Chapter 8

653 34 0
                                    

"ANO'NG ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Meg nang mapagbuksan ng pinto si Jake. "Paano mo nalamang dito ako nakatira?"

"Hindi na importante iyon. May kailangan tayong pag-usapan," seryosong sabi nito saka pumasok sa loob ng bahay kahit hindi naman niya pinatutuloy.

"Jake, umalis ka na rito," pilit niyang pagtataboy sa lalaki ngunit hindi siya sinunod.

"Hindi ako pinatulog nang sinabi mo sa'king pitong buwan na ang tiyan mo samantalang anim na buwan pa lang tayong hindi nagkikita. Not unless tayo pa ay may relasyon na kayo ng best friend mo," dire-diretsong wika nito.

Kumulo agad ang dugo ni Meg. "Huwag mo akong pagbintangan ng mga bagay na ikaw ang gumagawa!"

"Iyon na nga ang ibig kong sabihin. Hindi ka ganoong klase ng babae kaya alam kong ako ang ama ng batang dinadala mo," anito, mas kalmante na.

Hindi nakasagot si Meg. Kasalanan niya, nagpadala siya sa damdamin. "Jake, please naman. May asawa na ako at siya ang ama ng anak ko. Tigilan mo na 'to. Umalis ka na."

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang totoo!"

"Oo na, sige na! Ngayon, umalis ka na!"

"Anak ko ang batang 'yan pagkatapos ay naisip mong magpakasal sa iba? Anong kalokohan 'to, Megan?" tanong ni Jake. Nangangalit ang mga bagang nito. Ang kapal ng mukhang magalit pagkatapos ng lahat ng ginawa sa kanya.

"Kalokohan? Magagawa ko ba 'to kung nandito ka, ha? Gagawin ko ba 'to kung hindi mi ako iniwan?" sumbat niya rito.

"Kung sinabi mo agad sa'kin, hindi aabot sa ganito!"

"Kung sinabi ko sa'yo? Iyong hindi mo nga alam na buntis ako, iniwan mo ako, eh!" Sa sobrang galit ni Meg ay naiyak na siya. "Pagkatapos ngayon ay parang kasalanan ko kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon?"

Nakita niya ang paglambot ng ekspresyon ng mukha ni Jake. Lumapit ito sa kanya at sinapo ang mga pisngi niya. Pinunasan nito ng hinlalaki ang mga luha roon. "Ayusin natin, 'to, Meg. Hindi mo mahal si Daniel at hindi rin naman siya ang ama ng anak mo. Sa pagkakataong ito, hindi na ako magkakamali. Pangako."

Imbes na sumagot ay umiyak na lang si Meg. Nanghihina siya. Gusto niyang itulak si Jake at singhalan pa ito, sumbatan, ngunit bigla siyang nahilo.

At talagang parang sinusubok siya ng panahon dahil biglang bumukas ang pinto, iniluwa niyon si Daniel. Nakatingin ito sa kanila ni Jake at wala siyang mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Walang salitang naglakad ito patungo sa hagdan at saka pumanhik. "Jake, umalis ka na," pabulong niyang wika.

"Pero, Meg..."

"Umalis ka na! Saka na tayo mag-usap."

"Kapag hindi ka nakipagkita sa'kin bukas, pupuntahan ko ang mga magulang mo at sasabihin ko sa kanila ang totoo," pananakot pa ng walanghiya.

"Umalis ka na!"

Nang umalis si Jake ay nagmamadaling umakyat si Meg para sundan si Daniel kasehadong nahihilo siya at mabigat ang kanyang tiyan. Kailangan niyang magpaliwanag. "Dan..." tawag niya rito kasabay ng pagpihit ng seradura.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nag-e-empake ng damit si Daniel. "Daniel, ano 'to?"

"Kailangan natin 'to," matipid nitong sagot. Nilapitan niya ito. Parang lalo na siyang nanghina.

"Hindi mo kailangang umalis. Magpapaliwanag ako," pigil niya rito.

"Kailangan pa ba? Nakita ko naman, ramdam ko naman. After all, ako lang naman ang may gusto nito simula umpisa. Sinabi ko rin sa'yo dati, kapag hindi mo talaga kaya, pakakawalan kita."

THE PRESENT: My Unfair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon