Lucky
Hinila ako ni Earl palabas ng spa. Ang langit ay nagiiba ng kulay sa paglubog ng araw. Huminto siya sa tapat ng kaniyang sasakyan. Binitawan ko sa pagkakahawak ang kamay niya sa palapulsuhan ko.
"Why did you suddenly walk out huh?"
Hindi ako nagsalita. I crossed my arms as I gaze at a tall building just behind him. Sadyang iniwasan ko ang aking paningin sa kaniya.
"Magsalita ka naman Mare. Please..."
Parang may mainit na kamay ang humawak sa aking puso ng mapansin ang panghihina sa tono ng pananalita niya. Para bang napawi ng isang pitik ang galit ng puso ko.
Bumuntong hininga siya't pumikit ng mariin. Malutong siyang nagmura.
Binaba ko ang aking paningin sa kalsada. Somehow, guilty ako sa nangyari. Kahit wala naman akong kasalanan. Hindi ko ata kayang makita siyang nanghihina ng ganito. Gusto ko na siyang kausapin pero kailangan kong malaman kung sino ba iyong Mariane na 'yon.
To me, it looks like they've known each other for a long period of time. To think that that girl came from Sicily, halatang mayaman siya. Of course she is! Lahat naman ng taong nakapalibot kay Earl ay mayaman. Ako lang ata hindi.
"She's a family friend." Tinaas ko ang aking paningin sa kaniya. "She's my childhood friend."
Childhood friend huh? Of course, matagal na silang magkakilala. I'm sure they share a special bond with each other.
I plastered a fake smile on my face, trying to convince that it's okay for me. Kahit sobra na ang selos na nararamdaman ko.
"I didn't know. I'm sorry."
I don't want to act immature in front of him. Ang ginawa ko kanina'y hindi katanggap-tanggap. Para akong batang nag walkout sa mall dahil hindi ako binilhan ng paborito kong laruan.
You're so dumb Mare. Napaka immature mo.
He looked at me with so much confusion, like he did not believe what I just said.
I convinced him by holding his hands. "Now I understand. I'm sor-"
"Don't apologize Mare! It's not your fault. Hindi mo kasalanan ang pagtatampo sa akin."
Kumalabog ang puso ko.
"Ikaw lang ang may karapatang magalit sa akin Mare. Ikaw lang..."
My lips slowly rose from his sudden outburst. I can't believe he's giving me so much authority over him. Not that I want to be possessive but we're not yet a thing.
Wait... he said...
Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina. He just called me his girlfriend! Is this for real!
I suddenly acted shy. Nakatingin pa rin siya ng seryoso sa akin, tila hindi alam kung bakit ako nangingiti sa kabila ng pag-aaway namin.
Malamang hindi niya alam kung ano iniisip ko!
"Uh... gusto ko ng u-umuwi..." I can't find the right word to say.
Nagmumukha tuloy akong nagtatampo pa rin sa kaniya! Wrong move, Mare. Dapat hindi ka na nag-aya umuwi!
"Okay. Get in..." Pinatunog niya ang kaniyang sasakyan.
Iminuwestra niya sa akin ang front seat. Nag-aalangan pa ako sa pagpasok kaya hindi ko na naiwasan ang mauntog.
What the heck Mare?! Anong ginagawa mo?
Napangiwi ako sa sakit. Hinimas ko ang ulo kong mukha magkakabukol pa dahil sa malakas na pagkakauntog ko.
YOU ARE READING
War of Hearts
RomansaPapillon Series #1 If Athanasia Mare had the opportunity to be with the person she adores most, she would climb mountains or traverse oceans for him. She'd seize every chance presented to her. However, just as she's on the verge of reaching her drea...