23

35 4 0
                                    

Haylee's POV

      Maaga akong nagising kaya naman agad kong ginawa ang morning routine ko para makapaghanda na rin ng almusal at ng kailangan ko mamaya sa concert. Isinuot ko ang maroon kong sweatshirt na croptop at black na pantalon. Isinuot ko rin ang white shoes na ginamit ko kahapon dahil mukha namang bagay ito. Kinuha ko ang string bag ko at inilagay ang pamalit kong tshirt at iba pang kakailanganin ko mamaya. Matapos kong mag ayos ay narinig kong sumara ang kwarto ni Yohan kaya naman lumabas na ako at bumaba para maghanda ng almusal namin.

Nagpatugtog na lang muna ako habang nagluluto ako at sumayaw-sayaw.

"HOY!" Sigaw ni Yohan sa likod ko kaya naman napasigaw din ako sa gulat.

"Ano ba?!" Singhal ko sa kaniya dahil muntik na akong mapaso.

"Ang cute naman ng damit mo, sa braso mo ang haba ng tela tapos sa tiyan kinulang. Hindi ka ba kakabagin niyan?" Ani niya at tumawa.

Inirapan ko lang siya at itinuloy ang pagluluto ko ng almusal namin.

"Kidding aside, you look good. You're pretty." Ano naman kayang kailangan niya?

Hindi ko siya pinansin at tinapos na ang pagluluto ko. Inilagay ko na sa lamesa ang niluto ko at umupo sa harap ni Yohan, nang tignan ko siya ay nagulat ako dahil nakangiti ito habang nakatitig sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Masyado kang maganda." Seryosong sabi niya kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Ang dami mong sinasabi, kumain ka na lang." Sabi ko dahil ramdam kong nakatitig pa rin ito sa akin.

Hindi na muling nagsalita pa si Yohan dahil nagsimula na rin siya kumain. Nauna siyang natapos kumain at nauna nang pumunta sa sala kaya naman tinapos ko na rin ang pagkain ko saka naghugas. Matapos kong maghugas ay dumiretso na ako sa sala para ayain si Yohan na umalis na.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sa kaniya.

"I was waiting for you. Tara na ba?" Tanong nito sa akin kaya naman tumango ako.

Nagulat ako dahil nang makatayo siya ay hinawakan niya ang bewang ko at nagsimulang maglakad papunta sa garahe. Ako na ang nagbukas ng gate para mailabas niya na agad ang kotse niya. Nang mailabas niya ang kotse niya ay bumaba siya upang antayin ako na sumakay sa kotse niya. Ibinukas niya ang pinto at inalalayan akong sumakay bago siya tuluyang sumakay din at nagdrive papunta sa university.

---

      Matagal-tagal din ang naging byahe namin papunta sa university dahil sa traffic kaya naman nang mai-park na ni Yohan ang kotse ay dumiretso na kami papasok sa university. Kapapasok pa lang namin ay agad na hinila ng isang criminology student si Yohan kaya naman sumunod ako sa kaniya dahil wala naman akong ibang kasama. Nakarating naman kami sa loob ng marriage booth at napairap ako nang makitang may babae na doon at magkakulay pa sila ng tshirt. Ikinagulat ng lahat dahil niyakap niya ang babae imbes na halikan, napairap naman ako ro'n.

Kilig na kilig si ante.

"Selos ka na niyan?" Nagulat ako nang makita yung anim sa tabi ko.

"Ba't naman ako magseselos? Tsk." Sabi ko naman at nauna na maglakad sa kanila para lumabas na ng booth.

Habang mapayapa naman akong nagl-lakad ay hinawakan ako sa braso ng dalawang criminology students.

"Anak ng tokwa mga kuya, kalalabas ko lang doon dadalhin niyo na naman ako ro'n?" Iritado kong sabi sa kanila at nakita ko namang napangiti sila sa sinabi ko.

Nang makapasok ako sa marriage booth ay nag antay lang kami ng ilang minuto at may dinala na naman silang naka maroon na tshirt na lalaki. Mukha namang mabait si kuya kaya naman nginitian ko lang siya nang magkatinginan kami.

Nagsimula na naman ang kinemerut na seremonya at nang matatapos na ay hinalikan niya lang ako sa noo at niyakap. Lumabas na kaming dalawa ng marriage booth at nakasunod naman yung walo sa amin. Kumuha ako ng wet wipes sa bag ko at pinunasan ang buong mukha ko para hindi ma-offend itong si kuyang humalik sa noo ko.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon