5. Untied my feet asshole!

2 1 0
                                    

Bree Kane POV

Class 4B

Nagdidiscuss pa rin hanggang ngayon si Prof. Gacceno ng Math subject namin. Masyadong mahirap intindihin kaya naman kailangan talagang ifocus ang lahat ng atensyon ko. Pero hindi nangyayari yun dahil sa iba nafofocus ang lahat ng atensyon ko. Pusang gala naman aba? Hindi ba talaga titigil ang lalaking to sa katititig sakin?

"All right everybody! Take 10 minutes off at dadaretso na tayo sa chemistry." Paliwanag ni Prof. Gacceno at naupo sa desk sa harapan. Nagsimula na itong magsulat at ituon lahat doon ang atensyon nya.

Nagulat naman ako ng biglaan ang pagtayo ni Elton at dumaretso sa upuan sa harapan ko kung saan nakaupo si Tob Serrano. Ano na namang balak ng isang to?

Napanganga ako ng bigla nitong kwelyuhan si Tob at sigawan ng malakas.

"GET LOSt!" Sigaw niya.

Halata naman na takot na takot na tumingin sa kanya si Tob at nanginginig pa habang nakatingin dito.

"Simula ngayon, dyan na ang magiging upuan ko. You understand?" Maangas na pagkakasabi niya. Saka patulak na binitawan ito.

"P-pero..." Magsasalita pa sana si Tob ng bigla siyang tinignan ni Elton ng sobrang talim. Napalingon naman ako bigla sa isang lalake ng tumayo ito at lumapit sa pwesto ni Elton.

"Let me take care of it, Rejji." Suggestion nito.

Teka? Sino naman ang isang to? Kaibigan nya rin ba? Earing squad rin? Pero wala naman syang hikaw sa mukha diba. so hindi? Ayy.. ewan!

Matangkad ito at sobrang angas ng itsura kaya naman masyadong nakakatakot pagmasdan. Para kasing mangangain kung tumingin eh. Naka cap na black ito at naka uniform rin. Isa rin pala sya sa kaklase ko.

Parang si flash ito na hinawakan sa dalawang balikat si Tob at dali-daling pinunta at pina-upo sa pwesto ni Elton kanina.

Ako naman itong walang masabi say ginawa nya. Kita ko naman sa mukha ni Tob ang pagkailang sa lalaki.

"Your seat, Rejji." Nakatungong saad pa nito. Parang isang Royal Highness lang ha? Masyado naman yata pabida ang cross earing na to? Para kasing namamangha pa sa kanya ang mga kaklase namin eh. Lalo na yung mga babae. Tsk!

Parang haring umupo ito sa trono nya at biglang humarap patalikod kung nasaan ako. " Glad to meet you, Bree." Nakangiting saad nito.

Napatitig ako sa kanya.

What is he trying to do?

___

Sa buong klase ay sa akin lang talaga sya nakatingin. Bukod sa nakakailang ay nakakabastos na rin ang ginagawa nya. Ano bang problema ng taong to? Hindi ko na lamang siya pinansin pa at tumingin na lang ulit sa harapan pero ang loko. Hindi talaga ako tinatantanan! Nasa unahan ko sya kaya kitang kita ko ang nakangiti at nakakaasar nyang pagmumukha.

Hayzzz!

Titig na titig pa rin sya.

After break time...

Patalikod na nakalingon sya sakin habang titig na titig. Ako naman ito, dedma lang..

Middle class...

Yun na naman. Tsk! Bala ka dyan!

While in class...

Bigla siyang sumigaw ng malakas. "Mister! Hindi ko po nadala ang book English ko! Makiki-share nalang ako sa kaklase ko sa likod." Paliwanag nya.  Napatango na lang si Prof. Gacceno kahit na nagtataka.

Tumayo naman bigla si Elton at paharap na naupo sa desk ko. Para na tuloy kaming nasa Canteen na magkaharapan ang pwesto.

Magkaharap na kaming dalawa ngayon kaya naman malaya na nyang napagmamasdan ng malapitan ang mukha ko. Ako naman itong walang karea-reaksyon na nakaupo sa harapan nya ngayon.

Nagsimula ng kumulo ang dugo ko dahil sa asar. Loko to ahh? Pinagti-tripan nya ba talaga ako?

Nagngitngit ang ngipin ko. "I-ikaw..."

*Pok!*

Nabatukan ko sya ng wala sa oras dahil sa inis. "ANO BANG PROBLEMA MO! TAPOS KA NA BA SA KATITITIG MO SAKIN HA!!" Sigaw ko.

"Mr. Collins! Pwede mo bang i-share sa klase na to kung anong mga sinasabi mo dyan!!" Galit na tanong ng teacher kong panot.

Napalingon sa akin lahat ng estudyante at parang mga natatawa na ewan. Ako naman itong napatungo dahil sa hiya.

"Wala po ito Sir. Hindi na ho mauulit." Paghingi ng paumanhin ko dito.

Sh*t! Nakakhiya! At kasalanan to ng Elton na to.

Tinuloy na lang muli nito Ang pagtuturo at nagsalita "Seat down and be quiet now, understand?!" Istriktong saad nito.

"Yes Sir." Umupo na ako at napatingin sa lalaking tawa ng tawa ng walang sounds. Lokong to! Parang tanga. Hinahaplos rin nito ang ulo nyang binatukan ko kanina. Buti nga.

"Your so harsh, you know that?' tanong nya sakin sabay hila sa kwelyo ko para maging dalahin upang mapalapit ng husto ang mukha ko sa kanya.

F*ck!

My heart!

"You. Just watch my face." Mahinang bulong nya habang lalo pang inilapit ang mukha nya sakin. Napapikit na lang ako ng maamoy ko ang mabango nitong hininga. It's smell's like a mint. "This man in front of you will watch you forever, Bree..." Bulong na naman nya na kami lang dalawa ang nakakarinig.

Napatingin naman ako sa kanya at napasimangot.

"Asshole" bulong ko pabalik sa kanya. Ngumiti lang ito na parang hindi apektado sa narinig kaya naman binigla ko na lang ang pagtungo dahil sa inis. Tsk! Asar.

"Wag mo nga akong pakealaman! And don't disturb my sleep!" Pabulong na sigaw ko habang nakatungo. Hindi ko na narinig pa ang boses nya kaya naman napahinga ako ng maluwag.

Nakakaasar talaga!

Pumikit na lang ako sandali para naman makapagpahinga ang isip ko.

Zzzzzz    - o -

____

"Prrttt!!"

"Hihihihihi!"

May naririnig akong bumubulong kaya naman parang nagising nalang bigla ang diwa ko. Pero ayoko pang imulat ang mga mata ko. Kaya bala sya dyan kung anuman ang ginagawa nyang kalokohan sa buhay nya.

Sarap ng tulog ko eh...

"Yung natutulog dyan sa likod. Answer the questions!" Biglang sigaw ng kung sino.

"BREE, GET UP!!" Gatong pa nong lalaking humahagikgik kanina pa.

Bigla naman akong napatayo ng sobrang bilis para lang mabigla dahil hindi ko maigalaw ang isang paa ko kaya naman di sinasadyang madulas ako papasalubong sa desk ko. Nasaktan ang tyan ko dahil nadali ito sa dulo ng desk. F*ck! Sakit nun ahh!

"HHAHAHHAH!!!" Ligayang ligayang tumawa ang loko-loko. Hindi kaya nakakatawa ang ginawa nya!

"ELTON! ANO BANG TRIP MO SA BUHAY HA!?" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"Hahahhhahh!!" Tawa nya.

"UNTIE ME! YOU IDIOT!!"

"HAHAHHAH!! "

Tawa pa more... Grrrrrrr..

"REJJI AND BREE!! Copy the textbooks 10 times after School before you go home!!" Galit na sigaw ni Mr. Alfonzo. Ang aming chemistry teacher.

"Sh*t." bulong ko.

"Yes Sir!" Masigla pang sabi ng loko-loko. At nang-aasar pa na tumingin sa akin.

Abno talaga!

Nick's❤️
Please vote po.
Thanks for reading😘

TIE MY HANDS (bxb story)Where stories live. Discover now