Chapter 2

58 4 0
                                    


Saktong mag alas diyes y medya kami nakarating ni Harvey sa amin.

"Salamat sa paghatid."

Harvey smiled and tapped my shoulder.

"Sige na, pumasok kana. Baka naghihintay na si aling Norma." aniya.

"Sige Harv-"

"Rose!"

Napatigil ako dahil sa tumawag. Sabay kaming lumingon kung saan galing ang boses. And we saw an old man walking wrecked toward us. And from his posture while walking he seems like he's drunk.

Lumapit si Harvey kay tatay para alalayan ngunit tinulak niya ito palayo.

"Bitawan mo ako hijo. Kaya ko pa!" ani ni tatay. Napakurap ni Harvey dahil sa sigaw ni tatay. Lumapit ako sa kanila at pumagitna.

"Sige na. Umalis kana." sabi ko kay Harvey. Dahan dahang tumungo si Harvey at umalis na din.

Humarap ako kay tatay. Naamoy ko ang alak.

"Tay, halika na po"

"Boyfriend mo ba yun?" tanong ni tatay. Huminga ako nang malalim dahil alam ko kung saan to tutungo.

Umiling ako.

"Hindi po tay. Halika na po."

Ngumiti si tatay sa akin.

"Kapag yun manliligaw sayo sabihin mo sakin. Wala akong tiwala sa kanya. Tignan mo naman yun payatot. Isa pa, isa siyang Garcia, mga mayayabang ang mga pamilya nun." umiling ako at di na sumagot kay tatay. Ano-ano nalang ang sinasabi nito kapag nalalasing.

Kay nanay lang malapit si Harvey hindi kay tatay. Sabihin nalang nating isang plastik na kaibigan itong si tatay dahil baitbaitan lang kapag kasama ni Harvey ang kanyang mga magulang.

"Mas mabuti pa ang anak ni Bando may narating pa. At tsaka may pangarap yun gaganda buhay mo don. Kaibigan mo naman yun diba?" dagdag ni tatay. Inalalayan ko siya at pumasok na sa loob ng bahay.

Simula nang lumipat kami rito sa Balindog ay palaging nirereto ni tatay sa akin ang anak ni mang Bando. Though hindi naman niya ako pinipilit. Hindi lang niya gusto si Harvey. At pagsasabihan niya lang ako kapag kasama ko si Harvey.

I understand tatay. He just wanted to give me a better life, but I know he also know na hindi niya ako mapipilit sa mga bagay na yan.

I chuckled.

"Tay, Nag tratrabaho kami ni Harvey pareho para kumita nang pera kaya wala namang problema kung magiging kami." natigilan si tatay at pilit kumawala ang kamay sa aking balikat. Tumawa ako ng mahina dahil naasar si tatay sa sinabi ko.

"Aba! Kahit mahirap tayo hindi naman kita ipamimigay sa mga mahihirap din!" kumunot ang noo ni Tatay. I laughed quietly.

Pinaupo ko si tatay sa may kusina dahil aniya'y nagugutom daw siya.

Habang naghahanda ng kanyang makakain madami siyang mga tanong na binabato sa akin.

"Ba't ba kasama mo yung anak ni William?"

Binuksan ko ang sardinas at nilagay sa platito. Kumuha rin ako nang kanin sa kaldero. Pagkatapos nilapag ko ito sa lamesa.

"Nagtratrabaho po kasi ako kina aling Liza. Tumugtugtug po ako doon sa resto niya."

Nataranta ako nang biglang nabilaokan si tatay kaya dali-dali akong kumuha ng tubig.

"T-Tumugtug?" sabi nang nahimasmasan na.

Thorn of RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon