"Takot"

46 1 0
                                    



TAKOT

I K A L A W A N G   T U L A 


Sa kabila nitong dalawang magkaibang mundo
Mayroong dalawang malayang ipinagtagpo
Mga pusong ipinagtagpo ng tadhana
At ipinaglapit ang isa't isa

Parehong sarado ang mga puso
At pareho itong naghihilom
Ngunit sa likod ng mga pusong nananahimik
Ito ay pilit ipinaglalapit

Sa bawat araw na nagdaan
Mga nararamdama'y hindi maintindihan
At sa bawat araw na tayo'y ipinaglalapit
Mga katanungan sa ating isip ay sumasagi

Sa araw na nagkaroon tayo ng nararamdaman
Pareho natin itong pinigilan
Mga nararamdamang hindi natin mawari
Kaya itinago na lamang sa sarili

Dalawang malayang ipinagtagpo
Ngunit ang mga puso'y gulong gulo
Ikaw na ba ulit ang bubuo?
Sa bawat pira-pirasong kulang sa aking puso?

Parehong nagugulumihanan
Sa kadahilanang walang kasiguraduhan
Mga bagay na dapat pinag-iisipan
Upang sakit ng nakaraan ay maiwasan

Dalawang malayang ipinagtagpo
At parehong nababalot ng takot
Ako na takot ulit magmahal
At ikaw naman na takot ulit sumugal

Ngunit sa lahat ng takot na naramdaman
Mayroon isang bagay na natutunan
Simula nang tayo'y sumugal
Mas nakakatakot pala kapag pinili natin ang hindi magmahal


Bawat Pahina (Mga Tula Para Sa'yo) - ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon