11

48 3 0
                                    

Yohan's POV

      Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin, ramdam ko ang hininga niya sa dibdib ko. Agad akong dumilat para tignan kung anong oras na, nang tignan ko ang wall clock na nandito ay agad akong napangiti dahil 1 o'clock pa lang ng madaling araw. Buhok na lamang ni Haylee ang nakalagay sa braso ko, tinignan ko naman si Angel at nakita kong yakap-yakap niya ang binili sa kaniya ni Haylee na Spongebob habang mahimbing na natutulog. Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Haylee at napangiti sa hindi malamang dahilan. Kinabahan ako ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko, baka naririnig o nararamdaman ni Haylee. Ano ba ito, bakit ganito yung puso ko? May sakit ba ako sa puso? Sa pagkakaalam ko ay wala. Muli akong napangiti dahil mas lalong humigpit ang yakap ni Haylee, crush siguro ako nito. Niyakap ko naman siya pabalik at bumalik sa pag tulog.

6:35 AM

      Nagising na akong muli at nakita ko namang hindi na nakayakap si Haylee sa akin, tinitigan ko ang mala-anghel niyang mukha bago pa ako bumangon. Kaya bigla-biglang may sumusulpot-sulpot sa tabi mo eh, ang ganda ganda mo kasi. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hinalikan kong muli si Haylee sa noo bago ako bumangon para gawin ang morning routine ko. Matapos kong gawin ang morning routine ko ay nagsimula na akong magluto ng almusal namin. Nang matapos ako magluto ay agad akong pumasok sa kwarto para gisingin sila at nakita ko namang gising na si Angel kaya napangiti ako.

"Good morning kuya papa!" bati ni Angel at yumakap sa akin.

Niyakap ko naman siya pabalik at hinalikan niya naman ako pisngi.

"Hi baby, goodmorning" bati ko naman pabalik sa kaniya at hinalikan din siya sa pisngi.

"Bakit hindi mo pa ginising mama mo? Baka magtampo ulit sa atin 'yan." Pabiro kong sabi.

"Ayaw po niya gising eh, antok pa raw siya po" sagot naman ni Angel kaya naman pumunta ako sa tabi ni Haylee para gisingin siya.

Nang tapik-tapikin ko siya ay hindi naman siya gumigising kaya naman nakaisip ako ng plano para magising siya.

"Gigisingin mo siya pero ako mag-gagalaw sa kaniya ha" bulong ko kay Angel at tumango naman ito.

"Ate mama, gising na po!" nang masabi ito ni Angel ay nag shhh-sign ako sa kanya at sumunod naman si Angel.

Agad ko namang hinalikan sa pisngi si Haylee nang makita kong gumalaw siya.

"Good morning, bangon na." Bati ko rito at agad naman siyang napadilat dahil dito.

"Ano? 'Di ka pa ba babangon? Do you want another kiss?" Sabi ko naman at tumawa kaming dalawa ni Angel.

Nanlaki naman ang mata niya at agad na bumangon, kami naman ni Angel ay nag-apir nang bumangon si Haylee.

"Mama, kain na po tayo. Gugutom na po ako." Pag-aaya ni Angel kay Haylee.

"Wait niyo na lang ako sa kusina baby, c-cr lang po ako." Paalam naman nito at hinalikan si Angel sa pisngi.

Tumango naman si Angel at agad na hinila ako papunta sa sala.

"Papa!" Tawag ni Angel sa akin nang makaupo kami sa sofa.

"Yes po baby? Do you need anything?" Tanong ko naman at ngumiti sa kaniya.

"Tatampo ako kay mama po." Ani niya sabay crossed arms at nag pout.

Ang cute cute naman, pwede ko kaya 'tong kagatin?

"Bakit naman baby?" Tanong ko naman.

"Hindi niya tayo kiniss po." Sagot naman niya at muling nag pout.

"Oo nga 'no. Sige, hindi po natin siya bati kasi hindi tayo kiniss." sagot ko naman at napa-ngiti dahil sa cuteness ng baby ko.

Tumango naman siya at nag-pout, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya marahan kong kinurot at hinalik-halikan ang pisngi niya dahil sa sobrang ka-cute-an. Maya-maya pa ay lumabas na si Haylee galing sa kwarto dahil naligo na rin siya at umupo sa tabi namin ni Angel.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon