✨KABANATA 3:Presence✨

339 13 0
                                    

Sa bawat subject na dumadaan sa araw na iyon walang pumapasok sa utak ko. Sinakop na ni Thaddeusse ang sirkulasyon ng bawat detalye ng isip ko. Thaddeusse!!! Why are you doing this to me???

Second day of school palang Girl, Lumalandi ka na naman. Easy easy naman.

Rule#7 sa paglalandi: Huwag obvious, Hindi ka iseserious.

Pagkatapos ng klase ng umaga hinila agad ako ni Lalisa. Ito na at iimbistigahan na ako ng Gaga. Mabilis niya akong hinila papuntang canteen sa college department. Our school is Parystain Leyris De Fuentes University(PLDFU).

"Hoy!" sabi niya dahil dire-diretso ang lakad ko. "Magpaliwanag ka nga sa'kin kung ayaw mong masapak," kunyari pang hinihimas niya ang kaniyang kamao. "Ano magsalita kal!!!" galit niyang sabi.

"E kasi uhmmm kwann kasi," hindi ko alam ang sasabihin ko at kung paano ko ito sisimulan.

"Kung magsenyasan nalang tayo dito para maintindihan. Putik na yan!" naiinis niyang sabi.

"Kasi iniiwasan ko si Thaddeusse pero hindi ko magawa. Kinakabahan ako sa kaniya sa bawat masusulyapan ko ang mata niya parang kumikinang, nang aakit. Ayoko siyang pansinin kaninang umaga kaya't pati ikaw hindi ko pinansin nung tinawag mo ako. Ayos na!!!"sigaw ko sa kaniya na hinihingal pa dahil kinulang sa hininga.

"At bakit gusto mo naman gagawin yun gaga?!" sarkastiko niyang sabi.

"Wala trip ko lang, bakit masama?" sagot ko.

"Kung bugbugin kita dito kasi trip ko rin," aniya." Teka nga si Denzel ba yun?" turo niya sa paparating sa likod ko.

"Hi Girls!"sabi niya. "Hi Sandra hindi kita nakita kahapon a," sabi niya.

"Hello," sabay naming sabi.

"Hindi kasi kami lumabas Kahapon ni Lalisa kaya't hindi mo ko nakita." sabi ko na wala ang tingin sa kaniya dahil na sa lalaking papalapit sa akin.

Thaddeusse!!!

LUNOK

Bawat hakbang niya ay parang ng hihina ang tuhod ko. Ang lakas talaga ng appeal niya dahil lahat ng babae napapatingin sa kaniya na parang na may natatakam na tingin. Naiinis ako sa kanila. Naiinis talaga ako. Why ako naiinis???

"Hi, I'm Thaddeusse" pagpapakilala niya kay Denzel nung nakalapit siya sa amin. Naglahad siya ng kamay kay Denzel. Tinanggap ni Denzel ang kamay niya.

"Hello I'm Denzel From Engineering Department. Ex ni Sandra." sabi niya sabay sulyap sa akin.

Hindi ko matignan si Thaddeusse ng harap-harapan dahil nakatingin siya sa akin na may malalim na tingin. Hindi ko ba alam sa lalaking ito kung galit ba siya o may dumi sa mukha ko.

Pinaalam niya ako kay Denzel at Lisa na may pag-uusapan lang kami. Kapal talaga ng mukha. Tumingin sa akin si Lalisa na may nanliliit na mata. Kahit hindi mukhang payag si Denzel sa nais niya pinakawalan niya rin ako.

Dinala ako ni Thaddeusse sa likod. Andito kami ngayon sa field at kaming dalawa lang narito. Kahit na kinakabahan tinatagan ko ang sarili ko. Ang mukha niyang may ngiti kanina ay nawala ng matitigan kami.

"Bakit mo ginawa yun?"tanong niya.

"Ang alin ba? Hindi ko maintindihan. May nagawa ba akong mali?" sabi ko.

Todenzy Series #1: Feel Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon