1.Tied hands (bxb)

6 1 0
                                    

Bree Kane Collins POV

Monday Morning...

"MOMMMM!!" Naaasar na sigaw ko habang bumababa ng hagdanan. Naaasar ako dahil bakit ba kailan pang mag necktie sa bagong School na papasukan ko ngayon? Nakita ko naman sa kusina si Mom na parang gulat na gulat sa inaasal ko.

"What's the matter?" Tanong nya habang hinahalo ang niluto nyang adobo.

Napasimangot ako. "Ano ba naman tong school uniform na to!? Bakit kailangan pang magsuot ang tie!!?" Sigaw ko. "I'm not transferring to that ROA University!" Dagdag ko pa. Naiiyamot na talaga ako ng sobra sobra dito sa pagsusuot ng tie na to kaya naman pinabayaan ko na lang na  hindi maayos at lukot lukot. Tsk! Pakealam ko ba? Makakapasok naman ako sa school kahit hindi maayos ang tie.

Napatingin naman ako kay Mom na wala lang kaimik imik sa harapan ng kalan. Kaya naman lalo akong naiyamot.

"This handsome here is going back to Italy!" Sigaw ko ulit. Bigla namang humarap si Mom sa akin at lumapit kung nasaan ang pwesto ko. Hinawakan nito ang tie ko at inayos iyon.

"Listen up Bree, mahirap na tayo ngayon kaya hindi na tayo katulad ng dati na nakukuha lahat ng mga luho. Wala na tayong pera para bayaran ang pag-aaral mo sa Italy. Kaya naman pumili kami ng Dad mo ng bago mong school na papasukan. It's the best private School in here in the Philippines and it's expensive too." Paliwanag nya sakin. Natapos na rin ito sa pag-aayos ng tie ko at pinagpagan ang nagusot na bahagi ng Uniform.

"At isa pa, Your Dad's still out of town. Nagtatrabaho sya sa malayo para sa ating dalawa kaya naman ay wag ka nang mareklamo pa maliwanag? at sa School mo ngayon. Be nice ok? Wag maging pasaway lagi sa klase." Pangaral pa nito.

Napasimangot naman ako sa narinig ko. "Because Dad is a loser, kaya naghihirap tayo ngayon." Bulong ko pero narinig pa rin nya.

Nakita ko naman ang pagngitngit ng ngipin ni Mom at walang pagdadalawang isip nya akong hinampas sa mukha ng tsinelas nya. Medyo nabigla ako kaya hindi agad ako nakapag-react. Napahawak tuloy ako sa mukha ko na alam kong namumula na at napatingin kay amasona. Buti na lang at manipis lang ang gamit nyang tsinelas ngayon. Kundi baka pumasok ako ngayon sa ROA University na may bulak sa ilong. Hayyzzz... Ang sakit nun ahh...

"Wala ka sa posisyon para sisihin ang ama mo! Loko kang bata ka!" Sigaw nya sa mismong harapan ko. Grabe naman tong Amazona na to! Nagbibiro lang naman eh! Tsk! Napakaseryoso masyado...

"Kung hindi ka gumawa ng kabaliwan sa mga Dhraco dati ay siguradong hindi tayo magiging mahirap ngayon!" Sigaw nya. "GO TO SCHOOL! and think about it for yourself!" Sigaw ulit nito sabay tulak sakin papalabas ng pintuan. Napaupo tuloy ako ng wala sa oras. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pintuan sa harapan ko kaya naman napahimas na lang ako ng pwet ko.

Tsk! Chakit!

Hayzz.. tumayo na ako at pinagpagan ang damit at pang-upo ko na nalibagan. Buti na lang pala at suot-suot ko na ngayon ang backpack ko kung hindi baka pag bumalik ako sa loob at kinuha iyun ay baka pingot naman ang abutin ko sa kanya. Pati hindi ko man lang natikman ang nilutong adobo ni Mom. Ginalit ko kasi eh.. hayyzzz.. bayaan na nga. Sa School na lang siguro ako kakain ng umagahan.

Lumabas nalang ako ng bahay at sumakay na sa bike ko at dali-dali nang nagpidal. Malapit lang naman yung School kaya naman eto na lang ang ginamit ko. Wala na naman kasi akong kotse na pagmamay-ari. Diba sabi nga nung amazona na poor people na kami ngayon kaya naman tiis tiis nalang.

___

ROA University

Someone's office...

Rejji Elton Dhraco POV

TIE MY HANDS (bxb story)Where stories live. Discover now