PARU-PARO
I K A T A T L O N G T U L A
Simula nang ika'y nakilala
Lubos ang saya na nadarama
Mga sayang sana'y magtagal
At sana hindi na mawala paDalawang pusong ipinagtagpi
Hinihiling na sana'y manatili
Mga damdaming 'di maitatanggi
Simula nang ika'y dumating sa akinSa bawat gabing nagdaan
Lumalim ang ating samahan
Mga pangyayaring hindi ko inaasahan
Simula nang kwento nating dalawa'y naumpisahanMga gabi na ika'y kasama
Saksi doon ang buwan at mga tala
Mga yakap ng gabing malamig
Ikaw ang nagmistulang initSa bawat gabing nagdaan
Mga alaala nati'y hindi ko malilimutan
Dahil sa tuwing ika'y kasama
Ramdam ko ang mga paru-paro sa aking sikmuraMga gabi na ika'y kasama
Ay mga gabing hinihiling kong sana maulit pa
Dahil ngayon ko na lang ulit naramdaman
Mga sayang hindi ko naranasan sa nakaraanKaya naman mula nang ika'y nakilala
Lubos ang sayang nadarama
Mga sayang sa wakas ay tunay
Na ikaw mismo ang nagbigayDalawang malayang nagmahal
Ngayo'y pinili ang sumugal
Ikaw na yung taong gusto kong magtagal
At sana hindi na mawala pa
BINABASA MO ANG
Bawat Pahina (Mga Tula Para Sa'yo) - ONGOING
Puisi"Dalawang taong galing sa magkaibang mundo.. ngunit pareho lamang ng kwento."