Bree Kane POV
After School...
Tapos na ang klase pero nandirito pa rin kami sa classroom ni Elton. Kailangan pa kasi naming kopyahin ng sampong beses ang naging lecture namin kanina kay Mr. Alfonzo. Hayzz.. pahirap talaga tong taong to! Kasalanan nya talaga to eh. Bakit nya kasi naisipang pagtripan ang paa ko. Wala naman tong kasalanan sa kanya ahh.. Tsk!
Habang nakaupo ako sa table ko at magsisimula na sanang magsulat ay may biglang umupo at naglapag ng notebook sa desk ko. Pagtingin ko sa harapan. Iyun palang loko lokong nang-trip sakin kanina. Napabuntong hininga na lang ako at napagpasyahan ng magsimulang magsulat. Bala sya dyan. Basta ako, gusto ko na talagang umuwi ngayon.
Habang nagsusulat napatingin bigla ako sa isang lalaki ng lumapit bigla ito kay Elton. Eto iyung kaninang lalaki na ang angas angas makatingin at nagpaalis kay Tob kanina sa upuan nito.
"Rejji, Let me copy the text for you. You can go home now." Suggestion nito. Kukunin na sana nito ang notebook ng bigla na lang itong pigilan ni Elton.
"No need, Nathan. Ngayong araw na to, i'd like to do it myself. Huwag mo na kong hintayin pa maliwanag?" Sagot nya sabay baling ng tingin sakin. Nagkuwari na lang ako na walang nakita at tinuloy na ulit ang pagsusulat.
Napasulyap naman ako dun sa Nathan at nakitang nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Elton. Ano kayang problema ng taong to?
May gusto kaya sya kay Elton?
At ano namang pakealam ko doon diba? Tsk!
"Good." Saad lang nito sabay labas ng classroom.
Habang nagsusulat hindi ko maiwasang magtaka kong sino ang Nathan na yun sa buhay ni Elton. Bakit ganoon ito kung makatingin dito? Parang may ibig sabihin?
At bakit naman ako nagpapaapekto? Pakealam ko ba sa kanilang dalawa.
Hayzzz...
"Tayo nalang dalawa ang naiwan dito ngayon. It's fantastic right?" Proud na sabi nito. Napatingin naman ako bigla sa kanya dahil sa narinig.
Loko ba sya? Anong akala nya sa nangyari, nakakatuwa?
"Damn you! It's all your fault!" Sigaw ko sa kanya sabay tungo at abot ng red fabric na itinali nya sa paa ng desk at sa kaliwang paa ko.
"At sino naman ang may gustong makasama ka ngayon dito?" Tanong ko pa sa kanya. Natanggal ko na rin ang tali at tinitigan itong mabuti.
How did the cute and clever kid Elton become such a jerk and naughty idiot?
Nagulat naman ako ng bigla na lang itong kuhanin ni Elton na seryoso na ang mukha ngayon.
"What? Bakit parang natulala ka ng makita ang red fabric na to?" Tanong nya habang nakangisi.
"Do you want this unique ribbon back? My. Little. Kane?"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Ano? Tama ba ang narinig ko sa kanya?
He? Recognize? Me now?
___
Flashback
Dhraco's Garden...
Makikita si Elton na tahimik lamang na nagbabasa sa Garden ng kanilang Mansyon. Magandang magbasa doon dahil doon nya lang nararamdaman ang saya tuwing nakikita nya ang mga ibat-ibang halaman at mga bulaklak sa paligid nya.
Habang tahimik lamang siyang nagbabasa sa isang bench ay mayroon biglang nagsalita sa madamong bahagi say likod nya.
"Kumusta ka!" Tanong ng isang boses.
Biglaan naman siyang napatayo at nadulas dahilan upang padapa syang malaglag sa madamong bahagi ng Garden. "AHH!! SINONG NANDYAN?!!" Sigaw na tanong niya sa nagsalita kanina.
Mayroon namang biglang sumilip doon at nakitang isa pala itong batang lalaki na may itim na itim na buhok. Ngumiti ito sa kanya.
"Don't be afraid. Doon lang ako nakatira malapit sa inyo. I just move here." Paliwanag nito habang nakapangalumbaba pa sa itaas na bahagi ng bench. "My name is Kane." Dagdag nya pa.
"K-kane?" Nagtatakang tanong ni Elton.
Lumapit naman ito sa kanya at iniabot ang kamay na parang tutulungan sya sa pagtayo.
"Yeah! Yeah! Call me that ok?" Natatawang saad nito.
"Kane?" Ulit nito.
Natawa si Kane dahil sa kulit nito. "Nevermind... dahil mas matanda ako sayo, simula ngayon ay tatawagin mo na kong Elder brother." Nakanging paliwanag nito.
"El---- Elder Brother Kane." Mahinhin na sagot nito.
Nakita ni Kane kung paano kumunot ang noo nito at magsalubong ang dalawang kilay.
"But, how do you know your older than me?" Takang tanong ni Elton sa nakangiting si Kane.
Bigla namang napasimangot si Kane at napaisip.
"Wag mo ng isipin pa yun! Basta kailangan mo lang na tawagin ako lagi ng ganoon maliwanag?"
Napatango nalang si Elton.
"Ahm... O-ok."
End of flashback
___
He must recognize me now? But how? I thought he doesn't remember me?
Then, he just lied?
Nicks 💓
Short update...
Thanks for reading.😘
YOU ARE READING
TIE MY HANDS (bxb story)
RomantikAno ang gagawin mo kung ikaw ay hibang sa pag-ibig? that you do not want it to be touch by anyone? Na gusto mo syang angkinin ng sayo lang? itago sa iba? at mahalin? Itali ang kamay nya ng mahigpit hanggang sa sabihin nya sayo ang salitang noon mo p...