✨Kabanata 4:Gunita✨

294 11 0
                                    

Hindi ako mapakali sa date namin ni Denzel. Andito kami ngayon sa SM Mandaluyong. Nanood kami ng sine.Kumain sa mamahaling restaurant. Naglaro ng video game at nag shopping. Kahit na tinatamad ako sinasabayan ko na rin siya.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong niya pagkahatid niya sa akin sa bahay.

"Yeah! I enjoyed it," na may pilit na ngiti

Pagkapasok sa bahay naabutan kong andoon si Daniela.
Sumulyap sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tinawatag ako ni Mommy pero hindi na ako lumingon.

"Why she's here?" Sabi ko.

Pumunta ako sa banyo para makapagpalit na ng pangtulog dahil ginabi na kaming umuwi ni Denzel. Pagkalabas ko sa kwarto para magdinner at doon pa rin siya.

"Can we talk?" Sabi niya.

"No we're not" Sarkastikong sabi.

"Sandra!" Tawag ni Mommy. "Stop acting like a child" Sabi niya.

"I'm sorry Sandra. I'm really sorry," Umiiyak niyang sabi.

"Sorry!" Sigaw ko. "Sorry is not enough," tutulo na ang luha ko. "Sinaktan mo ako, napahiya ako and you'll never be forgiven." Sabi ko.

Tinalikuran ko siyang humahagulgol sa garap ni Mommy. Pumunta ako sa kwarto ko para kuhanin ang susi at pagkababa ko nakaabang na sakin si Mommy na may matalim na tingin sa akin.

"Forgive her Sandra," Sabi niya. "I don't really know what's happening between the both of you, but please forgive her." Nagmamakaawang aniya.

Hindi ko siya sinagot. Walang namutawing salita galing sa bibig ko. Biglang tumulo ulit ang traydor na mga luha ko. I love Ate Daniela, she's my savior and ate pero ang sakit ng ginawa niya sa akin.

Tinalikuran ko si Mommy at dire-diretso ang lakad patungong pinto. Tinatanong ni Mom kung saan ako pupunta pero hindi ko parin siya sinasagot. Kinuha ko sa garahe ang sasakyan ko at pinatakbo ito sa park. Umupo ako sa mahabang upuan at doon ibunuhos ang lahat bg hinanakit ko. Alam kong maliit na bagay lang ang nangyari samin pero para sakin ang laking perwisyo na ito sa pagsasamahan namin. Biglang may humahawak sa balikat ko at ng nag-angat ako ng tingin. Si Thaddeusse.

"Are you okay?" Tanong niya.

"Mukha ba akong okay," Sabi ko. "Alam mo nang umiiyak ako dito tinatanong mo pa kung okay lang ba ako. Hanep ka rin no?!" Galit kong sabi sabay punas sa luhang dumadaloy sa mukha ko.

Nilagay niya ang kaniyang daliri sa aking pisngi at siya na rin ang nagpunas sa mga luha ko. Bakit pag siya ang kasama ko I feel comfortable. Naaalala ko sa kaniya ang taong minahal ko ng buong puso.When I'm First year I have boyfriend named Charlie Jerix Lee. We are more than two years.

"O huwag kang magalit nagtatanong lang ako bawas tuloy ang pogi points ko sa iyo," Natatawang sabi niya.

"Bakit nga ba andito ka?" Tanong ko.

"Kanina pa ako dito,tapos nakita kita kaya lumapit ako." Sagot niya.

"Hindi yan ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras." Sabi ko.

"E ikaw bat ka andito?" Tugon niya.

"Binabalik mo naman sa akin yung tanong ko e." Naiinis na sabi ko.

"Iniisip ko kung kailan mo ako sasagutin." Sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niya kaya't nilingon niya ako.

"Ayan tumawa ka na rin." Sabi niya sabay ngisi.

"Nanliligaw ka ba?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot niya. "Pero kung pwede papayag ka ba?" Aniya.

Todenzy Series #1: Feel Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon