PART THREE:REGALO

26 18 0
                                    

Reminder: If your age is below 15 years old. This story is not suitable for you as this story contains Graphic depictions of violance, sexuality, strong language and mature themes that is not suitable for young readers.

Warning: Mention of death, suicide, harrasment.

"Lola, kilala mo ba yung lalaki kanina?" Tanong ko. Umalis na rin bigla yung lalaking yon kanina nang may ibinulong siya sa akin. Hindi ko yun maintindihan! Ang tanging naaalala ko lang ay ang sabi niyang 'My child.' Ano ba yung My child? Yun ba ang ingles sa barbie? Ibig bang sabihin noon ay ibili niya ako ng barbie? Tama?!

Tumigil si Lola sa paghalo sa niluluto niyang lugaw. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Balang araw, makikilala mo rin siya."

"Baka naman siya si Santa, Lola? Binigyan niya ako ng regalo, baka papasko niya ito!" Natawa ako.

"Kunti na lang, makakasama mo rin siya." Bulong ni Lola. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Anong makakasama? Makakasama ko si Santa? Parang imposible naman iyon! Pero, pwede rin! Para araw araw pasko! Palaging may regalo.

Napapikit ako habang kumakain. Ang sarap! "Lola, may sekreto ka ba sa pagluto mo nito? Bakit ang sarap?"

"Sus! Binobola mo na naman ako apo!" Tumatawa si Lola saling. Hindi naman ako nagbibiro, talagang masarap ang mga luto niya! Sa katunayan nga ay mas masarap pa ang luto niya kaysa sa mga luto ni mama!

Humalumbaba ako. "Lola, wag mo nang uulitin yung ginawa mo kanina ah? Kinakabahan ako sayo eh!"

"Hay nako! Napakasama naman kasi ng ugali nung tindera doon! Mabuti na lang at dumating si--" Napahawak siya sa bibig.

Tumikhim siya. "Masaya ka naman ba?'

Ngumiti ako. "Pasensya ka na kanina, lola..."

"Ano ka ba? Ayos lang yon! Ang mahalaga, makita kitang masaya at nakangiti. Ang ganda mo kapag nakangiti apo!"

Ngumisi ako. "Maganda talaga ako Lola! Hindi lang pangalan ko ang maganda sa akin!"

Napangiti ako. Sa sakit at kalungkutan, ito ang naging pahinga ko. Bisig niya ang tanging takbuhan ko. Pakiramdam ko ay nakakahinga ako ng maluwag kapag si Lola ang kasama ko. Sa totoo niyan, hindi ko siya kaano-ano. Nakilala ko lang siya noon nang makita niya akong umiiyak sa kanto. Mula noon, siya na ang naging takbuhan ko sa nakakapagod na mundo.

Mabait si Lola saling. Kahit minsan ay hindi niya ako itinuring na iba sa kanya. Ganoon din siya sa akin, para sa akin Lola ko talaga siya.

"Kamusta ka Brea?" Seryosong tanong ni lola kaya naiangat ko sa kanya ang paningin ko.

Pilit sana akong ngumiti ng pumatak na ang luha ko. Kahit iyon ay hindi ko na magawa. Tuloy tuloy na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Hanggang sa ang luha ko ay naging hikbi na. Hindi ko maiwasan ang maging mahina sa tuwing kinakamusta niya ako. Siya lamang ang taong nagtatanong at nag-aalala kung okay lamang ba ako.

Itinaas ko ang manggas ko hanggang sa may kili-kili at ang leggings ko naman ay itinaas ko hanggang tuhod. Doon ay makikita ang mga nag-iitiman kong pasa. Napaawang ang bibig ni Lola nang masilayan niya ang mga iyon!

Humagulhol na ako. Dahan dahang lumapit si lola sa akin at hinawakan ang braso ko upang tingnan iyon. Napansin ko ang luha niya nang makita niya na ang kabuuan ko.

BEHIND THE SUCCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon