Warning: R-18. Intense language.
Yes
Pinapanood ko lang si Earl kahit dilim na. Nakapamaywang siyang nakikipag-usap sa kabilang linya.
Kinabahan ako sa 'di malamang dahilan. Parang may masamang mangyayari sa pagtawag pa lang ng Mama niya at sa paraan ng pag-igting ng panga niya.
"Yes. We'll go there... don't worry Ma, I am fine... busy? I'm busy with my girl."
Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya iyon. Ibinaba na niya ang tawag at para akong sinilaban ng apoy nang lumapit siya sa akin at hinila ako patayo.
Hindi na ako nakapag-unat ng buto dahil kinakabahan ako. Ano kayang meron?
Yinakap ako ni Earl nang patagilid at dinampian ang pisngi ko ng mababaw na halik.
"May problema ba?" I tried to sound as calm as possible.
"Hmm..." he sounded dazed.
"Earl..." Marahan kong ipinaghiwalay ang katawan namin para masagot niya ako nang ayos.
He pouted at what I did.
"We need to go to our house."
"We? Kasama ako? S-seryoso ba?"
Alam ko namang napakasosyal ng pamilya ni Earl. Ni hindi ko nga mapantayan si France pagdating sa mga fits niya. Isabay pa na hindi naging maganda ang reaksyon sa akin ng Lola niya na si Donya Corazon. Now that I've thought about it, kailanman ay hindi ako pormal na nakipag-usap sa kanya! Well, she looks scary with her judgemental eyes.
"Yes. Don't worry about them. I just need to fix something."
Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa.
Ayokong manghimasok sa buhay niya kahit ang sabi niya'y mas maganda kung wala kaming tinatagong sikreto sa isa't isa. With the years of learning from what had happened between us, I always reacted differently as if I do not like the world he is in.
I admit that I am a coward when it comes to him and his family. Nakakatakot silang lapitan at makasama sa mundo nila. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay at iyon ay ang maging stable but not in this kind of world. In the world where money and name is the race to win power.
Inayos na namin ang likuran at isinara ang pinto. Pagkasakay namin at naayos na ang aming pang-upo ay halos tumalon ang puso ko nang halikan ako ni Earl sa labi. The butterflies in my stomach were triumphantly dancing in delight. Ikamamatay ko talaga ang pagsayaw nila.
"Nagkaroon kasi ng problema tungkol sa engagement." He suddenly said the moment he started the engine.
Agad akong nalito sa pinagsasasabi niya.
"Engagement? Of who?"
"Engagement ko." His voice was strained.
Bigla akong nanlamig sa sinabi niya. Engagement? So he's really destined to be with someone else and not me?
My insecurities suddenly flooded my mind. Anong ginagawa ko rito? Don't tell me na kabit ako?! Omg no!
"I don't have any plan to be engaged with someone aside from you, Mare."
Nakahinga ako ng malalim. Earl narrowed his eyes after my reaction.
"Inakala ng mga de Acosta na pakakasalan ko si Mariane kaya naglabas sila ng presscon na magpapakasal kami when in fact, it's all a fraud."
Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
Iba talaga ang takbo ng buhay mayaman 'no? Uso pa pala iyang may pa-press release para sa engagement. E kung ako 'yan, gusto ko lang ng simple at pribadong buhay mag-asawa.
YOU ARE READING
War of Hearts
RomancePapillon Series #1 If Athanasia Mare had the opportunity to be with the person she adores most, she would climb mountains or traverse oceans for him. She'd seize every chance presented to her. However, just as she's on the verge of reaching her drea...