"KAHIT NA nagmumukhang tanga..." pag-awit ni Megan. May kasama pa iyong pagsinghot dahil hindi siya matigil sa pag-iyak. She just her boyfriend with another girl. Tinatawagan niya si Jake, magpapasundo sana siya sa trabaho dahil mahirap mag-commute kapag rush hour ngunit hindi ito sumasagot.
Imbes na umuwi ay nagtungo muna si Meg sa pinakalamapit na mall sa opisinang pinagtatrabahuhan. Magpapalipas muna sana siya ng oras dahil ayaw niyang makipagsiksikan sa jeep at sana pala ay hindi niya na lang iyon ginawa dahil habang papasok siya sa isang bookstore ay nakita naman niya ang nobyo na nasa restaurant na katabi ng bookstore at may kasama pang ibang babae.
Ang nangyari ay hindi na talaga nakauwi si Meg dahil natagpuan niya ang mga paang patungo sa isang KTV bar, umupa ng kwarto para magwala ng mag-isa. "K-kahit na sinasaktan ako, umiiyak ako, heto pa rin ako, halos baliw sa'yo..."
"Hello, Meg? Puwede bang patayin mo muna iyang kinakanta mo?"
Napaigtad si Meg, nakalimutan niyang nakadikit sa isang tainga niya ang cellphone. "Bakit ka ba kasi tumawag?" inis na tanong niya sa best friend na si Daniel. Pasigaw iyon dahil hindi sila magkarinigan ng maayos.
"Ikaw ang tumawag sa'kin," inis nitong sagot. "Nagmamaneho ako 'tapos tatawagan mo ako para kantahan? Sinabi ko na sa'yo, dati pa, wala kang future sa pagkanta. Tigilan mo na 'yan."
"Ako ang tumawag sa'yo?" nagtataka naman niyang tanong.
"Lasing ka na naman," anito saka nagbuntong-hininga. "Nasaan ka ba?" Sinabi ni Meg kay Daniel ang eksaktong lokasyon niya. "Hintayin mo ako diyan."
Tumango si Meg kahit hindi naman siya nakikita ni Daniel. Pinutol na rin niya agad ang linya at binalikan ang theme song ng buhay niya sa nakalipas na dalawang taon. Dalawang taon na niyang kasintahan si Jake. Masaya naman noong una pero nagkagulo nang magsimula na itong mambabae.
At sa lahat ng pagkakataong iyon ay pinatawad niya ito. Jake was her first love and she wanted him to be the last. Maraming nagsasabi sa kanyang baliw siya, tanga, loka-loka. Mahal niya, eh. High school pa lang sila ay crush niya na ito. Hindi siya pansinin noon sa school kaya hanggang tingin lang siya kay Jake. Ngunit makalipas ang halos sampung taon ay muling nagtagpo ang mga landas nila. Doon na nagsimula ang lahat. Ilang buwan siya nitong niligawan bago niya ito sinagot.
Pakiramdam ni Meg ay nasa fairytale sila. Everything was bright and wonderful. Hindi niya akalaing darating sa puntong masasaktan siya ng ganoon. Ang iniisip na lang niya, ang importante ay sa kanya pa rin bumabalik si Jake. Siya lang ang nobyang kilala ng pamilya nito. Naniniwala siyang kapag nagpakasal sila ay magbabago rin ang lalaki. Ninanamnam lang nito ang pagiging binata. Pinangakuan na siya nito ng kasal kaya nga pumayag na siyang mag-ano sila. He even gave her a ring. Hindi man pormal ang proposal, masayang-masaya na si Meg. Ang sabi ni Jake ay mag-iipon lang daw ito. Ayaw daw kasi nitong makipisan sa pamilya nito kapag kasal na sila.
Makalipas ang ilang kanta ay dumating din si Daniel. Nginitian niya ito kahit na nais niyang lalong umiyak nang makita ito. Dumating na ang kanyang kakampi. Marami silang pinagtataluhan, unang-una na roon si Jake, pero kahit kailan ay hindi siya iniwan o pinabayaan nito.
"Ano na naman ang nangyari?" tanong ni Daniel bago naupo sa tabi niya.
Imbes na sumagot ay inabutan niya ito ng isang bote ng beer. Tinanggap nito iyon. "Pasensya ka na, naistorbo na naman kita," aniya rito.
"Hindi ka pa ba sanay?" pabalang nitong tanong. "Ako kasi, sanay na, eh."
Inirapan niya ito bago tumungga ng beer. "Hindi naman kita pinilit na pumunta rito, 'diba? Ikaw ang nagkusa," inis na niyang tugon.
BINABASA MO ANG
THE PRESENT: My Unfair Lady
RomanceSa sobrang pagmamahal ni Meg sa nobyong si Jake ay ibinigay niya ang lahat dito. Handa siyang magpakamartir, magpakatanga at magbulag-bulagan. Ganoon siya katanga pagdating sa lalaki. Hanggang isang araw ay nabuntis siya nito ngunit bago pa niya iyo...