Kabanata 4

7 4 0
                                    

Hindi ko magawang ikubli ang aking nanumbalik na pagkagusto kay Crisostomo matapos ang pangyayari. Nandoon lang naman siya nung ako'y hindi na kayang maging buo pa dahil durog na durog na. Hindi ko lubos maisip kung paano nila nagawa sa akin iyon nang patalikod.

Humagulgol parin ako sa kakaiyak ngunit inalo lamang ako ni Crisostomo hanggang sa ako'y nakatulog. Ang bigat ng aking mga talukap sa mata dahilan kung bakit nahihirapan akong imulat iyon. Ilang balde ba ang aking niluha kagabi upang ito'y mamaga na?

Hindi ko na lubos pang inalala ang kagabi dahil bumukas na ang pintuan sa aking silid at iniluwa doon si Crisostomo. Totoo nga! Hindi nga iyon isang panaginip!

"Magandang umaga, binibining Cristina." bati niya sa akin. Nandoon pa rin ang sigla sa kanyang mga ngiti kapag siya'y ngumingiti sa akin.

"Nais ko man pasiglain lalo ang iyong mga ngiti ngunit hindi ko magawa sa ngayon. Iniwan lang naman ako nang isang lalakeng akala ko'y magiging kabiyak ko sa panghabambuhay at dinagdagan pa ng isang taong bigla na lamang dumating nang halos ilang taon ng lumipas. Kaya paumanhin ngunit hindi maganda ang aking umaga, ginoo." pagdadahilan ko sa kanya. Totoo naman talaga. Hindi maganda ang aking umaga dahil na rin sa aking nasaksihan kagabi.

"Naiintindihan ko iyon, binibini ngunit kailangan mo paring kumain ngayong umaga. Makakasama saiyong kalusugan." inilapag niya ang bandeha na puno ng pagkain sa lamesa. Tinakam ako ng saglit dahil kagabi pa walang laman ang tiyan ko at napakaestupida ko talaga dahil hinayaan ko ang aking sarili na malunod sa aking mga luha.

"Maraming salamat, ginoo. Magbibihis muna ako bago ako kumain." tumayo na ako't pumunta ng banyo upang maligo. Halos kalahating oras akong naligo dahil yun naman talaga yung nakasanayang oras ko sa pagliligo. Pagkatapos nun ay kumain na ako na siyang nakahanda sa lamesa. Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Crisostomo na may binabasang libro sa medisina.

"Nag-aaral ka parin ba?" tanong ko sa kanya pagkababa ko sa hagdan.

"Oo ngunit isang taon na lamang at magtatapos na ako sa aking kurso." sagot niya sa akin.

"Kung gayon ay babalik ka ulit?"

"Oo pero hindi pa sa ngayon. Binigyan nila ako ng isang buwang bakasyon dahil na rin sa hindi ako nakabalik dito ng ilang taon."

Ganoon ba? Kahit ako'y nagagalak sa kanyang balita.

"Uuwi ka naba?" tanong niya sakin.

Oo nga pala. Itinakwil na ako ni ama.

"Wala na akong pupuntahan pa. Simula nang napagdesisyonan kong lumayas ng bahay at magtanan kami ni Julio ay itinakwil na rin ako ni ama."

"Sinabi man niya sa iyo ang mga salitang iyan, alam ko na hindi ka niya kayang itakwil nang basta-basta lang. Anak ka niya, Cristina. Hindi niya matitiis ang kanyang kaisa-isang anak."

"Paano, Crisostomo? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila ni inay? Wala man lang akong nagawang tama sa pamilya namin. Isa akong hamak na pagkakamali." nanunubig na ang aking mga mata dulot narin sa mga salitang totoo galing sa aking puso.

"May paraan para diyan Cristina."

"Anong paraan?"

"Haharapin natin sila. Tayo, ang haharap sa kanila."

Napanganga ako sa kanyang sinabi. Hindi nga! Alam kong gusto siya ni ama ngunit biglaan naman itong gusto niyang mangyari.

"Maganda ang iyong suhestiyon ginoo ngunit hindi kaya mas mabigla lalo si ama dahil diyan?"

Hindi talaga maaari. Baka mas lalong magalit si ama sa akin at itakwil lamang niya ako ng lubusan. Ayokong sirain ang natitirang pagkakataon na ako'y makabawi sa aking mga pagkakamali.

"Hindi naman ako magpapakilala bilang nobyo mo Cristina. Ihahatid lamang kita at sabihin sa iyong mga magulang ang nangyari sa iyo. Hindi mo ba susulatan ang iyong ina kung nasaan ka ngayon? Tiyak na siya'y alalang-alala na saiyo."

Oo nga! Ang aking inay! Ang habilin ko pa naman sa kanya'y susulatan ko siya araw-araw upang hindi na siya mag-alala pa.

"Oo nga. May pluma ka ba diyan at papel na aking susulatan?"

"Meron naman. Diyan sa may lamesa ko katabi ng aparador."

"Salamat."

Kumuha na ako ng panulat at papel rin upang ako'y makapagsimula.

Matapos kong sumulat ay pumunta kami sa tanggapan ng koreo upang ipadala ang aking sulat. Dumaan ang ilang oras simula ng kami'y nakauwi galing sa tanggapan ay tahimik pa rin kami dito sa sala ni Crisostomo. Hindi ko mahanap ang mga salitang nais kong sabihin dahil baka maistorbo ko siya sa kanyang pag-aaral.

"May sasabihin ka ba binibini? Tila may nais na sasabihin ang iyong mga sulyap sa akin."

"Hindi naman iyon ganoon kaimportante. Ipagpatuloy mo nalang ang iyong pagbabasa."

"Ganoon ba? Kung sakaling mahuli ko muli ang iyong mga sulyap, pipilitin kong isarado itong librong hawak ko at pag-usapan natin ang mga bagay na bumabagabag saiyo." mahabang sabi niya.

Doon ko nalang naisipang maging matapang at tinahak ang silid sa itaas. Hindi ko yata kakayanin ang mga tanong ni Crisostomo sa sandaling ito. Purong mga personal na tanong ang tila nababasa ko sa kanyang mga mata. Pagkasarado ko ng pinto ay pabagsak na humiga ako sa kama at ilang sandali lang ay bumigat ang talukap sa aking mga mata at kinain na ang aking paningin sa kadiliman.

Nagising lamang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa sala. Dahil sa aking kuryusidad ay lumabas ako ng aking silid upang tingnan ang ingay na nagmumula sa may baba. Kinakabahan man ako kung anong klaseng tunog iyong nililikha ngunit pilit kong pinatatag ang aking sarili at harapin iyon.

Akala ko'y pagbaba ko ay may isang halimaw o kasindak-sindak na nilalang ngunit mga taong sugatan lamang ang bumungad sa aking mga mata. Tila napansin nila ang aking presensiya dahil halos lahat ng mga mata'y sa akin na nakatutok. Kinalabit ng isang lalake si Crisostomo habang siya'y gumagamot at lumingon sa aking gawi.

"Oh Cristina, gising ka na pala. Mauna ka nang kumain roon sa kusina dahil may ginagamot pa ako rito." sabi niya sa akin na hindi man lang ako tinatapunan ng mga sulyap.

"Mamaya na lang. Hindi pa ako gutom. Hihintayin na lamang kitang matapos." hudyat ng aking salita ay ang mga malalakas na tudyo ng mga tao sa amin.

"Hindi mo pala sinabi sa amin Crisostomo na may binabahay ka na pala." sabi ng isang lalake na nakadyaket.

"Oo nga at di mo rin sinabi na siya'y may kakaibang ganda." tukso ng isang matandang babae.

"Nobya mo? O asawa?" tanong ng isa. Gaya nun ay marami narin ang nagtanong tungkol sa aming dalawa ni Crisostomo.

Naiilang ako sa kanilang mga tukso sa amin at tinahak ko na lamang ang kusina upang ako'y magkape. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay narinig ko ang sagot ni Crisostomo sa kanilang mga tanong.

"Magiging nobya ko rin siya sa lalong madaling panahon. Hindi lang muna sa ngayon dahil siya'y gutom pa."

-----------

:>>>>>>>

Paalam [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon