Kabanata 17

3.2K 66 81
                                    

Memories

Pinagsandok ako ni Mama ng kanin at ulam. Nakaupo lang ako sa tabi niya at hindi naghamong magsalita. I didn't look at anyone. Tanging pagkain lamang ang tinitignan ko. I don't know how to look at them without breaking a single teardrop. Lalo na sa katabi ko.

Her presence inside this house irritates me. Hindi ko na nga lang iyon pinahalata. I continued eating without uttering a single word. Kapag magtatanong sila tungkol sa akin, tumatango na lang ako.

Nagkataong nagkatinginan kami ni Ate Gladys. Naninimbang ang kaniyang mata sa akin. I looked away, fearing that she might see my deepest fear.

"Balita ko pumasok ka ng med school. Ang galing pala ng anak ko! 'Di ko alam na magiging doktora!" Puri sa akin ni Mama.

I gave her a small fake smile. Kunyari interesadong makipag-usap sa kaniya.

"May pasalubong nga pala ako sa'yo!"

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Masaya siyang umalis ng hapagkainan para kunin ang pasalubong niya sa akin. Namutawi ang ngiti sa labi ni Papa. Ganoon din ang dalawa kong kapatid.

"May mga tsokolate ngang inuwi si Mama, Ate!" Ani Keith. "Sorry. Kinain ko na 'yung dalawang maliit na toblerone."

"Ang takaw mo kasi. Hindi mo na nahintay si Mare." Umirap si Keith sa sinabi ni Ate Gladys.

"Okay lang." Pinagpatuloy ko ang aking pag kain.

Masarap ang niluto niya. Hindi ko maitatago na magaling siyang magluto. Parang nagliyab ang puso ko nang maalala na paborito ko nga itong pagkain. Lalo na kapag siya ang nagluluto.

Kahit galit ako sa kaniyang ginawa, I still missed her home cook. Ninanamnam ko pa lang ang ulam ko sa mapayapang pag kain nang biglang bumaba si Mama nay may dalang isang puting kahon. Nilapag niya ito sa counter top.

"Gusto mo bang buksan agad o tapusin mo muna pag kain mo?" Halata sa tono niya ang galak.

"Kakain muna po ako." I said in a small voice.

"O sige... masarap ba ang luto ko?" I glared at her, getting irritated by her questions. Kailan ba titigil ito sa pagputak?

Pinanlakihan ako ni Papa ng mata, dahilan ng paglambot ng tingin ko kay Mama.

"A-ayos lang po."

"Naku! 'Di ko na matandaan kung tama ba ang proseso. Nakalimutan ko na ang tinuro ni Nanay sa akin."

"Masarap naman ang luto mo Judith. Parang luto mo lang noon." Malambing na sabi ni Papa.

Hindi ko na lang pinakinggan ang mga pinagsasabi niya. Si papa at ang mga kapatid ko na lang ang nakipag-usap. Natapos na akong kumain ay biglang nabuhayan ulit itong si Mama.

"Tapos ka na kumain Mare? Tignan mo ang mga pasalubong ko sa'yo!"

Tinanggal niya ang mga pinggan sa lamesa't pinatong doon ang puting box. Napatayo ako dahil may katangkaran ang kahon. Tinanggal ko ang tape gamit ang gunting at tuluyan ng binuksan. Marami akong nakitang iba't ibang gamit sa medisina. Mayroong stethoscope, dotted notebook, iba't ibang kulay ng ballpen, highlighter, pencil case, at mga libro na gusto kong basahin. Mayroon ding shoulder bag na branded at ang huling nakita ko roon ay mayroong macbook sa ilalim!

My jaw dropped in astonishment.

"Nagustuhan mo ba ang mga binili ko? Naghanap ako sa internet ng mga video kung ano ba ang mga gamit ng med student, 'di ko lang alam kung lahat na ba 'yan."

Napabaling ako sa aking ina, mangha. I couldn't hide the excitement in my eyes. Isa-isa kong nilabas ang gamit.

"Sana all may macbook!" Inirapan ko si Keith.

War of HeartsWhere stories live. Discover now