"Malaya"

57 2 0
                                    


MALAYA

U N A N G   T U L A


Galing sa dalawang magkaibang mundo
Ngunit pareho lamang ng kwento
Ako na ang sarili'y nakatago
At ikaw naman na ang sarili'y nakakulong

Parehong galing sa pag-ibig na mapait
At parehong pinili ang 'di na pagkapit
Ako na pinili nang kumawala
At ikaw naman ay ang magpalaya

Parehong puso'y nasugatan
Mula sa sakit ng nakaraan
Kaya sa lahat ng sakit na naramdaman
Pinili nating puso'y ingatan

Parehong galing sa pag-ibig na akala'y masaya
Mula sa taong akala rin natin ay tama
Ngunit sa likod nitong mga masalimuot na alaala
Sa wakas, pareho tayong naging malaya

Paglaya na matagal na palang hinahangad
Simula nang puso ay nakawala
Ako na nakawala sa akala ko'y 'di ko kayang bitawan
At ikaw naman sa akala mo'y pilit ka pang kakapitan

Dalawang malaya na dati'y nakagapos
Na ngayon ay unti-unting nakakaraos
Parehong pinili ang pansariling kasiyahan
Mula sa mga natutunan na hatid ng nakaraan

Dalawang malaya na galing sa magkaibang mundo
At parehong naghihilom ang mga puso
Mga puso na ipinaglalapit ng tadhana
At ngayon, ipinagtagpo ang dalawang malaya




Bawat Pahina (Mga Tula Para Sa'yo) - ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon