4. he made me blush

1 0 0
                                    

Bree Kane POV

Class 4B

Teka? Bakit ba ako umiiwas ng tingin sa kanya? Hindi na naman nya ako naaalala ngayon so wala na akong dapat pang ipag-alala na baka sisihin nya ako sa nangyari noong mga bata pa kami. Isa pa, sigurado namang wala na syang pakealam pa sa akin at sa nakaraan namin.

Napabuntong hininga nalang ako at nakinig nalang kay Prof. Gacceno na nagtuturo ng Math sa unahan.

Discuss...

Discuss...

Pero habang tumatagal ang klase pakiramdam ko na parang may nakatitig sa akin mula sa kaliwa kaya naman naiilang ako at pinagpapawisan na rin. Tsk! Sino ba yun? Nang sinilip ko kung sino yung nakatingin sakin ay nagulat ako ng mukha ni Elton ang bumungad sakin. Nakapangalumbaba pa ito na parang pinapanood talaga ako.

Ano bang problema ng isang to? Ito na ba ang pagsisimula ng pangbubully ng mga earing squad sakin? Ang pang-aasar?

Hindi ko na lang sya pinansin pa at mas pinokus pa lalo ang lahat ng atensyon sa pagtuturo ng panot na naming prof. Naiilang pa rin ako habang nakaharap sa harapan kaya alam ko na nakatingin pa rin siya sakin hanggang ngayon. Push*t naman aba! Nang-aasar talaga sya eh no?

Kahit na nakakaramdam na ng kaba sa klase ng pagtingin nya ay hindi ko pa rin siya pinansin. Bala sya dyan sa buhay nya. Nababakla na yata sya sakin eh. Tsk!

Pero habang tumatagal ganun na naman. Sinisilip silip ko sya gamit ang peripheral vision ko at hayun na naman sya at titig na titig na naman sa akin. Hayzzz... Natatakot na ko no! Ang creepy kaya.

Ugh! Clam down Bree. Don't panic!

He must have forgotten me... So I'm going to behave a little naturally...

Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang may bumato ng lukot na papel sa desk ko mismo. Pagharap ko sa kaliwa nakita ko si Elton na tinuturo ang notebook nya sa desk nya at may binubulong.

"Bukas mo" bulong nya.

Kahit na nagtataka sa mga kinikilos nya ay kinuha ko pa rin ang papel at binuksan ito.

Why are you looking at me?

Napatulala ako sa inis at pabatong ibinalik ang lukot na papel sa mukha nyang nakangisi. Tumama naman ito sa noo nya kaya naman natawa ako sa isip ko. Nakita ko naman ang biglang pagsimangot nito dahil sa ginawa ko.

Nagpangalumbaba na lang ako at humarap sa bintana at hindi na sya ulit pinansin.

___

Flashback

Underground castle...

*Collins house*

Makikita si Elton at si Kane na nakadapa sa isang malaking kama sa ibaba ng Mansyon ng mga Collins. Marahan lang na nakatitig si Kane kay Elton na naiilang na nagbabasa dahil sa mga tinging ipinupukol sa kanya ng kaibigang si Kane. Hindi nya alam kung bakit naiilang sya ng ganoon sa mga titig nito sa kanya.

"Why do you keep looking at me?" Marahang tanong nya kay Kane at nagtatakang nilingon ito.

Bigla itong ngumiti ng sobrang luwang.

"Because you're the most handsome boy I met, Elton." Namamanghang saad nito sa kanya. Namula naman ang pisngi at taenga niya dahil sa hiya. Masaya sya dahil sa mga papuri nito sa kanya.

"Y-you are---..." Bulong ni Elton pero hindi masyadong narinig ni Kane.

"Ano?" Nagtatakang tanong nito.

"Y-you are also handsome K-kane..." Nahihiyang bulong nito. Lalo lamang itong namula dahil sa sinabi nya sa kaibigan.

"Elton..."

Nagulat nalang sya ng bigla na lamang syang halikan ng kaibigan na si Kane sa pisngi at ngumiti ng maluwang.

"Your so cute!"

End of flashback

___

Why can't I forget?

Kahit ang mga maliliit na pangyayari noon ay naaalala ko pa rin hanggang sa ngayon.

Ang cute na mukha ni Elton, ang kanyang chokolateng mga buhok, ang color blue nyang mga mata at ang kanyang mga ngiti at tawa habang naglalaro kaming dalawa noon na parang walang mga problema sa buhay.

"Ugh!" Mahina akong napadaing dahil sa sobrang gulat sa damuhong to. Bigla na naman kasi muli akong tinapunan nito ng lukot na papel sa ibabaw ng desk ko. Alam ng ang lalim lalim ng iniisip ko tapos gugulatin nya ko. Buti na lang at walang nakapansin samin kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Bumaling ako sa kanya at nilisikan ko ito ng mga mata dahil sa sobrang asar dito. "What's wrong with you?!!" pasigaw na bulong ko habang nakatingin pa rin ng sobrang sama sa naka-ngisi na naman nyang mukha.

Tsk!

Pero wala na lang muli akong nagawa kung hindi ang buksan ang lukot na papel at nagulat sa nabasa.

You're Blushing!

Gulat naman akong napalingon sa kanya at nakita na naman ang nakaka-asar na ngisi nito. Tsk!

Namumula ba ko? F*ck!

"Mind. Your. Own. Business!!" Pabulong na isinigaw ko nalang sa kanya sabay lingon muli sa bintana at hindi na naman sya pinansin pa.


Nick's ❤️
Please support me po.
Thanks for reading 😘

TIE MY HANDS (bxb story)Where stories live. Discover now