PART SEVEN:PAPA

8 4 0
                                    

Reminder: If your age is below 15 years old. This story is not suitable for you as this story contains Graphic depictions of violance, sexuality, strong language and mature themes that is not suitable for young readers.

Warning: Mention of death, suicide, harrasment.

"Lola, ano na po ang mangyayari kay Nanay?" Tanong ko sa mababang tono. Kahit papaano ay nag-aalala ako. Nanay ko 'yon, ina ko pa rin iyon kahit na ano man ang mangyari. Kahit dinurog niya ako, kahit tinapakan niyan ang pagkatao ko, nanay ko pa din iyon at mananatili iyong ganoon. Hindi na iyon mababago.



Nginitian niya ako ng pilit at sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. "Pinagbabayad ang nagkasala, Brea."


"Paanong bayad po, Lola?" Umarko ang kilay ko. "Wala pong pera si nanay, Lola."


Bahagya siyang natawa at napailing sa sinabi ko. "Iba ang tinutukoy ko apo. Iyon ay pagbabayad na hindi pera kundi pagsisisi. Iyon lamang ang akma para sa ginawa niya sayo,"


"Kung ganoon, pinapatawad ko na po siya." Napalunok ako.


Hindi man ganoon kadali, alam kong makakalimutan ko din lahat ng nangyari, alam kong makakaya ko muling tumayo sa sarili ko na buo at mayroon ng kumpyansa sa sarili na lahat ay makakaya kong tahakin, na lahat ay makakaya kong suungin.



Gulat siyang tumingin sa akin. Bumubuka ang bibig at akmang may sasabihin pero hindi maituloy tuloy. Nagulat ako ng biglang pumatak ang luha niya, bago pa man ako magsalita ay sinalubong na ako ng mahigpit niyang yakap.



"Isa kang anghel sa mundong ito, yuyuko ang taong makakakita sa iyo dahil isa kang mabuting tao," bulong niya. "Hinahangaan kita Breaña, balang araw ay titingalain ka nila."


Pilit akong ngumiti. "Ang Diyos nga ay nagpapatawad, ako pa ba Lola?"



Nginitian niya ako. "Apo, may hihingin sana akong pabor sa iyo."



"Ano po iyon?"



Hinimas niya ang buhok ko. "Iyong lalaki, tatay mo iyon. Gusto ka sana niyang ilayo dito, sa lugar kung saan nagpapaalala sa iyo ang mga bagay na nagbibigay sakit sa puso mo. Gusto ko na kapag muli ka ng tumapak dito ay buong puso ka ng nakapagpatawad,"


Wala sa sariling tumango ako. Mayroon talagang parte sa sarili ko na gustong umalis dito. Pakiramdam ko ay hindi magiging ayos ang takbo ng isip ko kapag nakikita ko ang paligid ko dito. Lahat ay nagbibigay sa akin ng masasakit na alaala. Iyon ay dahil sa aking ina.



Pagkatapos ng mahabang gabing iyon ay nakatulog na ako. Sa loob ng ilang taon ay napanatag ang puso't isip ko. Nang makagising ako ay nagulat ako ng makagising sa bisig ng tatay ko. Ang braso niya ang naging unan ko habang siya ay mahimbing na natutulog at kayakap ako?


Napalunok ako. Si nanay ay ayaw na nakakatabi ako sa kama dahil amoy araw daw ako. Samantalang itong.....tatay ko?


Pakiramdam ko ay niyayakap niya ng buong buo ang pagkatao ko. Lahat ng hindi maganda sa pagkatao ko ay tinuturing niyang perpekto. Nagawa niyang iparamdam sa akin kung gaano siya kasaya na ako ay kasama niya. Ang yakap na iyon ay para bang may mensahe na pinapaabot sa akin. Iyon ay ako ay anak niya, at siya ay tatay ko.


Pumatak ang luha ko. Nanginginig man ay dahan dahan kong itinaas ang kamay ko upang ilapat ang mga iyon sa kanyang pisngi. Hindi ko na mapigilan ang humikbi nang maramdaman ko ang kanyang balat. Bahagya akong napasinghot habang humihikbi.



Nagulat ako ng dahan dahan na bumukas ang mata niya. Napanood ko rin kung paano siyang gulat at nag aalalang tumingin saakin nang makita akong umiiyak.



"May masakit ba sa'yo? May napanaginipan ka ba?" Nag-aalang tanong niya.



Umiling ako. Hindi pa rin mapigilan ang hikbi.


"Papa," nabasag ang boses ko na ikinagulat niya.


Iyong gulat niya ay hindi dahil may nasaksihan, kundi dahil may hindi siya inaasahang marinig. Ang gulat ay naroon din sa kanyang mga mata habang ang bibig ay bahagyang nakaawang pa. Nasaksihan ko ang pagpatak ng kanyang luha hanggang sa magtuloy-tuloy ito.


Bago niya pa magawa ay nagawa ko nang sumiksik at yumakap sa kanya. Ang puso ko ay nakaramdam ng saya, hindi katulad na noon na lungkot. Iyon kasi yung saya na alam kong nasa mabuting kamay na ako. Iyong saya dahil nandito na siya. Ang tatay ko. Ang nagligtas sa akin sa impyerno.


Ang sabi niya ay dadalhin niya raw ako roon sa maynila upang doon mag-aral at mamuhay kasama niya. Hindi na ako tumanggi dahil alam kong iyon din ang gusto ko. Ang sabi ko lamang ay, sa huling pagkakataon, gusto ko sanang makita si Nanay. Gusto ko siyang makausap, upang magpa-alam.


Nginitian ako nong pulis nang makita niya ako. Si papa ay nakahawak sa likod ko upang alalayan ako. Inihatid kami nong pulis doon sa bisitahan. Sabi ko kay Tatay ay kaya ko ang sarili ko kaya tumayo siya at kinausap ang pulis. Ang sabi niya ay papanoodin niya daw ako sa malayo.



Napaiwas ako ng tingin nang makita kong palapit sa akin si Nanay.


"Nandito ka...." Sabi niya.


Tumingin ako sa kanya at nilawakan siya ng ngiti. "Magpapa-alam po sana ako,"



Tiningnan niya ako at halatang seryoso ang mukha niya.


Napalunok ako. "Isasama po ako ni Papa, ilalayo niya daw po ako dito." Tiningnan ko siya sa mata. "Gusto ko po sanang makasama si....papa," nabasag ang boses ko.


Iniwas niya ang tingin niya ngunit napansin ko pa din doon ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko inaasahan iyon.


"Nanay, salamat po." Pilit akong ngumiti habang patuloy sa pagpunas ng luha.


Gulat siyang tumingin sa akin. Hindi inaasahan ang narinig.


"Salamat po sa pagpapalaki sa akin, sa lahat ng ginawa niyo para lang buhayin ako," napahikbi ako.


Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. "Lumaki po akong matapang, mabait at magalang."



Sa kabila ng lahat ng naranasan ko, ipinagmamalaki kong hindi tulad ng iba, nagawa ko pa ring magbuti. Nagawa ko pa ring ayusin ang ugali ko. Lumaki ako ng masunurin at may takot sa Diyos.


Niyakap ko siya. "Gusto ko pong makasama ang Pamilya ng mga Avila, kasama si Papa."


--

This story contains sensitive topic that can harm you. Please don't take seriously. This is just a work of fiction.

BEHIND THE SUCCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon