Kabanata 5

5.9K 111 68
                                    

Wonderful Places

"Tao po!" Sumigaw ako nang malakas sa tapat ng bahay ni Cha dito sa Jubilation South. Bingi pa naman ang babaeng 'yon. Laging nakasalpak ang airpods. Mabuti na lang at bumukas ang kanilang gate. Unang tumambad sa aking paningin ay si Aling Lina, ang matandang kasambahay nila Cha.

"Lala! Naparito ka. Pasok ka." Nilahad niya ang kaniyang kamay para makapasok ako. Sinundad ko siya papasok ng pintuan hanggang sa makarating kami sa engrandeng living room.

"Upo ka muna at tatawagin ko lang si Charlene," sumunod naman ako sa sinabi niya at naupo sa couch.

Nilibot muna ng aking paningin ang mediterranean style house nila Cha. Malawak ang kanilang bahay dahil sa kanilang garden sa labas. Ang alam ko, limang lote ang binili ng magulang niya. Mahilig kasi si Cha sa makukulay na bagay at kasama na roon ang bulaklak.

Tumayo ako sa aking inuupuan at nagtungo sa kanilang garden sa labas. Para kang nasa gubat pagkalabas mo pa lang. May puting Arko doon bago makapasok sa mismong hardin. There was a pebbled pathway leading to the heart of their garden—the pavilion. I followed the pathway as my eyes roamed around varieties of flowers ranging from roses, carnations, sunflowers, and even exotic plants and vines. Marami ring bulaklak ang hindi pamilyar sa akin.

I stop in front of a cluster of dusty pink roses. I plucked one flower and smelled it.

Amoy bulaklak. Nothing new.

"That's memory lane roses," Lumingon ako sa taong nagsalita. Ngumisi sa akin si Cha at naglakad papalapit sa akin. Kinuha niya ang rosas sa aking kamay. Inamoy niya rin ito at saka inobserbahan.

"Beautiful, right?" Her eyes twinkled in astonishment.

"Yeah,"

Ginala ko ang aking panigin sa mga rosas na mayroong iba't ibang kulay at klase. Kung ihahambing mo ito sa garden namin, di hamak na mas malawak at mas maganda ang kanilang hardin. Ang mga tanim lang namin ay puro halaman at ni-landscape lang iyon ng aking tatay kaya gumanda. Pero gustong-gusto ng mga kaibigan ko tumambay sa bahay namin tuwing gabi dahil malamig ang simoy ng hangin. Palayan kasi ang likod ng bahay kaya ang lakas maka probinsya kahit nasa ciudad.

"Pasok na tayo sa loob," tumango ako sa sinabi niya at sabay na kaming naglakad pabalik ng kanilang bahay. Umakyat kami sa kaniyang kwarto at doon nagkulong buong araw. Naglaro lang naman kami ng GTA, fortnite at COD sa kaniyang playstation. Dinalhan pa nga kami ni Aling Lina ng lunch dahil tinatamad kaming umalis ng kwarto.

Nang dumilim, nagpasya kaming tumambay sa Pavillion Mall. We decided to have our dinner outside. Nakakatamad naman kasi kumain sa bahay nila. Nakisakay na lang si Cha sa vios ko.

"Anong order mo?" Me and Cha were casually waiting for our turn to order, here in Army Navy.

"Steak burrito akin," I gave her my money and left her order our food. Umupo ako sa isang corner at nilabas ang phone ko. Walang ganap sa messenger ngayon. Isang message, wala. Patay na ba mga tao? Hindi naman ako informed. Sana'y sumama na pala ako.

"My gosh, Lala, ang dami kong chika sa'yo!" Cha squealed in excitement as she sat down in front of me with a huge smile plastered on her face.

"Anong ganap?" I did not hesistate to look at her reactions, instead, I scanned through my newsfeed in facebook and look for new memes.

Luminga-linga si Cha sa paligid at humilig siya sa lamesa para ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Mukang seryoso itong chismis niya.

"Natanggal daw sa trabaho si Juri," bulong niya sa akin.

"Seryoso? Ano daw nangyari?" I also leaned forward to clearly hear her.

"Naalala mo yung sinabi ni Ae na nilandi ni Juri si JD?"

War of HeartsWhere stories live. Discover now