✨KABANATA 1:Tingin✨

503 13 0
                                    

Pagkatapos kung maligo napagdesisyonan kong magsuot muna ng Plain na white T-shirt at faded color na pantalon. Hindi ko na masyadong pinaghandaan ang susuotin ko ngayon. Hindi na rin ako masyadong naglagay na kolorete sa aking mukha. Sinuot ko ang kwintas na may pendant na puso na binili ni Mommy sa Germany nung nagdebut ako.

Pagkabukas ko ng pintuan tumambad sa akin si Manang na nakahiga sa sahig.

"Manang!Manang!" sigaw ko parang magising siya.

"Hmmm..." ungol niya habang kinukusot ang mata.

"Ano pong ginagawa niyo dyan?" tanong ko.

"Wala. Memagawang bago sa buhay ko. Sandra ano nga pala yung pinapanood mo kagabi?" tanong niya.

"K-Drama po" sagot ko.

"Anong K-Drama ang pinagsasabi mo" angil niya.

"Pang koreano po yun e," sabi ko.

"Kaya pala hindi ko maintindihan. Akala ko na bibingi na ako. Ano bang pamagat nun ma-search ko nga," aniya.

"W po."

"Ahh, sige maghahanda na ako ng umagahan mo para makanood na ako ng W. May subtitle ba iyon naman?" tanong niya.

Hindi na matapos ang usapan namin ni manang. Akala mo kinikilig ni hindi niya pa napapanood. Sa tanda niya ngayon niya lang naalalang lumandi at dahil diyan tuturuan ko siya ng rules Kung paano lumandi para Naman magkaroon siya Ng Lovelife. May Asim pa Naman siguro siya sa katawan para makabingwit ng chupapi monyanyo sa paligid-ligid na puno Ng manyakis.

Tinignan ko ang oras 6:30 na ng umaga kaya't agad kong inubos ang pagkain sa aking pinggan alangan namang sa mangkok at sa platito ako kumain. Hindi pa Naman kami naghihirap. Kanina pa umalis ang mga magulang ko dahil may mahalaga raw silang appointment. Nagpahatid ako sa driver namin dahil bawal kung gamitin ang kotse ko pag nasa school ako.Pagbungad ko palang sa gate ng school may nakakita na sa akin,si Shyrene.

"Oh! hello Sandra. You look good,"sabi niya. Siya yung feeling close sa akin na lagi akong binabati kasi nga maganda ako. At saka crush niya yung ex Kong si Denzel. Sabi niya pa sakin Idol niya daw ako sa Fashion ng pagdadamit ko. Ang dami niyang dada sa buhay kapag magkakasalubong kami.

"Thank you," sabi ko kahit gusto ko ng tumuloy sa paglalakad.

"How are you? Long time no see..." e paano ko naman siya makikita e kababakasyun lang.

"I'm good." maikli kong tugon.

Hindi kami close ni Shyrene pero dikit ng dikit siya sa akin na feeling niya friends kami. Simula palang Highschool mukha na siyang tuko na sunod ng sunod samin ni Lalisa kaya't sobra ang inis ni Lisang sa kaniya kasi nga daw Idol niya ako.

"I have to go." sabi ko kasi nauubos na ang precious time ko sa kaniya.

Hindi ko na siya pinasin o nilingon kahit may sasabihin pa sana siya sa akin. Sa malayo palang nakita ko na si Lalisa ng nakaupo sa directory habang nakatunghay siya sa akin. Pinapanood niya ang bawat galaw ko na para bang ako si Cardo sa 'Ang Probinsyano' o dahil confuous sa kagandahan ko.

Rule#1 sa paglalandi: Be presentable kapag ihahain sa table.

"Grabe naman yang laway mo lumalaway! Unbelievable na pwede Ng e-edible! Sobrang ganda ko ba ngayon?!" sabay hawi sa buhok kong mahaba na straight na straight.

"Asa." tugon niya.

"Bad mood ka girl?" sabay tawa ko.

"Ikaw kasi e!" sabi niya. So kasalanan ko pa ngayon na maganda ako.

Todenzy Series #1: Feel Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon