunan ang balat kong nagkakaroon na ng mga pasa.

Pilit akong ngumiti sa salamin. Pinahid ko ang luha ko. "Okay lang ako..." bulong ko.

Dahan dahan akong naglakad papalabas ng bahay. Nakatihayad ako para hindi marinig ni mama ang mga yabag ko. Nasa kusina lamang si mama kaya todo ingat ako! Nang makalabas ako ng pinto ay sandali pa akong tumigil. Tiningnan ko ang bahay namin. Bahala na...

Habang naglalakad ay may mga matatanda akong nakakasalubong. Nakangiti sila sa akin kaya sinusuklian ko din sila ng isang matamis na  ngiti! Napatigil ako ng makita ko si Lola Saling sa bukana ng palengke. Bitbit na naman niya ang basket na gamit niya sa tuwing mamimili!

"Lola!" Sigaw ko sa harap niya para gulatin siya. Natawa pa ako nang lumaki ang mata niya sa gulat!

Nakahawak siya sa dibdib. Pumikit siya at muling mumulat. Nakatingin sa akin at umiiling. "Aatakehin ako sa puso dahil sayong bata ka!"

"Namiss mo ba 'ko Lola?" Humawak ako sa braso niya habang ngiting-ngiti!

Natawa siya. "Inuuto mo na naman ako apo!"

BEHIND THE SUCCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon