12

56 4 0
                                    

Haylee's POV

      Nakatulog ako agad kagabi ng hindi ko alam kung bakit, siguro'y dahil na rin sa matinding antok ko kaya napapikit ako agad. Alas nuwebe na ng umaga nang magising ako at nakakulong pa rin ako sa yakap ni Yohan.

"Hoy" bulong ko.

"Hmmmm?" Ang tanging sagot naman nito sa akin.

"Bangon na." Utos ko naman.

"Maaga pa, inaantok pa ako." Sagot nito sa akin at mas yumakap pa.

Ang pogi lalo ng morning voice niya.. PERO 'DI AKO PAPATINAG!

"Isa." Pagbabanta ko rito kaya naman agad siyang kumalas sa yakap kaya bumangon na ako.

Tinabihan ko muna si Angel para gisingin at tanungin kung gusto na niyang mag gatas.

"Wake up, baby." Sabi ko at hinaplos-haplos ang buhok nito.

Agad namang dumilat si Angel, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Nang makita niyang gising na rin si Yohan ay bumangon naman siya at niyakap din si Yohan at hinalikan din sa pisngi.

"Baby, gusto mo milk?" tanong ko rito at tumango naman siya sakin saka ngumiti.

Lumabas na ako ng kwarto para magtimpla ng gatas ni Angel at para gawin na rin ang morning routine ko. Matapos kong gawin ang mga ito ay agad ko naman silang nakita sa sala na nanonood ng cartoons sa tv namin.

"Here's your milk baby." At iniabot sa kaniya ang gatas niya.

Nakita ko namang tumayo na si Yohan at pumunta sa cr. Tinignan ko naman si Angel habang nanonood ng cartoons at habang nakatingin ako kay Angel ay tumunog naman ang cellphone ko kaya naman agad ko itong tinignan at nakita ko namang sina Arianne ito.

Arianne-a Grande: Hoy, punta ulit kami later mga 12 noon.

Sydney- Australia: Penge puds ha

Maeriel na maganda: Miss ko na anak mo pero mas miss ko si Zade

Okay @Arianne-a Grande

Kapal mo @Sydney-Australia

Yiee! Inlove yarn HAHAHA add ko nga rito mga ano niyo.. : P

Maeriel na maganda: Sige, add din namin asawa mo rito

Che!

Agad ko namang in-add sina Rjay sa gc namin matapos ng usapan namin.

Arianne-a Grande: Alam mo, medyo putangina mo Haylee

Sydney-Australia: Hala, gago ka Haylee HAHAHAHA

Maeriel na maganda: Tangina mo haylee, sasakalin kita mamaya! Gigil mo ako.

@Zade miss ka na daw ni Maeriel HAHAHAHA

Rjay: Yieeee!

Dylan: Naks! Binata ka na Zade HAHAHA

Zade: Miss na rin kita HAHAHA

Potragis kayo, malalandi! HAHAHAHAHA

Nagulat naman ako ng biglang i-add ni Maeriel si Yohan.

Wala 'yan, naliligo siya bleh : P

Maeriel na maganda: Wala lang, in-add ko lang asawa mo para fair! : P

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon