Kabanata 7

6 4 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit ako'y natutulala ngayon at inaalala ang mga sinabi ni Julio sa akin. Naiwan ko tuloy ang mga gamit na dapat kong ayusin dito sa bahay. Isinawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy na lamang.

Lingid sa aking kaalaman ang paglalakad ko patungo sa bayan namin at subukang umuwi. Lumilipad na ang aking isipan sa mga konklusyong hindi ko dapat iniisip, mga konklusyong huwad sa reyalidad na tinatamasa namin. Alam kong iba si Crisostomo sa taong inilalarawan ni Julio dahil kilala ko siya simula pagkabata at hindi niya iyon magagawa sa akin. Napagtanto na siguro ni Julio na siya ang may kasalanan at idinidiin si Crisostomo upang siya'y talikuran ko't bumalik sa kanya. Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa ganyang pamamaraan.

"Cristina?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at hindi ko kilala sino yun! May nakakakilala ba sakin dito?

"Ikaw nga! Cristina Lopes! Ako to, si Victoria!" muli niyang sabi sa akin.

Pilit kong inaalala kung saan ko iyon narinig ang pangalang Victoria.

"Sino ka?" tanging tanong ko lamang sa kanya.

Tumawa siya sa akin bago sumagot, "Ano ka ba! Ako lang to, si Victoria Gudon. Yung kaklase mo noong nag-aaral ka pa sa ibang bayan."

Teka lang, pamilyar sa akin ang mukha niya at tono ng kanyang pananalita. Sigurado ba siyang naging kaklase ko siya? Sa gandang iyan ay hindi ko maalala? Napakaimposible!

"Hindi talaga kita matatandaan, pasensya na. Sa ganda mong iyan ay bulag nalang siguro ang hindi makakapansin niyan." biro ko pa sa kanya.

Humalakhak siya sa aking biro na ikinagulat ko. Ganoon naba ang epekto ng aking biro?

"Palabiro ka parin, Cristina. Hindi ka parin nagbabago." sabi niya at sumeryoso saglit ang kaniyang mukha. Diyos ko! Nasa panganib yata ako.

"Pasensya na ngunit aalis na ako." sabay talikod sa kanya ngunit hinablot niya lamang ang braso ko upang ako'y humarap ulit sa kanya.

"Tatandaan mo ito Cristina. Hinding-hindi mapapasayo si Crisostomo dahil akin naman talaga siya sa simula pa lamang. Alam ko kung bakit ka narito. Dahil yun kay Crisostomo diba? Dinala ka niya sa kanyang bahay," huminto muna siya saglit at lumingon sa paligid bago siya nagsalitang muli, "alam mo ba kung ilang babae na ang kanyang dinala diyan?"

Tumigil saglit ang pagtibok ng aking puso, pilit pinapakalma ang daloy ng aking dugo.

"Alam kong sinabi niya sa akin na ako pa lamang ang kanyang dinala roon."

Tumawa siya saglit bago sumagot, "Napakabulag mo naman Cristina, hindi mo nakikita na may ibang babae na pwedeng magpainit ng kanyang mga gabi maliban sa iyo na ayaw naman magpahawak sa kanyang mga palad."

Natauhan ako sa kanyang sinabi. Oo nga't birhen ako at hindi ko nais pag-isipan ng kung anu-ano ang namamagitan sa amin ni Crisostomo noong nasa bahay pa lamang niya ako ngunit tila sumampal sa akin ang reyalidad na ako'y wala pang alam sa mga ganyang bagay.

"Natahimik ka yata Cristina. Ayaw mo bang magsalita at ipaglaban ang iyong panig? Kung sabagay, hindi mo nga kayang ipaglaban ang relasyon ninyo ni Julio, ang sarili mo pa kaya?" tawa pa niya sa akin.

Hindi na ako nagulat kung aabot hanggang ibang bayan ang mga tsismis na pumatol ako sa lalakeng hindi napagkasunduan ng aking ama. Ano pa bang aasahan ko sa buhay politika? Lagi na lamang may manghihimasok na iba.

"Batid ko ang kaalaman ng mga balitang iyan, Victoria. Kaya alam ko kung saan ako lulugar at patunayan ang mga salitang binibitawan ko. At yung tungkol kay Julio? Isaksak mo sa napakakitid mong utak na hindi ko na kailangan pang ipaglaban siya dahil wala naman talagang dapat ipaglaban." hinablot ko ang aking brasong hinahawakan niya at tumalikod na upang magpatuloy sa aking paglalakad ngunit ang mga katagang kanyang sinabi ay naging rason upang magimbal ang aking nanahimik na pamamalagi dito.

"Ipapakilala na ako ng iyong ama sa harap ng maraming tao sa susunod na linggo bilang kanyang asawa. Hindi ka ba natatakot kung saan kayo pupuluting mag-ina?" nangangatal ang aking buong katawan sa kanyang sinabi.

Lumingon akong muli sa kanyang gawi at sinugod siya.

"MALANDI KANG BABAE KA! BAGAY SA'YO ANG IPATAPON SA IBANG BAYAN AT HINDI NA BABALIK PA!"

Sinabunutan ko siya at di alintana ang mga taong pinapaligiran na kami. Pilit nilang pumagitna at pigilan kami ngunit hindi ko sila hinayaan.

"SUBUKAN NIYO KAMING AWATIN! AKO ANG MAKAKALABAN NIYO!" sigaw ko sa kanila.

Nang dahil dun ay hindi na nila kami inawat at nanood na lamang na pawang isa itong palabas.

"HINDI KA KARAPAT-DAPAT NA MAGING ASAWA NG AKING AMA! ISA KA LANG HAMAK NA KERIDA!"

"ARAAAAAYYYYYYY!!!" sigaw niya.

Dapat siyang maparusahan nang dahil sa kaniyang mga ikinikilos. Hindi siya dapat nagpadalos-dalos at inilihim na lamang ito ngunit mapilit siya at ginamit ang napakakitid niyang utak upang isiwalat ang lahat ng mga plano ng aking ama.

Ngunit hindi ko inaasahan na sa gitna ng aming pakikipag-away ay may biglang sumigaw galing sa ibang direksyon.

"ANONG GINAGAWA MO CRISTINA?!"

Lumingon ako sa gawi nang kung sinong sumigaw nun pero laking gulat ko kung sino iyon.

Crisostomo?!

"CRISOSTOMO!"

"Ayos ka lang ba Cristina? Pawang binibisita ka ng masamang panaginip." nag-aalalang tanong ni Crisostomo sa akin.

Panaginip lang pala iyon ngunit parang totoo. Yung sakit, yung hablot at yung mga salitang binibitawan ay pawang katotohanan. Hindi ko maintindihan kung bakit ako'y hindi mapakali at kailangan kong tanungin mismo ang aking ama. Pero hindi ko maiwasang sabihin kay Crisostomo ang matagal ko nang kinukupkop na mga salita.

"Iniwan mo ako Crisostomo at naglalakad akong mag-isa. Hindi kita kasama at binali mo na naman ang iyong pangako." nagbabadya ng umagos ang aking mga luha.

"Hindi ko magagawa saiyo yun Cristina. Lagi akong magpapaalam ng personal sa'yo upang pangakuan ka nang hindi napapako." isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin na nagdala ng payapang pakiramdam.

"Baka nga ay totoo yung panaginip ko at may binabahay kang ibang babae rito. May panibughong damdamin ang namumutawi sa aking puso kung may malaman akong balita tungkol diyan." umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakikita kong tinutukso ako ni Crisostomo ng kanyang mga ngiti.

"Wala akong ibang dadalhin rito kung hindi ikaw lamang Cristina. Iyan ang pangakong panghahawakan ko hanggang kamatayan." isang nakakahalinang mga salita ang kanyang binitawan.

Pinapaibig akong muli ni Crisostomo gamit ang kanyang mga salita. Paano pa kaya kung siya'y pormal na manligaw? Tuluyan na siguro akong malunod sa aking damdamin.

"Pangako iyan ha? Huwag sana iyang mapako." tugon ko sa kanya.

"Hinding-hindi, mahal ko."

Tinignan niya ako ng malalim at hinawakan ang aking baba upang iangat sa kanyang gawi. Nang tuluyan ng magpantay ang aming titig ay dumako ang paningin ko sa kanyang mga mapupulang labi na pilit akong iniimbitang halikan iyon. Ngunit bago paman ako umaksyong halikan siya nang maunahan niya ako. Lumapat ang aming mga labi at diyos ko, singlambot iyon ng unan at singtamis ng mansanas.

Tumagal iyon ng ilang segundo bago niya ako pakawalan sabay sabing,

"Hayaan mong ligawan kita ng pormal Cristina nang sa ganun ay di ka na mangamba."

—————————

:>>>>>

That's ittt! Sorry kasi hindi ako nakaupdate kahapon HAHA. Peace! :))

Paalam [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon