PART ELEVEN: ENTABLADO

5 2 0
                                    

Reminder: If your age is below 15 years old. This story is not suitable for you as this story contains Graphic depictions of violance, sexuality, strong language and mature themes that is not suitable for young readers.


Warning: Mention of death, suicide, harrasment.






Lumilipas ang mga araw at tila ba lahat ay lalong lumalala. Lahat ay tila ba nagkakaroon ng kahulugan. Lahat ay may gustong iparating. Lahat nang nangyayari ay tila ba may dahilan. Lahat ay dahil sa nakaraan.








Sa bawat araw na nagdaan, lahat nang dinadapuan ng aking mga mata ay may mga pangyayaring pinapaalala. Lahat nang aking naririnig ay nagbibigay ng pakiramdam na kakaiba.







May mga pagkakataon na sa gitna ng masayang araw ay may luhang pumapatak sa aking mata na para bang hindi ako nakukuntento sa aking natatamasa. At parang nakakatakot humarap sa kanila, na baka lahat ng ipinaparamdam nila sayo ay pawang pansamantala lamang pala.






"Anak,"







Naglalakad kami sa grocery nang bigla akong mapaatras nang madaanan ng mga mata ko ang mga patong ng noodles. Tinatawag ako ni Papa pero hindi ako matinag.






Naalala ko noon. Noon, pinapabili ako ng ganoon ngunit gabi na nang makadating ako at galit na galit si Mama noon. Sa sobrang galit niya ay pinakain niya lahat sa akin iyon kahit hindi pa manlang iyon naluluto.






Natatakot ako. Natatakot ako na maulit 'yon. Hindi posibleng maulit 'yon.










Sa sobrang pagkaatras ko ay hindi ko namalayan na nandoon na pala ako sa isang divider pa doon, at bago ko pa mapagtanto ay nagawa na akong madaganan ng mga ito.







Lahat. Lahat nang nangyayari ay dahil sa mga masasakit na alaala ko sa nakaraan. At lahat iyon ay dahil nararanasan ko ang sakit na naranasan na din ng iba. Lahat ay dahil sa Post Traumatic Disorder.






Buwan ang lumipas bago ko nalagpasan ang pagsubok na iyon. At taon pa muli ang lumipas para muli akong makatuntong sa lugar na wala na sana akong balak balikan.






At sa pagbabalik ko, doon ko lamang nalaman na wala na si Lola saling. Pumanaw na siya sa edad na Animnapu't pito.





Nakalaya na din si Mama sa kulungan at hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi na alam kung saan siya hahanapin, at wala din naman akong balak pa na gawin iyon.






Malalim ang gabi, malamig ang hangin na tumatama sa aking balat. Nakatingala ako at nakatingin sa mga buwan. Napangiti ako nang masilayan ang ganda ng mga bituin sa langit.





Mula sa araw na ito, ang pagpapatawad ay nandito na sa puso ko. At sa huling pagtuntong ko sa lugar na ito, isasabuhay ko ang mga aral na natutunan ko sa nakaraan na dadalhin ko hanggang sa huling hininga ko.






Sa bawat taon na lumilipas, nadadagdagan ang mga kaalaman ko. Lahat ay masinsinang pinag-aralan ko. Lahat ay pinapahalagan ko. Lahat ay pinaghihirapan ko.




Mula sa maliit hanggang sa malalaking bagay, lahat ay dahil ginawa ko ang makakaya ko. At nandito ako ngayon, nakatayo sa entablado dahil kinaya ko lahat ng pahirap na pinataw sa akin ng mundo.

BEHIND THE SUCCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon