Killer thief

21 0 0
                                    

|•Killer Thief•|

Genre: Gruesome
✍️: Marg_Writes

( This story contents inhumane and gore, if you don't want to have nightmare ,skip this story and wait for my next update)

It's already 12 in the midnight ng magising ako dahil sa kalabog mula sa labas ng bahay, mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil nasa isang business party sina kuya at papa , hanggang ngayon ay Hindi pa sila nakakauwi , nakarinig ako na parang may nabasag kaya kaagad ko itong tiningnan. Mula dito sa loob ng kwarto ko nakita ko ang paglabas ng isang lalaking nakaitim sa bintana ng kapitbahay namin. I was about to take a call to warn our neighborhood ng nakita kong napatingin Ito sa direksyon ko , kaya kaagad akong nagtago sa likod ng kurtina. Kinakabahan man ay pilit kong sinilip ang labas ng bahay pero pagtingin ko ay wala na ito kaya napahinga ako ng maluwag at tumayo upang uminom ng tubig sa kusina.
Pagdating ko sa kusina ay diko na inabala pa na buksan ang ilaw dahil medyo maliwanag pa naman , kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig mula sa ref. Habang umiinom ako ay napansin ko na parang may nakamasid sakin kaya nilibot ko ang aking paningin sa buong kusina at doon ko napagtanto na bahagyang nakabukas ang maliit na bintana, napaatras ako dahil don natatandaan ko kasing nilock ko muna Ito bago ako matulog, at doon pumasok sa isipan ko ang lalaking nakaitim na nakita ko kanina.

Napaatras ulit ako ng nakaramdam ako ng takot , bigla akong pinagpawisan ng nakita ko ang isang anino ng tao na nasa pintuan ng kusina, ang mga mata nito'y nakatingin sakin nakasuot ito ng maskara , puting maskara na may bahid ng dugo?

" S-sino ka!" natatakot na tanong ko pero imbes na sagutin iyon ay sya namang paghakbang nya papalapit sa direksyon ko at doon ko napansin ang hila-hila nitong palakol . Umatras ako ng umatras habang ito naman ay papalapit sa direksyon ko. Gusto ko man na sumigaw pero hindi ko magawa, biglang nawala ang boses ko dahil sa takot.

"W-wag k-kang l-lumapit," nanginginig na usal ko pero mukang hindi ata ako narinig dahil patuloy pa din Ito sa paglapit sakin . Itinaas nya ang hawak nitong palakol at akmang ihahampas sakin ay kaagad ko itong sinipa at tumakbo palabas ng kusina, dumeritso ako paakyat sa kwarto ko saka iyon nilock ng mabuti at hinarangan ng kung ano-ano.

Nakahinga ako ng maluwag at napaupo sa kama ko na nasa gilid ng aparador, doon ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tatawag na sana ng pulis ng narinig ko ang mga kalabog mula sa labas ng kwarto ko, Sinisira nito ang pinto ng kwarto , di na ako nag-aksaya ng oras at tumawag na agad ng pulisya pero hindi iyon natuloy dahil nakaramdam ako ng matinding sakit mula sa likuran ko, unti-unti akong lumingon at doon ko napansin ang isa pang lalaki, nakasuot din sya ng itim pero ibang maskara ang gamit nito, maskara ng isang clown.

Napalayo ako sa pwesto nito at kinapa ang likuran ko at doon ko nahawakan ang malapot na dugo. Mula dito sa pwesto ko ay napansin ako ang itak na hawak nito na may bahid pa ng dugo, napaatras ako at maghanap ng pwedeng matatakasan. Tumakbo ako malapit sa bintana at pilit na binuksan iyon pero nakita kong nakapako Ito. Diko na ring maiwasan na hindi umiyak, pota bakit ?

Pilit kong binuksan ang bintana at hindi napansin ang paglapit ng lalaki sakin at lumingon ako at hahampasin na sana ako nito ng hinarang ang braso ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAH," napahiyaw ako sa sobrang sakit ng tumama ang itak nito sa braso ko, Hindi pa Ito nakuntento at pinagtataga ang bawat parte ng katawan ko, napaupo ako dahil sa sakit at pilit na hinaharangan ang bawat atake nito gamit ang mga braso ko.

Naramdaman ko ang bawat sakit ng katawan ko, sobrang sakit. Nawalan na ako ng lakas at unti-unting bumibigay ang katawan ko pero hindi parin tumigil Ito sa pagtataga sakin, hindi pa Ito nakuntento at parang baboy na pinutol ang mga braso at hita ko sa Ito itinapon sa kung saan. Di ko na makaya ang sakit at kusa na lamang pumikit ang mga mata ko at hinihintay na lamang ang kamatayan ko pero bago pa man ako mawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang pagsira ng pinto at ang usapan ng dalawang tao na naririto.

" Pa, tama na yan. Mamamatay din naman yan ih, halika na bago pa tayo maabutan ng mga pulis. " usal nito. My tears started to fall as I remember those voice.

" She should be dead, Kung hindi dahil sa kanya di sana mamatay ang mama mo kaya dapat lang Ito sa kanya " my father stated and laugh like a lunatic man.

And a memory of my past started to flashback, kaya pala ni minsan ay hindi ako pinapansin ni papa , kaya pala lagi itong nakatingin sakin ng masama, kaya pala lagi ako nitong sinisigawan, he never treat me as her daughter. They never did even my brother.

" Tara na , pa " yaya ni kuya dito.

Narinig ko ang yabag ni papa na palayo sakin habang may isang yabag pa na papalapit sakin, I try to open my eyes and i saw my brother looking at me . Lumapit Ito at bumulong.

" Sorry , bunso," ani nito bago malakas na hinampas ang ulo ko ng palakol na naging dahil ng tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Maghihiganti ako..
Babalik ako..

-------

Follow me on Fb:
@ Marg Muentorv

and join our writerhood .

@ Peculiar's Writerhood.

Don't forget to hit the vote button! Thank youuuu!

Ang Mga Dagli Ni MargaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon