PART FIVE:MALAYA KA NA

10 5 0
                                    

Reminder: If your age is below 15 years old. This story is not suitable for you as this story contains Graphic depictions of violance, sexuality, strong language and mature themes that is not suitable for young readers.

Warning: Mention of death, suicide, harrasment.

Bahagya kong itinulak yung lalaki nang maramdaman ko ang higpit ng yakap nito. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa narinig. Gulat akong tumingin sa kanya nang magawa kong umalis sa yakap niya.


"Sino po kayo?" Napapalunok kong tanong.



Akmang hahawakan niya ang pisngi ko pero mabilis akong lumayo. Alam ko, naiintindihan ko ang narinig ko pero hindi iyon tinatanggap ng pagkatao ko, ng isip at ng puso ko.


"Anak..." Nag-aalalang tawag niya.


Anumang pigil ko ay walang pasabi pa ring pumatak ang luha sa mga mata ko.


"Hindi mo ako anak..." Pumiyok ako dahil sa emosyon na nararamdaman.


Ayokong tanggapin. Alam kong maari pero hindi ko kayang tanggapin dahil magagawa kong mangsumbat sa mga bagay na hindi niya alam na pinagdaanan ko.

Napanood ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Nahilamos niya ang mga palad niya sa kan'yang mukha habang lumuluha.

"Nik...."


Napaawang ang bibig ko nang makita ko sa pintuan si mama. Gulat na gulat siya habang nakatangin sa lalaking kaharap ko na narinig kong tinawag niya sa pangalang Nik.


Akmang lalapit si Mama sa akin ngunit mabilis na humarang sa akin yung lalaki. Galit na galit siyang tumingin kay mama at bago niya pa mapigilan ay nagawa na niyang masampal ito.


Napaawang ang bibig ko nang mapahawak si mama sa sarili niyang pisngi. Hindi ako kumilos para lapitan siya kahit may pagkakataon. Parang ngayon lamang naalala ng isip ko ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko, at wala iyon sa sampal na ginawad sa kanya.


"Anong ginawa mo sa anak ko?!" Sigaw no'ng lalaki.



Agad na tumingin sa akin si mama at hindi ako makapaniwala ng ilingan niya ako. Parang bang siya pa ang masama ang loob sa aming dalawa.

"Anak natin Nik! Anak natin!" Sigaw din ni Mama.


"Anong mukha ang mayroon ka para tawagin siyang anak, kung ganyan ang ginawa mo sa kanya?! Wala kang kwenta ina!"

"At ikaw? May kwenta ka ba? Hindi bat wala ka rin dito para alagaan siya?"

Kumuyom ang kamao ng lalaki. "Ipapakulong kita."

Mabilis akong hinigit ng lalaki ngunit nasa harap pa lamang kami ng pinto ay nakita ko na doon si Lola.


"Lola...." Bulong ko sabay yakap sa bisig niya.

"Brea, apo...." Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya na lalong nakapagpaluha sa akin.


Naiintidihan ko ang mga nasaksihan ko ngunit bakit hindi sumasang ayon doon ang puso ko? Naiintindihan ko pero bakit may sama ng loob na bumabalot sa kaloob looban ko?
Alam ko ang nangyayari pero bakit nagpapanggap ako?


Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang sunod na sunod na tunog ng sirena. May mga pulis.

Takot na takot akong tumingin kay Lola. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinahid ang mga luha sa aking mga mata.


"Malaya ka na, Breaña...."

--

This is just a work of fiction. Don't take it seriously.


BEHIND THE SUCCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon