Kabanata 13

2 3 0
                                    

Dumiretso ang tingin ko kay Luisito ng sabihin niya iyon. Ngunit humalakhak lamang siya.

"Hindi, hindi. Hindi iyan ang ibig kong sabihin." natatawa pa niyang sabi dahil lahat ng tao rito ay tumingin sa aking gawi matapos ng kanyang sinabi.

Tumikhim muna siya bago nagsalitang muli, "isang binibining katabi ko ngayon sa hapag ang may kaparehong katangian ng napupusuan ko."

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Akala ko tuloy ay ako na naman ang pagiinitan ng tukso rito. Ngunit ng tignan ko ang mga reaksyon nila ay tila ba'y dismayado sa narinig na paliwanag ni Luisito.

"Bakit hindi na lang po si binibining Cristina ang iyong magustuhan? Total, pareho naman sila ng ugali." makahulugang tanong ng isang may edad na lalake.

Natahimik si Luisito bigla at ako rin ay napahinto sa pagsubo ng pagkain. Naguumapaw ang tensyon sa kubo kahit simple lang naman ang kaniyang tanong. Kumurap lamang ako ng ilang beses at nagsalita.

"Tama na po iyan. Masyado niyo pong pinupuwersa si Luisito na ibunyag ang binibining binabanggit niya." tumungo na lamang ako pagkatapos nun.

Hindi nagtagal ay bumalik na rin sila upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Naiwan tuloy kami rito ni Luisito upang ligpitin ang mga pinagkainan namin. Naiilang na tuloy akong makipagusap sa kanya simula ng nangyari.

Bakit naman ako maiilang? Ako ba yung napupusuan niya? Eh hindi naman diba?

"Naiilang kana tuloy sa akin dahil dun sa pinaguusapan nila kanina." biglaang sabi ni Luisito.

Lumingon ako sa kanya kasabay ng pagiling ko.

"Hindi ah. Pinakiramdaman ko lang ang mga tao kanina. Kung hindi mo iyon pinaliwanag ay baka ako na ang tuksuhin nila dun." natatawa na ako sa aking pinagsasabi.

Isinawalang bahala nalang ni Luisito iyon at nagpatuloy na lamang. Alam kong nabahahala siya sa mararamdaman ko ngunit hindi naman ako ang tinutukoy niya kanina kaya hindi na siya dapat mangamba.

Ako narin ang naghugas ng mga pinggan habang nililinisan naman ni Luisito ang lamesa kanina.

Matapos ang mga gawain ay lumabas ako sandali at nadatnan ko si Luisito na nagmamasid sa tanawin. Kung ako rin naman siguro ay mananakawan ng tingin sa lugar na ito.

Tumabi ako sa kanya kasabay ng panonood ng mga trabahador.

"Kung papipiliin ako ng lugar na babalikan, matatagpuan ko parin ang sarili ko sa bayang ito." sabay lingon ko sa kanya.

Ngumiti siya sa aking gawi, "anong masasabi mo kung ika'y aking liligawan, binibini?"

Nabigla ako sa kanyang sinabi at napatulala na lamang.

Nauubusan na ako ng salita! Ano ang sasabihin ko?

Sasagutin ko ba siya ng "OO"?

O magdadahilan na naman ako tungkol sa nakaraan?

"Huwag mo sanang madaliin na sagutan iyang tanong ko. Marunong naman akong maghintay, Cristina."

Hudyat nun ay ang pagtalikod niya sa akin at lumakad na papunta sa mga trabahador upang suriin ang kanilang ginagawa.

Habang ang isipan ko'y naglalakbay at hinahanapan ng kasagutan ang mga katanungan ko sa buhay.

Wala naman akong rason upang ayawan ang alok ni Luisito sa akin na manligaw. Isa siya sa mga makikisig na binata sa aming bayan at kahit na sinong binibini ay magkakagusto sa kaniya.

Ngunit bakit pa ako nagaalinlangang sagutin yun?

Hindi paba sapat ang pagtitiwala ko sa kanya na hindi siya kagaya ni Crisostomo na sasaktan lamang ako?

"Mukhang malalim ang iniisip natin diyan, binibini." pukaw ni mang Kaloy sa akin.

Hindi ko tuloy namalayan ang kaniyang presensiya sa aking tabi.

Lumingon ako sa kanya, "hindi naman po ganun kalalim. Makakaahon pa ako nito." tipid akong ngumiti sa kanya.

Bumuntong hininga na lamang si mang Kaloy, "alam naming may lihim na pagtingin saiyo si ginoong Luisito at alam rin namin na hindi ka pa handa pumasok ulit sa isang relasyon. Pero sana'y bigyan mo ng pagkakataong ipakita niya ang mga bagay na nais niyang ipadama saiyo. Wala namang masama ang tumanggap ng ligaw, hindi ba?" iniwan narin ako ni mang Kaloy matapos niyang sabihin iyon.

Akala ko'y masasagutan ko na ang mga tanong na bumabagabag sa akin ngunit mas lalo pa akong nalilito sa nangyayari.

Ganoon naba ang pagkaayaw ko sa mga lalake na sa kadahilanang tinatanggihan ko na sila?

Natapos ang araw na iyon na lutang ang aking isipan. Lumilipad sa kung saang parte ng bansa. Nanaisin ko mang maging okupado ang aking isipan tungkol dito sa sakahan ngunit hindi ko magawa.

Lumipas ang mga ilang araw na ganito ang estado ng aking pagiisip kaya napagpasyahan kong magpahinga muna sa bahay.

Bumangon muna ako saglit at bumaba upang kumain ng agahan na inihanda ni mang Kaloy nang makita kong si Luisito mismo ang nagaasikaso nito. Dadalhin na sana niya ang trey ng pagkain patungo sa aking silid ngunit nakita niya ako sa may hagdanan.

"Nandito ka na pala, Cristina. Maayos naba ang pakiramdam mo?" inilapag niya muna ito tsaka niya ako inalalayan pababa.

"Mukhang makakasama ko na kayo bukas." tipid akong ngumiti sa kanya sabay upo ng hinilang silya para sa akin.

Umupo muna siya, "hindi narin ako pupunta roon upang may makasama ka rito. Kain na tayo." pagaanyaya niya sa akin.

Tumango lamang ako.

Napapansin ko narin na lagi siyang nandito tuwing umaga upang saluhan ako magagahan. Mga simpleng bagay na ikinatuwa ko.

Pagkatapos naming magagahan ay siya na mismo ang naghugas ng mga pinggan at ako nama'y nakaupo sa may beranda habang sumisimsim ng tsaa. Hindi nagtagal ay tumabi narin si Luisito sa akin na may dala ring inumin.

"Ang ganda ng umaga pag ika'y umiinom ng tsaa," lumingon muna siya sa akin bago nagsalitang muli, "sabi iyon ng aking lolo."

Katahimikan ang lumukob sa amin ng matapos ang kanyang pagsasalita. May bumabara sa aking lalamunan upang sabihin sa kanya na tinatanggap ko na ang kaniyang alok.

Hindi paba ako handa?

"May sasabihin ka yata, binibini." tumigil siya sa paginom at tumitig sa aking mga mata. "napapansin kong lagi kang tulala, lumalakbay sa kung saan ang iyong isipan at lingid na saiyong kaalaman ang iyong ginagawa. Ayos ka lang ba talaga Cristina?" makikita mo talaga ang pagkabahala na nakasulat sa kanyang mukha.

"Kung tungkol man ito sa aking alok, kalimutan mo nalang iyon. Baka iyan ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Sana'y hindi nalang ako nagtanong pa." dagdag na sabi niya sa akin.

Sumisikip ang dibdib ko ng sabihin niya iyon. Hindi ko nais ipahiwatig na pagsisisihan niya iyong mga sinabi niya sa akin.

Bigla na lamang siyang tumayo, "mauna na ako sa'yo Cristina. Mukhang kailangan mong magpahinga.." ngunit bago paman siya tumalikod ay pinigilan ko siya gamit ng paghawak sa kanyang braso.

Buong-buo na ang desisyon ko...

Lumingon muna siya sa akin na may nangungusap na titig bago ako nagsalita...

"Tinatanggap ko na ang iyong alok... Maaari mo na akong ligawan ng pormal..."

----------

:>>>>>>>>>>

Paalam [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon