7. Childish Nathan

1 1 0
                                    

Nathan POV

Hallway...

Naglalakad na ko ngayon habang nag-iisip ng malalim. Bakit kanina sa classroom ay ganoon na lang kung umasta si Elton? Nabagok ba ang ulo nya at parang ibang-iba ang ugali nya ngayon? Dati naman ay lagi nya na ako ang tumatapos ng lahat ng gawain nya pero bakit mgayon... Dahil ba ito sa lalaking yun? That cute boy?

Napakunot noo ako habang naglalakad.

Gusto ni Elton na sya na ang gumawa ng lecture na iyun. Pero hindi ako sanay na umuuwi sa bahay na mag-isa lang at hindi sya kasama.

Hindi nya na ako kailangan ngayon pero marami pa namang tao ang may kailangan ng tulong ko.

Tama! Tama!

Napatango-tango na lang ako at napabaling ang tingin sa babaeng may buhat-buhat na maraming papel.

"Hey lady! It's so heavy, hayaan mong tulungan kita para dalhin ito ngayon sa office." Nagmamadaling pahayag ko at dali-daling kinuha ang dala nya at mabilis na naglakad na papuntang office ng School. Narinig ko naman ang pagsigaw nito pero hindi ko na pinansin pa dahil madami pa akong tutulungan ngayong araw.

Pagdating na pagdating ko palang sa office ay nilagay ko agad ito sa mesa doon at napalingon sa hinihingal na babae.

Tinitigan ko ito at ngumiti sa harapan nya. Nakita ko naman ang paglunok nito na parang takot na takot. What's the problem? Ahh... Baka gusto lang siguro nitong magpasalamat.

"You're welcome." Sagot ko dito at lalabas na sana ng may marinig sa babaeng yun.

"I just carried this from the office.." problemadong bulong nito. Nagtaka naman ako at napalingon kung nasaan sya kanina.

"Huh? What are you saying?" Tanong ko.

Nakita ko naman na parang nagulat ito at sunod-sunod na umiling.

"A-h.. Sabi ko, thank y-you." Sabay ngiti sakin at tumalikod.

___

Habang pasipol sipol pa akong naglalakad ay may nakita akong lalaking may saklay habang gusto yatang bumaba ng hagdan.

"Hey dude! Mahihirapan kang makababa dahil may sugat ka ngayon sa binti. Let me help you ok?" Hindi ko na sya hinintay pang magsalita at dali-dali ko itong binuhat na parang bagong kasal at mabilis na ibinaba sya hanggang sa first floor. Mataas ang 4th floor kaya naman alam kong mahihirapan sya.

Nasa pinakababa na kami ng biglang makita ko ang mukha nito na parang tinakasan ng dugo. Siguro hindi makapagsalita gawa ng pagkamangha sa ginawa ko. Nakatulala eh.

Ngumiti ako ng maluwang sa kanya at nag-thumbs up sa harapan nya. Nanginginig naman itong nag-thumbs up din sakin at lalong pumutla ang balat.

Hindi ko na hinintay pa na magpasalamat ito sakin at nagsalita na agad.

"Your welcome" sagot ko sa kanya.

"I only just got up in the 4th floor.." parang naluging bulong nito.

Nang makita nito ang mukha kong nagtataka ay dali-dali itong umiling ng umiling. "S-salamat" yun na lang ang sinabi nito bago ko sya iwan.

Ang thoughtful ko talaga!

Proud na proud pa akong lumabas at may nakitang may balak bumato ng bola sa isang lalaki doon sa basketball court.

Dali-dali naman akong kumilos at sinalo ang bola bago pa ito tumama sa lalaki.

Ayoko itong mapahamak dahil baka tamaan sya ng bola. Masyado pa namang malaki yung bola at matigas.

Nagtataka at gulat na gulat namang tumingin sa kanya yung lalaking naka-jersy shirt na nakatayo sa likod nya.

"Your welcome!" Sabay lingon ko dito. Ngumiti pa ako sa kanya at kumakaway kaway na umalis. May narinig na naman ako pero hindi ko na naman narinig.

"Who is that idiot?" Bulong pa ng lalaki.

Ano daw?

Napailing-iling na lang ako at kinikilig na napangiti. Baka siguro gusto lang na magpasalamat sakin. Bayaan na nga, next time na lang siguro kapag nagkita na ulit kaming dalawa.

Medyo tinatamad na ko sa pagiging awesome ko kaya naman napagdisesyunan ko na munang pumunta sa likod na bahagi ng School. Maganda doon dahil maraming puno at malilim. Hindi rin mainit kaya naman masarap matulog ngayon.

Hoo! I'm tired!

Ayoko muna kasing umuwi ngayon dahil wala naman akong pagsisilbihan sa bahay. Mas mabuti ng tumulong na ko habang nandito pa ko sa School. Sayang ang oras.

Marami pa namang estudyante dito sa ROA School dahil na rin siguro sa private. Haft day lang ang aral kaya maaga kaming nag-uuwian. Ngayong hapon ay napagdesisyunan ko munang maggala-gala. Mamaya na lang siguro ako uuwi. Magpapakita muna ako ngayon sa favorite na tambayan ko.

About naman kay Elton. Sya na ang naging magulang ko simula noong una nya akong makita na pagala-gala sa kalye. You're right mga bro! Sya ang pinakagwapo kong Papa. Bigla akong napasimangot sa naisip. Pero ayaw nyang marinig sakin yun kasi daw para akong may saltik. Kaya naman Rejji na lang daw ang itawag ko sa kanya. Bat kaya ayaw nya ng Papa? Ang sweet kaya. Aay bahala sya! Napaka-KJ.

Malapit na ko sa tulugan ko sa ilalim ng puno ng mangga ng may marinig ako sa bahagi ng tagong lugar na biglang sumigaw.

Dali-dali naman akong pumunta doon para lang magdilim ang paningin sa makikita.

What the!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TIE MY HANDS (bxb story)Where stories live. Discover now