❇️Our Future lies in the Past.❇️
" Kung nagawa nating pahalagahan ang kasaysayan , bakit hindi din natin pahalagahan ang ating kinabukasan?"
Matapang at seryosong wika ni Cielo sa mga kaklase namin. Lihim akong tumango, bakit nga ba natin pinapahalagahan ang bagay na matagal nang tapos? Bakit nga ba tayo mas nagfufucos sa nangyari noon kesa pagtuunan ang mga bagay ngayon? Hindi ko talaga maintindihan kong bakit.
Ngayong araw ay napagpasyahan ng class president namin na magkaroon ng Brainstorming sa aming magkaklase since wala din naman kami masyadong gagawin. Para din itong debate sa dalawang panig, yun nga lang imbis na makipag-argumento ay nagpapalitan ng mga kaalaman at sariling opinyon ang bawat panig.
Karamihan sa mga kaklase namin ay sumang-ayon sa winika nito.
"Dahil maraming bagay ang nangyari sa ating kasaysayan na hindi dapat nating ipagsawalang bahala na nalang. Sapagkat ang nangyari sa kasaysayan ay maaring may malaking epekto sa mga mangyayari sa ating hinaharap. Dapatwat, maging leksyon sana ito," sagot naman ni Nicole na syang sinang-ayunan din ng panig nila Cielo. Tahimik din akong sumang-ayon , tama sya , kung ano man ang nangyari noon ay dapat nating pagtuunan ng pansin at imbestigahan ang nangyari sa ating kasaysayan dahil minsan kung sa tingin mong tama ang nalalaman mo doon ka nagkamali. There was a big conspiracy happened before that change the entire history.
"Ang kasaysayan ay nangyari na! Wala na tayong magagawa upang baguhin ito at kahit anong pilit nating gawin hinding-hindi na ito mababago pa kahit kailan. Kaya dapat nating pagtuunan ng pansin ang hinaharap dahil may malaking posibilidad na may magagawa pa tayo. Ang hinaharap na hindi pa nangyayari at mangyayari pa lang. Ang hinaharap ng ating susunod na mga henerasyon ay nasa kamay natin . Huwag sana tayong magbulag-bulagan pa at maging tamad sa ating mga responsibilidad bilang mamamayan sa lipunan dapat sa ngayon pa lang ay gumawa na tayo ng aksyon!" Cielo firmly shouted as she trying persuade the entire class to agree on her point. Karamihan ay tumango at sumang-ayon sa pinapahiwatig ni Cielo habang ang iba naman ay nagvovoice out ng kanilang sariling opinyon. Muntik na akong mapalakpak dahil nasabi nya ang laman ng aking utak.
" Mga kaklase, papayag ba tayo na ang ating susunod na henerasyon ang magsusuffer sa mga kapabayaan na ginawa natin ngayon? Papayag ba tayo na mabubuhay sila na puro pasakit at durusa ang sasapitin dahil sa atin? Lahat tayo ang may responsibilidad, lahat tayo ay may kanya-kanyang misyon na dapat tapusin at kung hindi natin ito magagawa. Sa hinaharap magiging isa na lang din tayong kasaysayan, ang kasaysayan na hindi na mababago pa. " dugtong pa ni Cielo habang malungkot na inilibot ang paningin sa mga kaklase naming nakikinig sa kanya. Bakas sa ekspresyon ng bawat isa ang labis na paghihinayang.
"Kung may magagawa lang sana tayo...." hindi ko maiwasang magsalita sa mahinang boses pero sapat na para marinig ng buong klase. Lahat sila ay tumango .
" Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan." usal ni Kate. Mapait akong ngumiti saka walang emosyong nagsalita.
" Oo nga't maraming paraan. Ang tanong anong kakayahan ang meron tayo upang mabago ang ikot ng mundo ? Ano nga ba ang magagawa ng isang senior highschool student na katulad natin? Yes, maraming paraan pero marami ding salik na makakaapekto kapag tayo ay gumawa ng aksyon. Maraming dahilan dahil may mga tao na mas pinili manahimik upang umiwas sa posibleng gulo pero ano nga ba ang magagawa natin kapag tahimik lang tayo at walang ginagawa? Silent will never be the answer. " sagot ko .
" Apple is right. We can't do anything dahil kapag gagawa tayo ng paraan, maraming magiging balakid at maraming huhusga sa gagawin natin. Maraming feeling attorney at presidente sa mundo, na animo'y akala nila alam na nila lahat, na akala nila lagi silang tama when in fact they never do anything to make things right. Puro lang sila dada wala namang ginagawa. " pagsang-ayon naman ni Cielo.
Napatahimik ang buong klase at pinag-iisipan ang mga puntong pinahiwatig naming dalawa ni Cielo. The whole class started to understand what we trying to point out. Umayos ako ng upo , inilibot ko muna ang aking paningin sa kabuuan ng klase bago magsalita.
" If we wanted to change our future. The first thing we need to do is to change the reigning government, lahat nagsisimula sa itaas. They should be the one to take the lead in changer our miserable fate. Our future lies in them, so in order to change the outcome, we need to change the government first and their system. Kung corrupt ang gobyerno at ang sistema nito hindi malayong ang ating hinaharap ay mas magiging malala at masisira, " saad ko nang may determinado. Kung kaya kong baguhin ang hinaharap gagawin ko, kung kaya kong maiwasan ang mangyayari iiwasan ko, a-ayaw ko ulit maranasan ang lahat ng hirap na iyon, ayokong makita ang nakakagimbal na sitwasyon na iyon. It shouldn't happen, shouldn't!
Who wanted to experience the life that much more miserable than death? Sinong tao ang gusto maranasan ang makipag-agawan sa rasyon ng pagkain araw-araw? Sinong tao ang gustong makaranas ng gutom, uhaw, kahirapan, at manirahan sa sobrang delikadong lugar na kahit sarili mong kauri ang iyong kalaban?
I am Apple Kim from the year 3027. Bumalik ako sa nakaraan upang itama ang pagkakamali na ginawa ng bawat isa. I was tasked by the future government to change the fate of our future, to save the next generation, to save the earth from its terrible calamity, and to save human from extinction. In that year when the WW3 begun , the world started to change rapidly. The earthquake magnitude rise into 10, the typhoon increase to number 12, the nuclear radiation greatly affect the health of humankind, the factories of foods and medicine was destroyed by the war, another virus was spreading and this virus was mutated. The population of every human quickly decreased. Foods and Water are hard to find, the vegetables and plants was withered and ruined . Trees and mountains was no longer had the fascinating view , the trees are long gone. The heat factor increase to a higher level resulting the river to dry and the atlantic frozen ice melt. Everything is hopeless , the mother earth died from the hand of her own child.
However this is my one chance to save everything at kapag hindi ko magawa ang pinapagawa sa akin buong mundo ang masisira ko.
The future is in my hand, our future lies in the past.
@IamMarg_Muentorv
BINABASA MO ANG
Ang Mga Dagli Ni Marga
Mystery / ThrillerAng mga dagli ni Marga -A short stories that shows my deepest fear, my desires, my goal and my darkest secret compiled into one .