Malakas na sampal ang sumalubong sa'kin nang makalabas ako ng pinto. Halos mamanhid ang mukha ko dahil sa pwersang tumama sa mukha ko na halos umikot ang ulo ko sa likod.
Aaminin kong nasaktan ako ng sobra hindi dahil sa sakit sa sampal. Kung hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.
"Hindi ka na talaga nadala, hanggang kailan mo ba sisirain ang pangalan ko?" madiing saad nito.
Wala akong maisagot sa tanong niya dahil paniguradong makakatanggap na naman ako ng panibagong marka sa katawan.
"Bibigyan kita ng isang linggong palugit," malamig nitong saad bago ako lagpasan. Malakas pa ako nitong binuggo at aaminin kong naramdaman ko na ang sakit nun dahil bumuka na naman ata ang sugat ko.
Sobrang nagsisisi na ako sa mga kasalanang nagawa ko. Pagod na pagod na din akong harapin ang mga araw na dumaraan.
Hanggang kailan pa ba ako lalaban kung sa huli ako pa rin naman ang talunan at maghihirap sa kasalanang hindi ko naman nagawa kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Blessings (Knight series 1)
Mystery / ThrillerThe scent of flower drew a mystery feelings. An abyss she had fallen into, that bore pain, brought death, milked blood were tracing over her skin like it was made out of crystal glass. As she face the consiquences, something sinister bore down on th...