Chapter 5: "This is the day!"

34 0 0
                                    


"Bitiwan nyoko!!! Amber!! Amber!! Tulungan moko... "


Paulit-ulit nyang sinasabi Habang pahina ng pahina ang kanyang boses...


Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko.. Ang lakas ng tibok ng puso ko...


Bat ganito?


Parang nasaktan ako nung umalis na sya..


---------------------------------------------------


Hangang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko ang lalaking yun kagabi..


"Beep.  Beep. Beep." Sunod-sunod Kong busina sa tapat ng bahay nila cheallsea. Sabay kasi papuntang school.

Time check: 6:50 am

Masyado bang Maaga? Well ang totoo nyan dalawang oras lang ang tulog ko nang dahil sa lalaking yun kagabe.... tapos Maaga pa akong nag-alarm Kaya heto ako ngayon..

After 5 minutes..

"Grabeh..! Ang Tagal mo cheallsea!" Bulyaw ko sa kanya..

"OA ka ha.... !ang aga pa Kaya....dinaig mo naman ang mga securityguards sa school.."

"Mas mabuti na ang Maaga"

"Ang sabihin mo atat na atat kanang makita ang mga poging poging papables sa school! Hwag kang mag-alala, malapit lang naman ang school dito.. Kaya sandali na Lang..hikikhikhikhik.."

"Tumigil ka o ingungudngud ko yang mukha mo sa salamin!" Bulyaw ko ulit... itong babaeng to.... kung Ano Ano nang sinasabe..

"Okay, okay." Sabay zip sa kanyang bibig..

__________________________

Nasa tapat na Kami ng school. Malaki laki rin ang school nato kumpara sa school ko noon...

Pagpasok namin ay agad kong pi nark ang kotse ko sa pinakamalapit sa building ng Filipino Department... Mabuti at maaga pa kayat wala masyadong nakapark.

"Hintayin muna natin si Dylan.." Sabi ko

"Naku bespren mas mabuti pang Mauna na tayo.. dahil sureness na mamaya pa yun dadating.. tulog mantika kaya yun!" Sabi pa ni Cheallsea

"Ah ganun? Okay "

.....

Habang naglalakad kami sa hallway eh manghang mangha ako sa mga nakikita ko...

Kung titignan mo tong unibersidad sa labas eh parang ang liit,  pag-pasok sa loob dun mo na makikita ang napakalawak na paaralan, mga naglalakihang building.. Tsaka lahat ng tao parang parating busy...

.....

Naikot na namin halos itong buong school kaya nagpasya kaming magpahinga muna sa lounge.. Kapagod..

"dito muna tayo bespren.. Sa tagal ko dito sa school eh ngayon ko lang nalibot itong school" Cheallsea


"ok" maikling tugon ko.


"Hoy!! Wag mo kong ma ok ok ha... Kanina ka pa ganyan.. Ang iikli ng sinasabi mo.." cheallsea

"Kailangang sumigaw...?" tong babaeng to...

"ah hindi naman sa ganun.. Ano ba kasing problema mo?" bulong naman nya sakin... Kahit kailan to.. sira..

"May sasabihin ako sayo" hindi ko na kaya to kailangan ko sabihin sa kanya... Alam nyo na kung ano yun.. Buti at wala pa si Dylan.. Kundi mag he- hysterical yun...

"Kasi ganito yun" so yun sinabe ko sa kanya yong nangyari kagabi.. Syempre excluded yung feelings ko... Feelingera kasi ako...

Matapos kung sabihin sa kanya ang insedente kagabi...

"Yun lang? Kala ko naman kung ano.. Mas malala pa yung nangyari sakin kesa sayo..! Aba't napagtripan ako ng lasing sa kanto... Kaya ayon pinokpok ko sya nung boteng hawak-hawak nya tsaka kumaripas na ako ng takbo.. Kala nya... " kwento sakin ni Cheallsea...

Hindi naman ata nya naiintindihan yung sinasabi ko...


"Tayo na nga may klase pa ako ng 9, anong oras na.. 5 min before 9 na..  Baka ma late pa ko..." sabi ko.

"O sya sya.. Kailangan ko na ding tumakbo.. Malayo pa yung building ko..Bye" Cheallsea

"Bye"

...


Pagpasok ko sa room eh walang tao... Ano to joke? Eh 9:05 na.. Napagpasyahan kong umupo at maghintay muna..  Ilang sandali lang ay may dumating, classmate ko ata..

"ah excuse me miss, section CD-5 kaba?" tanong nya sakin..

"ah oo"


"umuwi kana, walang pasok, ganito talaga dito... May mga late enrollee kasi kaya hindi makaka attend ang mga instructor at professor.."


"Ah ganun ba? Salamat."


Walang yang Cheallsea yun.. Siguro alam nyang wala talagang pasok ngayon.. Tsaka si Dylan.. Sure akong hindi yun papasok.. Early bird kaya yun... Pinag-isahan ako ng dalawang yun....

......


Naglalakad ako dito sa malaking hallway.. Ng biglang nag text si Cheallsea...


*Bespren.. Umuwi nako wala kaming pasok.. Heheehe babay.*

*bogsssshhhh*


Aray ang sakit... Lumagapak yung pwet ko sa sahig... Walang yang mamang to..


"Hindi ito lugar para mag text .. Stupid"...

Abat bastos tong mamang to ah... Kaya...

"Abat ang lakas talaga ng...." Hindi ko na natapos yung sinabi ko kasi may kausap sya sa cellphone nya..

"hello? .. Yes... No no!  Please.. I'll be there.. wait for me.. " pamilyar ang boses na.. Kaya lang tumakbo na sya palayo at hindi ko nakita man lang ang mukha nya... Tsaka walang modo yung mamang yun.. Di ma. Lang marunung mag sorry..


Dahan-dahan naman akong tumayo... Parang nabasag yong buto ko..Arrrrrrrrghhh.. Nakaka-inis....

___________________________________________


To be continued.


^_^

Regrets for Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon